Hindi itinanggi ni Rochelle Pangilinan, 44, na may pagkakataong nagkakaroon ng alitan ang mga miyembro ng SexBomb Girls.
Ito ay sa gitna ng maugong na balitang may appearances ang SexBomb na hindi sila makumple-kumpleto dahil sa kung anumang dahilan.
"All girls, e, at lahat yan alpha female. It's a roller-coaster ride, ang ride ng SexBomb.
"Siyempre from iba't ibang family, iba't ibang responsibilities ang nakaatang sa amin," bungad na pahayag ni Rochelle sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Pero siniguro niyang solid pa rin ang SexBomb.
"But then, nabubuo pa rin kami as one, yun naman yun," diin niya.
Sa ulat ng PEP Troika noong June 14, 2026, nabanggit na partikular na mahirap na pagsamahin, liban sa concerts, ay sina Rochelle at Jopay Paguia.
Read: Is a divide brewing within SexBomb Girls?
May faction diumano sa pagitan ng dalawa, at ang kanilang mga kagrupo ay nahati sa Team Rochelle at Team Jopay.
Sinasabing si Sunshine Garcia ay nasa grupo umano ni Jopay, habang si Aira Bermudez ay nasa grupo ni Rochelle.
Ayon kay Rochelle: "Okay kami ni Sunshine, kahit si Jopay. Lahat naman kami okay kami.
"Lahat naman yan napag-uusapan. Hindi naman lahat dapat nakahain at pinagpipiyestahan kami ng lahat.
"At least, sa amin okay kami. Ready naman din magtrabaho ang lahat. Kung sino ang okay magtrabaho at maki-join sa amin, let's go, let's tour the world."
Read: Sunshine Garcia speaks up on rumored SexBomb rift
Ang mahalaga para sa kanya ay patuloy pa ring nakakapagbigay ng saya ang SexBomb.
"Hindi ko mapa-promise na mabubuo ko in one stage ang lahat ng SexBomb, kasi katulad nga niyan, may kani-kanyang responsibilities.
"But then, kung ano ang kaya, kung ano yung mas nakakarami, dun kami hangga't makakapagbigay kami ng saya at nostalgia sa lahat ng pinalaki ng SexBomb."
Kahit si Izzy Trazona—na isang beses lamang nasilayan sa reunion concert ng grupo early this year at ang mister na si Alvin Aragon ay lumikha ng controversial statements—ay wala raw problema si Rochelle.
"Si Izzy, lagi din naman kaming nakakapag-usap.
"At kahit na ano ang pinagdadaanan ng SexBomb, ako naman ay laging nandito lang.
"Hindi ko masabi kung hanggang saan, hanggang kailan, but ako yung ate na laging nandito to support everyone."
ROCHELLE PANGILINAN ON SECOND WIND OF SEXBOMB
Sa kabilang banda, masaya si Rochelle na ang tagumpay ng kanilang concerts ay naging daan para mabigyan muli ng trabaho ang ibang mga kasama.
Saad niya: "Yes, yun naman talaga ang goal. Mabigyan ng trabaho ang lahat ng girls.
"Hindi naman lingid sa kaalaman natin na nawalan ng trabaho ang mga babae, so siyempre ibang klase ng self-confidence ang naibigay sa kanila ng ganitong klase ng concert.
"Naka-round six na kami, may world tour, endorsements, ang dami...
"That's why thankful kami sa lahat ng nakasuporta, lahat ng pinalaki ng SexBomb.
"Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kundi dahil sa kanilang lahat, e.
"Iyon yun, e, mayroon talaga kaming followers na hindi lang nasa Pilipinas, nasa ibang bansa rin, nasa buong mundo."
Lubos ang pasasalamat ng grupo sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila.
"Kahit kami, hindi namin lubos maisip na from walang producer to world tour, ibang blessing yun.
"Kaya kailangan namin na maging humble, ang sarap namnamin ng lahat ng nangyayari ngayon sa amin, sa girls, sa family namin.
"Lahat ng nakasuporta, walang hanggang pasasalamat sa lahat ng tao."
Read: How Rochelle Pangilinan spent unang suweldo
ROCHELLE PANGILINAN ACTING AWARD
Nakapanayam ng PEP si Rochelle sa 9th Eddys Awards noong July 5, 2026 sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.
Dito ay nanalo siya ng Best Supporting Actress para sa pelikulang Child No. 82 (Anak Ni Boy Kana), kung saan una na siyang nanalo sa parehong kategorya sa Cinemalaya 2025.
"Yung naa-acknowledge ka na aktres ka na, pagkatapos ng mahabang panahon na gusto ko talagang ma-acknowledge na isang aktres, dream come true para sa akin.
"Iba yun, e, kasi ibig sabihin di ka na puchu-puchu. Marami na ang nakaka-appreciate sa iyo, sa acting, sa work na ginagawa mo.
"Sobrang grateful ako pag sinasabing aktres, may kilig talaga ako, ang sarap sa pakiramdam. Worth it lahat ng pagod and everything.
"Siguro may nagagawa akong tama, ano lang naman, pay [it] forward. Kung ano yung blessings na natanggap mo, share mo lang talaga sa iba," pahayag ni Rochelle.
