PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Esnyr opens up about breakup with unnamed boyfriend

Esnyr: "I'm proud of myself nga po for showing up."
by Rachelle Siazon
Published 6 hours ago
Esnyr admits breakup with boyfriend
Ex-Pinoy Big Brother: Collab housemate Esnyr recalls how he showed up for work despite painful breakup with unnamed boyfriend.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Inamin ni Esnyr na lubos siyang nasaktan nang maghiwalay sila ng kanyang nobyong hindi niya pinangalanan.

Nag-break daw sila noong paarangkada pa lang ang shooting niya para sa First Day High, ang new episode ng high-school-themed YouTube series niya na umere noong June 14, 2026.

Halos sumuko na raw siya sa trabaho, pero pinilit niyang mag-move on kahit brokenhearted.

"I lost it. Parang may time, may era na nawalan ako ng puso sa mga bagay. At ewan ko, parang nawala ako sa right path, sa right track ng life ko.

"Sobrang nasaktan po ako," pag-amin ni Esnyr.

Inisip na lang daw ni Esnyr na hindi siya puwedeng magpatalo sa heartbreak lang.

Pagpapatuloy niya: "Kasi, lalo na po yun na ginagawa po namin yung First Day High at that time, and then sobrang fresh pa ng breakup, mga day two out of seventeen days [of shooting].

"So, parang sabi ko that time, 'Sasayangin ko ba lahat ng pre-prod namin, lahat ng ginastos ko, lahat ng effort, lahat ng passion and fire ko sa project na 'to just because of the temporary na nangyari sa buhay ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya, I'm proud of myself nga po for showing up, for showing up every day."

Read: PEP Most Influential 2024 Social Media Superstar: ESNYR

ESNYR ON MOVING ON

Ngayon ay unti-unti raw niyang binubuo muli ang sarili.

Masiglang lahad niya: "I think this is the season of my life to rebuild myself, to pour the love sa art ko, sa craft ko, more than iubos ko siya sa pagmamahal sa maling tao.

"Parang nare-reminder na rin po ako to bond with my friends, ganyan. O, wag ganyang-ganyan ha? Wag niyo kalimutan yung friends niyo along the way."

Pinapalitan din niya ang espasyo na iniwan ng dating nobyo ng mga bagong karanasang magpapasaya sa kanya.

"Nagta-try na ako ng mga things na hindi ko pa na-try before. Nagiging active na ako. Nagiging runner, lahat ng sports sinusubukan, ganyan.

"And at the same time, mas bina-value ko na po kung sino yung mga andiyan for me, lalo na po yung management ko, Star Magic, lahat ng mga projects na binibigay nila sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Newbie Jayson David thanks Esnyr for big break in First Day High

LESSONS LEARNED

Napatunayan daw ni Esnyr na posible palang maging matatag kahit may pinagdadaanan.

"I'd say hindi pa po yun yung pinaka-best ko talaga pero sobrang na-happy po ako na naitawid namin siya.

"Kasi ikaw, niloko ka, matatawid mo ba? Charot!" nagpapatawang bulalas pa ng vlogger-comedian.

Marami raw siyang natutunan sa kanyang heartbreak.

"Sobrang happy ko din na, na-realize ko ngayon na I am the love that I give.

"So, parang hindi ko siya kawalan kasi, at the end of the day, I am genuine to what I give sa mga tao, and hindi ka talo kapag nagmamahal ka."

Napagtanto raw niya: "There's more to life than love."

ADVICE FROM FRIENDS

Malaking bagay rin daw na may mga taong umalalay sa kanya at nagbigay ng words of wisdom tulad ni Vice Ganda.

"Sabi pa ni Meme Vice, 'Andaming taong uubusin ka, wag ka lang magpaubos.' Kaya yun pinakahugot ko. Sabi ko, 'Okay, it's peace.'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa pa raw sa mga kaibigan niyang dumamay sa kanya ay ang kapwa ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Bianca de Vera.

Saad ni Esnyr: "Sobrang naa-appreciate ko si Bianca. Mas na-appreciate ko talaga si Bianca na walang nagbago sa friendship namin.

"Kasi more than kung paano namin... kung paano kami magkikita, kung paano pa rin kami magtatawanan, pero mas na-appreciate ko siya nung time na I'm at my lowest.

"Kasi, nung nalaman niya, ni-call niya agad ako and I didn't know na I needed that call.

"Ayun, parang isa siya sa mga nakatulong sa akin na bumangon. Grabe talaga yung yung advice niya sa akin that time.

"Umiiyak na ako kasi wala akong matawagan, ganyan. Kasi siyempre busy lahat.

"Tapos si Bianca, nag-take time talaga na damayan ako."

Sabay nagpapatawang hirit ni Esnyr: "Kaya, ayun, nung huling part nun, sabi niya, 'Ate, I'm here for you. May five hundred ka ba diyan?' So, okay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Esnyr: “Nagsimula ako sa wala,” now giving back and saving money

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-Pinoy Big Brother: Collab housemate Esnyr recalls how he showed up for work despite painful breakup with unnamed boyfriend.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results