Nananatiling nangunguna bilang online news source ang Facebook, habang disinformation ang pangunahing problema ng karamihan sa bansa.
Ilan ito sa main highlights sa isinagawang national survey ng Pulse Asia Research Inc.
"Internet and Social Media Use" sa nakalipas na buwan.
Inilabas ang resulta sa media release ng Pulse Asia nitong July 27, 2026.
Hango ang datos sa national survey para sa "Internet and Social Media Use" na isinagawa mula June 28 hanggang July 6.
Face-to-face interview ito na may 2,400 participants, edad 18 years old pataas.
Halos lahat ng participants ay may access sa internet.
Read: EXPLAINER: What is Pax Silica; why does it matter to Filipinos?
THE RESULTS OF THE SURVEY
Lumalabas na 91 percent ng internet users ay Facebook ang kanilang online source of news. Pumapangalawa ang YouTube with 61 percent.
Consistent ang nasabing figures mula March 2026 hanggang July 2026.
Ang iba pang online sources of news sa bansa ay TikTok, na may 21 percent, at vlogs, na may 9 percent.
Samantala, panlima ang news websites with 5 percent, at sinundan ito ng Instagram with 4 percent, at panghuli ang X/Twitter with 2 percent.
May naitalang 3 percent internet users na na hindi nagbabasa, nakikinig, at nanonood ng online news.
DISINFORMATION A BIG PROBLEM
Lumabas din sa survey na may 72 percent o three-fourths ng Filipino adults na itinuturing na big problem ang “spread of false information.”
Ang 24 percent sa audience ay undecided sa isyung ito, habang 4 percent naman ay nakikitang maliit na problema lamang ang disinformation.
Kaugnay nito, 56 percent ng adults ay nagve-verify ng impormasyon sa credible sources. Sila ang grupo na naghanap ng reliable sources para tingnan kung tama ba ang kanilang nabasa, narinig, o napanood.
Ang 35 percent naman ng mga internet users ay mamimili ng kanilang paniniwalaan batay kung saan lumabas ang impormasyon, habang ang 33 percent naman ay nagdedesisyong lehitimo ang impormasyon kung tugma ito sa kanilang paniniwala.
Samantala, consistent ang pangunguna ng Facebook bilang top source of information sa mga nakalipas na taon, batay sa iba pang survey.
Noong September 2024, Facebook ang nangunang main source of information ng 62 percent of the respondents, batay sa Publicus Asia, isang political consultancy firm.
Noong March 2025, ganito rin ang rank para sa 66 percent of the respondents.
Read: ASK MERALCO: How everyday use of appliances affects monthly bill
NETIZENS REACT
Pinag-usapan ng netizens ang isyung ito sa online forums.
May nagkomentong nakakabahala raw ito dahil mababa ang porsiyento ng nag-e-effort para mag-verify ng reports online.

May mga nagkomento ring malaking tulong ang Facebook para makakuha ng updates and details, gaya ng news, at announcements ng local government units, government, updates ukol sa power interruptions, at work announcements.

Kaugnay ng comment na ito, kung official Facebook accounts ng government agencies, companies, at media sites ang ipa-follow, ay tama ang mga detalye at impormasyong makukuha.
Sa kolumn ni Joe Zaldarriaga sa Philippine News Agency kaugnay ng isyu, nagbahagi siya ng reaksiyon kung ano ang nararapat gawin upang maiwasan ang disinformation sa panahon ngayon.
Binigyang diin niya ang kahalagahan ng media and information literacy.
Aniya: “It is no longer enough that people know how to use social media. Media and information literacy has become essential in today’s digital landscape.
“Schools should teach students how to distinguish fake news from actual journalism, and how to use social media responsibly.
“Companies should empower their employees with tools and training to spot disinformation and to be responsible netizens.
“Lastly, the government should strengthen institutional safeguards to ensure that truth is not drowned out by noise.”
Saad niya pa, “We all play a part in fighting disinformation. The challenge is not simply to fact-check but to develop a nation of critical-thinking Filipinos.”
Si Zaldarriaga ay isang promintent figure sa corporate communications industry ng bansa.
Siya ay vice president and head ng Corporate Communications sa Manila Electric Company (Meralco).
