PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SONA 2026 Highlights: What drew applause and what fell short

President Ferdinand Marcos Jr.: "Hindi ako Pangulo ng aking pamilya."
by Mark Angelo Ching
Published A day ago
Ferdinand Marcos Jr. 5th SONA highlights and mixed reactions
From flood control scandal to oil crisis and electricity hikes, President Ferdinand Marcos Jr.'s fifth State of The Nation Adress draws mixed reactions.
PHOTO/S: Presidential Communications Office website

Puno ng "pasabog" ang naganap na panlimang State of the National Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Quezon City, kahapon, July 27, 2026.

Marami ang nagulat sa matapang na pagkondena ng Pangulo sa kanyang pinsan na si dating Speaker Martin Romualdez sangkot umano sa flood control scandal.

Nagbigay rin siya ng malalaking direktiba para sa pagpapababa ng bayarin sa kuryente at pagpapalawak ng tax exemptions upang makatulong sa mga pangkaraniwang mamamayan.

Gayunpaman, may mga nadismaya sa hindi pagtugon ng Pangulo sa mga panawagan sa pagpapataas ng minimum wage at pagpapababa sa value-added tax (VAT).

Narito ang mga bahagi ng SONA na pinalakpakan ng ng mga miyembro ng Kongreso:

ON FLOOD CONTROL SCANDAL

Eksplosibo kaagad ang unang bahagi ng talumpati ni Marcos dahil nangako siyang uusigin ng kanyang pamahalaan ang mga sangkot sa flood control scandal.

Kasama rito ang kanyang pinsan na si Martin Romualdez, ang dating Speaker of the House na itinuturong isa sa malalaking taong namuno sa pangungulimbat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, sasampahan ng Ombudsman ng patung-patong na kaso ang kanyang malapit na kamag-anak.

"Masakit man sa akin ito ngunit kailangan nating gawin ang tama. Hindi ako Pangulo ng aking pamilya. Hindi ako Pangulo ng aking kaibigan,” pahayag ni Marcos.

Binanggit din ng Pangulo ang pagbawi sa mga nakaw na yaman. Halos 25 bilyong piso raw ang kabuuan na halaga ang nabawi at napreserbang pera at ari-arian galing sa mga akusado.

Kasama sa paglaban sa korupsyon ang pagsusulong ng mga reporma sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na pinamumunuan ngayon ni Secretary Vince Dizon.

Ilan sa mga reporma ay ang pagbantay sa overpricing ng construction materials, at pagpasok ng mga bago at matuwid na tauhan sa nasabing departamento.

Read: Julie Anne San Jose on first love: "Naaning talaga ako."

ON OIL CRISIS

Sunod nito ay ibinida ni Marcos ang mga programa ng pamahalaan upang tulungan ang mga Pilipino noong sumabog ang krisis sa petrolyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa na rito ang pagkontrol sa presyo ng gasolina, at pagtanggal sa excise tax sa LPG at kerosene.

Sinubukan din ng gobyerno na pababain ang presyo ng bigas at iba pang bilihin. Nakatulong umano ang 800 na KADIWA stores sa buong Pilipinas.

Bukod pa riyan ay nagsagawa ang gobyerno ng halos 100 job fair upang makapagbigay ng trabaho sa mga nangangailangan.

Tinulungan din ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi dahil sa giyera sa Middle East. Binigyan sila ng puhunan para makapagnegosyo, o hinanapan sila ng bagong trabaho.

Read: Rochelle Pangilinan reacts to reported rift among SexBomb Girls

ON ELECTRICITY

Ang bayarin sa kuryente ang isa sa pinakamabigat ng suliranin ng mga Pilipino sa ngayon. Dahil dito, ipinag-utos umano ni Marcos ang ilang mga hakbang para rito.

Una, inatasan niya ang mga kumpanya ng kuryente na i-refund ang sobrang singil nito sa kanilang subscribers.

Pangalawa, pinayagan ang mga customer na bayaran nang hulugan ang mga bill nila para sa May, June, at July.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pangatlo, ipinagbawal ang pagputol ng linya ng kuryente habang hinuhulugan pa rin ang halaga ng bill.

Isusulong din daw ni Marcos ang renewable energy sources, tulad ng nuclear, geothermal, solar, hydro, wind, at biomass.

Ngunit ang pinakamalaking announcement ng Pangulo ang pagtanggal ng system loss charge sa bill ng mga konsumer ng kuryente.

Ang system loss ay ang kuryenteng nawawala o nauubos habang bumibiyahe ito mula sa power plant papunta sa mga kabahayan.

“Pinapasa ito sa consumer at kinakarga sa bill na pinapatungan pa ng value-added tax. Hindi naman kasalanan ng consumer kung bakit nagkaroon ng system loss. Kaya hindi naman tama na kailangan sila pa ang pagbabayarin dito,” saad ni Marcos.

Kaya’t inutusan ng Pangulo ang mga mambabatas na simulan na ang amendment ng EPIRA Law, o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001.

Read: Maegan Aguilar on inheritance, aunt Marlene Aguilar

ON TAX EXEMPTIONS

Isa pa sa pinalakpakang bahagi ng SONA ay ang pagpapalawig ni Marcos ng mga proteksiyon ng middle class at mga negosyo laban sa patuloy na paglala ng ekonomiya dahil sa krisis sa Middle East.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinatuwa ng marami ang pahayag ng Pangulo na itaas ang halaga ng income tax exemption sa PHP350,000, mula sa PHP250,000.

Tatanggalin na rin umano ang minimum corporate income tax sa maliliit na negosyo.

Kasama rin dito ang pagbibigay ng amnestiya sa mga utang at hindi mabayarang buwis, tulad ng income tax, estate at donor’s tax at value added tax.

Nagbigay rin ang pamahalaan ng one-time tax abatement para sa mga naluging negosyo na nahihirapang magpasara ng kanilang rehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa matataas na penalty.

Read: Charlie Fleming asked about coming out of James Graham

ON PAX SILICA

Hindi lang pagkontrol ng presyo at buwis ang tinukoy ni Marcos. Itinaas din niya ang ilang industrial developments at investments na makapagbibigay-bigay umano ng mas marami pang oportunidad sa mga Pilipino.

Isa na rito ang 23 free trade agreements upang lumaki ng net exports ng Pilipinas. Kasama sa mga produktong iniluluwas ay ang ube, buko, saging, at enoki mushrooms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin dito ang pagpapalakas sa ilang mga industriya tulad ng pharmaceuticals, advanced manufacturing, luxury goods, logistics, at ang Halal industry.

Higit sa lahat, ipinagyabang ni Marcos ang pagtatayo ng Pax Silica Industrial Hub — ang kontrobersiyal na manufacturing hub at artifical intelligence data center — sa Tarlac.

“It will bring quality jobs to our people, accelerate our industrial competitiveness, and revitalize our economy,” saad ng Pangulo.

Read: EXPLAINER: What is Pax Silica; why does it matter to Filipinos?

ON WEST PHILIPPINE SEA

Sa dulo ng SONA ay muling ipinagtanggol ni Marcos sa kasarinlan ng Pilipinas.

Nagbigay siya ng reaksiyon sa lumalalang pag-atake ng China sa teritoryo ng bansa at sa mga mamamayan nito.

“Let me remind our friends and our detractors: Filipinos are a noble, kind, gracious, and great race.

"We are not greedy. We are not racists. We are not liars. We are respectful, and we are dignified. We are Filipinos, and we do not yield,” pahayag ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinaguyod din niya ang isang dekada nang panalo ng Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Saad ni Marcos: “This is not a claim that we advance alone, nor is it one that we will abandon. Your government will do all that is necessary to continue upholding this Award, utilizing every peaceful and legal means available to the Republic against any attempt, foreign or domestic, to undermine this achievement.”

Read: Michelle Vito says Enzo Pineda is "the one," eyes church wedding

mixed reactions TO President marcos's 5th sona

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang naganap na SONA.

“Satisfied with some points but always looking for more,” reaksiyon ni Senator Risa Hontiveros sa isang panayam.

Step in the right direction daw ang pagtanggal ng systems loss charges, ngunit dapat ay tingnan din ang ibang charges na nakalagay sa EPIRA Law.

Na-appreciate din niya ang pahayag ng Pangulo tungkol sa pagsasampa ng kaso kay Leyte Rep. Martin Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakulangan naman ang senador sa paksa ng agrikultura, food industry, at ang Business Process Outsourcing (BPO) industry.

Hindi rin siya sang-ayon sa pagsusulong sa nuclear energy.

Samantala, hindi naman ikinatuwa ni Akbayan Party List Representative Percival Cendaña ang hindi pagbanggit ng Pangulo sa pagtatas ng suweldo ng mga manggagawa.

Nadismaya rin siya sa pagbalewala ng Pangulo sa mga panawagan na bawasan ang value-added tax.

“He was able to mention the problem of the high cost of basic goods. But he came short of the necessary package of solutions.

"Nakakadismaya na walang binanggit sa pagtaas sa sweldo ng ating mga manggagawa through a 200-peso wage hike at pagbaba sa presyo ng mga bilihin by reducing VAT from 12% to 10%.

"We have no illusion that the President will support these reforms. Gayunpaman, tuloy ang ating laban kasama ng mga manggagawa para maisabatas ang mga ito,” saad ni Cendaña sa isang statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nagustuhan ng labor group na Sentro, isa sa mga grupo na nag-rally habang nagaganap ang SONA, ang hindi pagbanggit ng Pangulo sa ilang mga reporma na magsusulong sa karapatan ng mga manggagawa.

“The silence was deafening on the issues that matter to most workers.

"The President said nothing about ending contractualization, legislating a meaningful nationwide wage increase, establishing a robust public employment program, or pursuing a genuine industrial policy that can generate quality jobs and rebuild domestic industries,” paliwanag ng Sentro sa isang statement sa kanilang Facebook page.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From flood control scandal to oil crisis and electricity hikes, President Ferdinand Marcos Jr.'s fifth State of The Nation Adress draws mixed reactions.
PHOTO/S: Presidential Communications Office website
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results