PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX heats up July 2026 with nine new streaming releases

Angel Castro makes her debut as a VMX star via Creampie.
by Jerry Olea
Published A day ago
vmx july 2026 releases
VMX released nine new projects in July 2026, highlighted by five original narrative films—Helena, Siping, Lunok, Booking, and Creampie.
PHOTO/S: VMX Philippines

Trigger Warning: Sexual content

Siyam na bagong proyekto ang inihain ng VMX noong Hulyo 2026.

Pero lima lamang sa mga ito ang narrative — Helena, Siping, Lunok, Booking, at Creampie.

Isa ang special interest, ang Bagong Tukso 2, kung saan tampok ang mga bagong hubadera ng VMX na sina Angel Castro, Shalanie de Vera, Shannon Sizon, Kim Yashii, at Akira Takamura.

Tatlo ang compilation ng mga eksena sa previous VMX movies — Kainan, Sex in Public, at Todo Kayod 2.

Matipid lang ang production budget ng mga special feature o compilation.

Tipid nang tipid man ang VMX, ito pa rin ang namamayagpag sa lipon ng mga local streaming platform na naghahatid ng mga erotikong panoorin.

Yung mga “kumakalaban” dito ay mas tipid-tipiran. Mas mumur, as in mumurahin, ang kanilang mga paalog at payugyog.

Kahit lima lang kada buwan ang bagong narrative na handog ng VMX, lamang pa rin ito kumpara sa mga kakumpetensiya.

Yung AQ Prime ay naudlot ang pagbabalik noong Hulyo 8.

Take note na merong VMX Plus kung saan may bayad ang panonood.

May mga pauga ang VMX Plus na waley sa VMX, gaya ng hot men compilation na Barako hosted by Nico Locco, at yung My Boyfriend is A Sex Worker at sequel nito.

Meron ding mga pelikulang inalis sa VMX at naka-package na sa VMX Plus.

Nasa VMX Plus din ang uncut, complete, o director’s cut ng ilang palabas ng VMX, gaya ng Sisid, Alapaap, Virgin Forest, at Erotica Manila.

VMX SEGMENTS

Maraming segments sa VMX.

Tampok sa Steamy Drama section ang lumang sexy movies na Nene, Prosti, Tatarin, Sabong, Room 213, Ang Lihim ni Antonio, Dama de Noche, Kolehiyala, Sibak: Midnight Dancers.

Andiyan din ang OG na Scorpio Nights, Sabado Nights, Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga, Torot, Kambyo, Ang Babae sa Bintana, Bugbog Sarado, Burlesk Queen Ngayon, Unfaithful Wife 2, Paloma: Nakakalalaki Ka, Lockdown, Rigodon, Totoy Mola, at Coed Scandal.

Kabilang pa sa current segments ng VMX ang New Releases, Ang Sarap Kumain, Popular Movies, Top 10, Yamete, Korean Erotic Tales, Asian Erotica, Kink Files, VMX Original Series, NSFW, MILF, Kiliti Express, Step Mom/Step Dad, Recommended Movies from Botejyu, at Top, Bottom & Switch.

Meron pang Unang Silip sa Set o BTS (behind-the-scenes).

At meron ding non-erotic sa segments na Tawanan Nights, Sagad sa Aksyon!, 90s Pinoy Action, at Hollywood Action.

Nakaka-miss lang at wala nang bagong obra sa VMX ang mga direktor na sina Joel Lamangan at Jose Javier Reyes.

Pahinga na rin muna sa VMX si Direk Roman Perez Jr., na magdidirek ng morning series nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa TV5, yung Mommy Guard.

Security guard ang papel dito ni Momshie Jolens.

At hindi lang si Marvin ang “leading man” niya rito kundi dalawa pang aktor.

At any rate, kabilang sa mga nakalatag na palabas ng VMX para sa Agosto ang VMX Hot Babes: Ang Muling Pagbukaka, Ang Modista, Daddy’s Girl, Haplos ni Milagros, VMX Tapes, at Sex Drive 2.

Puwede pang magkaroon ng pagbabago sa lineup na ito.

Read: SB19 makes history as first homegrown Filipino act to perform at Lollapalooza 2026

HELENA

Sexy drama (1 hour 13 minutes) directed by Omar Deroca.

Nag-streaming umpisa Hulyo 3, 2026.

Comeback project ni Jenn Rosa, na gumanap bilang herbalist o albularyang si Helena sa isang liblib na nayon.

Magaling siyang manggamot at hilot. Komadrona rin.

Mangkukulam ba siya? Hindi, sabi ng kababata niyang si Nanding (Van Allen Ong) na malikot at mapaglaro ang dila.

Marami siyang supply ng kandila, lalo na para sa ritwal niya kung kabilugan ng buwan.

Mahiwaga ang kanyang pa-tsaa at pausok, lalo na ang langis na pinapainit.

Napilayan ang 21-anyos na si Rod (Jio Yoshida). Nagpahilot siya, at meron yung happy ending.

Siyempre, nag-rawnd 2 si Rod. Aww!

Dalawang mag-asawa ang dumulog kay Helena — ang masunuring sina Wilson (Basti Flores) at Melba (Lea Bernabe), at ang pasaway na sina Linda (Aya Fortes) at Ernie (Jhon Mark Marcia).

Sa closing credits, parehong kay Van Allen naka-credit ang characters na Nanding at Ernie, waley kay Jhon Mark.

helena vmx

KAINAN

Sexy feature (1 hour 14 minutes) hosted by Vern Kaye and Ashley Lopez, sa direksyon ni Ray Gibraltar.

Nag-streaming umpisa Hulyo 7, 2026.

Mukbang, anyone?

Nakangiting sabi ni Ashley, “May kumakain nang maingay, meron ding ngumunguya nang dahan-dahan. Ninanamnaman ang bawa’t lasa.”

Binalikan dito ang mga paglantak sa previous VMX movies. Ang iba’y tikiman lang na katakam-takam.

Pang-almusal ang paliligo sa gatas nina Apphle Celso, Rinoa Halili, at Van Allen Ong sa pelikulang Kesong Puti. Naghalo ang lagkit at tamis.

Nagkagatasan din sina Apphle at Mark Dionisio.

Sumunod ang dalawang paglasap sa Monay, tampok sina Kim Yashi at Rash Flores, at sina Sahara Bernales at Sahil Khan.

Ang mga sumunod pang busog-pantasya…

Lamas with Ataska Mercado, Christy Imperial, Alona Navarro, Mark Anthony Fernandez, Cariz Manzano, and Van Allen Ong

Litsoneras with Jamilla Obispo, Victor Relosa, Yen Durano (hindi po “Dorano”), Joko Disz, and Bo Ivann Lo Sawsawan with Rhian Rivera, Allen Legazpi, Karen Lopez, Jio Yoshida, Joko Rivera, and Aeron Cruz Dirty

Ice Cream with Christy Imperial, Jem Milton, Ghion Espinosa, Seonwoo Kim, Yda Manzano, and Candy Veloso

Malagkit with Lea Bernabe, VJ Vera, Ashley Lopez, and Ace Toledo

Putahe with Massimo Scofield, Hershie de Leon, Carlene Aguilar, Mon Confiado, Andrea de la Rosa, Jiad Arroyo, and Ayanna Misola Rapsa with Micaella Raz, JD Aguas, Vern Kaye, Shiena Yu, and Alona Navarro

Tusok Tusok with Queenie de Mesa, Jasper Torres, Sahara Bernales, JC Tan, and Horace Mendoza (hindi po “Horrace”)

kainan poster

SIPING

Sexy drama (1 hour 14 minutes) directed by Christopher Novabos.

Nag-streaming umpisa Hulyo 10, 2026.

Comeback project ni Chad Solano, na gumanap bilang construction worker na si Dennis.

Paboritong panoorin ni Dennis ang video scandal nina Aliyah (Shannon Sizon) at Mariel (Cheena Dizon).

Pinagpapantasyahan ni Dennis ang alindog ni Aliyah.

Nobya si Aliyah ng yayamaning si Arnold (Juan Calma).

Sa isang lamay ng patay, pinagpustahan nina Dennis at Arnold si Aliyah, at nagwagi si Dennis.

Kahit erbog si Dennis kay Aliyah ay hindi niya sinamantala ang pagkakataon na tikman ito nang totohanan.

Nagdukit-dukit si Aliyah habang pinagmamasdan ang natutulog na si Dennis na white brief lang ang saplot.

Kinaumagahan, nakiusap si Aliyah na doon na muna siya titigil sa bahay ni Dennis. Himutok ni Aliyah, kung kani-kanino siya pinapasiping ni Arnold.

Hindi naman daw siya hahanapin agad ni Arnold dahil andiyan ang hitad na si Mariel.

Nang maligo si Aliyah, namboso si Dennis. Jablong Dennis, nagjabul-jabol na naman.

Bonggang-bongga ang huling lampungan sa pelikula. Outdoor!

Siyangapala, supposedly ay si Angelo Ilagan ang gaganap na Arnold. Ano kaya ang nangyari at napalitan siya ni Juan Calma?

Balik ba sa Juan Calma ang kanyang screen name, at hindi na Juan Paulo Calma? Kalma lang!!!

Read: Kim Soo Hyun cleared of dating minor allegations

siping poster

BAGONG TUKSO 2

Special interest feature (1 hour 26 minutes) directed by Rodante Y. Pajemna Jr.

Nag-streaming umpisa Hulyo 14, 2026.

Noong Enero 27, 2026 nag-streaming ang Bagong Tukso (1 hour 10 minutes) kung saan tampok sina Apphle Celso, Margaret Diaz, Heart Fox, at Allison Ross, with the special participation of Basti Flores.

Si Rodante Y. Panemna Jr. din ang direktor niyon.

Ang logline ng Bagong Tukso 2, “Meet the newest faces setting VMX on fire. Angel Castro, Shalanie De Vera, Shannon Sizon, Kim Yashii, and Akira Takamura turn up the heat in this all-new VMX Special.

“Get to know the women everyone's talking about and discover what makes them the newest VMX craze.”

Sina Angel at Shalanie ay parehong taga-Quezon City. Si Shannon ay taga-Caloocan City. Si Akira ay taga-Makati City. At si Kim ay taga-Pangasinan.

May snippets dito ng erotic scenes mula sa VMX movies na Sipsipan (Micaella Raz, JC Tan), Elevator Lady (Aliya Raymundo, Albie Casiño), Wanted: Girlfriend (Shiena Yu, Yuki Sakamoto), Top 1 (Christy Imperial, Armani Hector), at Lady Guard (Angela Morena, Anthony Davao, Irish Tan).

First VMX project ito ng "VMX Premium Crush" na si Angel, na Claire Castro ang dating screen name noong contract star pa siya ng Sparkla GMA Artist Center.

Markado ang pagganap niya noon bilang hitad na si Cielo sa Kapuso afternoon series na Nagbabagang Luha (Agosto-Oktubre 2021).

Co-stars niya roon sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Mike Tan, at Gina Alajar, sa direksyon ni Ricky Davao.

Si Angel/Claire Castro ay anak nina Diego Castro at Raven Villanueva.

Paternal grandparents niya ang broadcast journalists na sina Angelo Castro Jr. at June Keithley.

First acting project ni Angel sa VMX yung Creampie na Hulyo 31, 2026 ang streaming.

Co-stars niya rito sina Christy Imperial, Margareth Sison, Mark Dionisio, at Vince Rillon.

bagong tukso 2 poster

LUNOK

Sexy GL movie (1 hour 13 minutes) directed by Rain Yamson.

Nag-streaming umpisa Hulyo 17, 2026.

Pitong taon nang magkaibigan sina May (Astrid Lee) at Jena (Allison Ross).

May limang araw na bakasyon sila sa Villa Aluna kung saan carataker si Bongbong Reyes (Anthony Davao), at delivery boy si Seb (Mhack Morales).

Kabilang sa essentials na baon ni May ang dalawang laruan para sa pagpapaligaya ng sarili.

May baon namang pocketbook si Jena, yung Heaven and Earth ni Nora Roberts. Ewan kung natapos ni Jena ang pagbabasa ng nasabing bestselling novel.

Nakipag-threesome si May kina Bongbong at Seb.

Nakipag-threesome naman si Jena sa dalawang babaeng turista (Alryne Arce at Dimple Rubia) na namataan sa coffee shop.

Nag-foursome sina May, Seb, Jena, at Bongbong.

Swak sanang theme song ng pelikula ang 2000 song ni Selina Sevilla na "Nilunok Ko’ng Lahat (Ang Mga Sinabi Ko)," kaso, dagdag gastos sa production budget kung ginamit iyon.

Bahagi ng lyrics ng kanta: “Nilunok ko'ng lahat at hindi nagtira/ Ng hiya sa dibdib nang ibigin kita

“Kahit na batid ko na mayro'n kang iba/ Pag-ibig ko'y ikaw pa rin, sinta

“Kaypait, kaypait ng aking nadama/ Nang aking lunukin ang hiya ko, sinta

“Ang pagtawa't paglibak ay wala nang halaga/ Pagkat sadyang mahal pa rin kita

“Nilunok ko'ng lahat ang mga sinabi ko/ Na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo

“Nilunok ko'ng lahat ang mga sinabi ko/ Ngayon ako'y umibig sa iyo…”

lunok poster

SEX IN PUBLIC

Special interest feature (1 hour 14 minutes) directed by Bobby Bonifacio Jr.

Nag-streaming umpisa Hulyo 21, 2026.

Pasakalye ni Audrey Avila: “May mga sexual urge na ora-orada. Yung tipong di na kailangan ng location.”

Sambot ni Rinoa Halili, “Kaya ngayong araw, babalikan natin ang mga pili at paborito nating VMX films. Lalabas tayo sa nakagawiang kama at kutson.”

100% satisfaction guaranteed daw ang compilation na ito ng mga erotikong eksena na exciting at adventurous.

Itinampok ang eskinita scene nina Mhack Morales at Ashley Lopez sa 69, na sinundan ng bangkaan nina Candy Veloso at Jhon Mark Marcia.

Kapagkuwan ay binalikan ang harutan sa barko nina Sahara Bernales, Vince Rillon, Mark Dionisio, at Jem Milton.

Breaker yung pag-iiskor nina Audrey at Rinoa sa VMX actors na sina JC Tan, Vince Rillon, Gold Aceron, Chester Grecia, Mhack Morales, Victor Relosa, Angelo Ilagan, at Richard Solano.

Meron din silang blind ranking sa mga location ng harutan sa labas ng bahay.

Magkaiba sina Audrey at Rinoa ng preference kaugnay sa eskinita, rooftop, beach side, camp site, bundok, bangka, tabing ilog, parking lot, at tricycle.

May apat pang VMX films na itinampok ang daring scene sa labas:

Ligaw with Robb Guinto, JC Tan, Ali Asistio, John Paul Dames, and Jodi Garcia

Kalakal with Aliya Raymundo, Gold Aceron, Divine Villareal, and Horace Mendoza

Barurot 2 with Aerol Carmelo, JC Tan, and Shannon Dizon

Package Deal with Angelica Hart, Mariane Saint, Mark Anthony Fernandez, and Yuki Sakamoto

Read: Lala Sotto praises It's Showtime's cooperation amid MTRCB probe

sex in public

BOOKING

Erotic romance drama (1 hour 17 minutes) directed by Pongs Leonardo.

Nag-streaming umpisa Hulyo 24, 2026.

Raid-hailing driver si Donna (Margaret Diaz) na nag-e-ES (extra service) sa kanyang mga pasahero.

Kabilang sa mga kustomer na nagpasasa sa kanyang katawang putik sina John Carlo Sacro, Giro del Rosario, at Niko Valdez (or is it Nico Valdez?).

Inaabuso rin siya ng boss niyang si Ruben (Nico Locco). Si JC Tan ang unang napabalitang gaganap na Ruben.

Nasa cast din si GBoy Pablo bilang Kokoy na nagmamalasakit kay Donna. Wala siyang eksenang hubad dito.

Nagkagustuhan si Donna at ang pasahero niyang si Jane (Denise Esteban). Or is it Jean?

Umaatikabo ang mga pagkambyo, pag-change oil at/o pagharurot, ngunit… subalit… datapwat wagas din ang pag-e-emote ni Donna.

Pagod na pagod na si Donna sa pagp*p*ta at nais na niyang mamatay upang mawakasan ang kanyang mga problema.

Hanggang kailan magpapa-booking si Donna?

TODO KAYOD 2

Special feature (1 hour 15 minutes) directed by Roman Perez Jr.

Nag-streaming umpisa Hulyo 28, 2026.

Ang unang Todo Kayod ay hosted by Angela Morena, at nag-streaming noong Setyembre 16, 2025.

Sa Todo Kayod 2 ay dalawa na ang hosts, sina Sahara Bernales at Alecca Adarna.

Tampok dito ang mga karakter na may iba’t ibang trabaho — delivery rider, racer ng motorsiklo, tricycle driver, sales agent, guro, sekyu, nars, graphic designer, waitress, at baker.

Ang siyam na pelikula ng pagkanyod at pagkudkod sa second installment ng Todo Kayod:

Siklo with Ayanna Misola, Vince Rillon, and Christine Bermas

Sagaran with Ashley Lopez and Kurt Veneracion

Barurot with JC Tan, Paula Santos, Sheena Cole, Reina Castillo, and Karen Lopez

Showroom with Robb Guinto, Kit Thompson, Quinn Carillo, and Mark Dionisio

Teacher’s Pet with Gold Aceron, Apple Dy, and Micaella Raz

Lady Guard with Angela Morena and Anthony Davao

Nurse Abi with Alessandra Cruz and Vince Rillon

Serbidoras with Denise Esteban, Chloe Jenna, Aila Cruz, Vino Gonzales, Nathan Cajucom, and Chad Alviar

Monay with Sahara Bernales, Kim Yashii, Rash Flores, and Sahil Khan

CREAMPIE

Sexy drama (1 hour 19 minutes) directed by Rodante Y. Pajemna Jr.

Nag-streaming umpisa Hulyo 31, 2026.

Maituturing na sister ng Creampie ang VMX movie na Monay na nag-streaming noong Mayo 22, 2026.

Sa Monay ay malinamnam ang monay na gawa ng panaderang si Ramona (Sahara Bernales).

Younger sister ni Ramona si Monina (Kim Yashii).

Sa Creampie, masarap ang creampie na gawa ng panaderang si Mona (Christy Imperial).

Ang setting ng Creampie ay ang Julio’s Pasalubong: Home of the Best Creampie.

Ang boss at may-ari ng bakery ay si Julio (Mark Dionisio).

Close friend ni Julio ang construction worker na si Melvyn (Vince Rillon).

Cashier sa bakery si Rina (Margaret Sison).

Girlfriend ni Melvyn si Gemma (Angel Castro).

Nakitira sina Melvyn at Gemma sa bahay ni Julio.

Itong Creampie ang unang narrative film ni Angel Castro.

Bigay na bigay si Angel sa apat na lampungan — dalawang beses kay Vince, isa kay Mark, at foursome with Vince, Mark, and Christy.

May dalawang harutan sina Christy at Mark.

Isa lang ang mapangahas na eksena ni Margaret — threesome with Mark and Vince.

creampie vmx

Read: Priest apologizes to Kuya Kim, says he's now a victim of cyberbullying

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX released nine new projects in July 2026, highlighted by five original narrative films—Helena, Siping, Lunok, Booking, and Creampie.
PHOTO/S: VMX Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results