PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Talent manager claims Leviste behind plot against Recto — NBI

NBI plans to invite Leviste and Paras to clarify alleged "bugaw" scheme.
by Rachelle Siazon
Published A day ago
leandro leviste ralph recto
NBI reveals that the talent manager involved in entrapment operation claims that Congressman Congressman Leandro Leviste (left) and Jing Paras (not in photo) are plotting a scheme against Secretary Ralph Recto (right).
PHOTO/S: Facebook

Pinangalanan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga personalidad na nasa likod umano ng pinaplanong "bugaw scheme" laban sa isang opisyal mula sa current administration.

Kaugnay ito ng naarestong talent manager na huli sa aktong ibinugaw diumano ang limang female artists sa undercover agents na nagpanggap na high-end clients.

Naganap ang insidente sa isang five-star hotel sa Maynila noong gabi ng Miyerkules, July 29, 2026.

Read: NBI arrests talent manager in human trafficking bust operation

Dito napag-alaman ng mga awtoridad mula sa nakumpiskang mobile phone ng talent manager ang diumano'y plano nitong bitagin ang isang opisyal ng administrasyon at iugnay ito sa isang "bugaw" scheme.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong Biyernes, July 31, sinabi ng NBI na nakasaad sa sworn affidavit ng talent manager na si acting Secretary Ralph Recto ang pinaplanong i-frame-up ng grupo nito.

Sinabi umano ng talent manager na sangkot sa plano si Batangas First District Representative Leandro Leviste at former Negros Oriental First District Representative Jacinto "Jing" Paras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SB19 makes history at Lollapalooza 2026

ALLEGED COPY OF TALENT MANAGER'S SWORN AFFIDAVIT

Kasabay ng impormasyong ito ay kumakalat sa social media ang sinasabing ilang pahina ng sinasbaing sworn statement ng pulisya sa naarestong talent manager.

Nakasaad dito ang pag-amin ng talent manager na kinontak daw siya noong Mayo ng isang opisyal na gustong kunin ang serbisyo ng kanyang mga "talent."

Ang plano ay i-frame-up, idemanda, at magpa-presscon ang mga talent na kunwa'y biniktima ni Recto para sirain ang pangalan nito.

Kapalit daw nito ay tig-iisang milyong piso, o may kabuuang limang milyong piso, para sa talent manager at apat nitong talent.

Balak pa raw ng personalidad na kausap ng talent manager na in tranches ibigay ang bayad sa bawat stage na ma-implement nila ang "character assassination" laban kay Recto.

Hindi malinaw kung ang kumakalat na kopya ng panayam ng pulisya sa talent manager ay ang mismong "affidavit" na binabanggit ng NBI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero waring tugma ito sa impormasyong inihayag ng NBI ngayong hapon.

Read: How much does it cost to watch SB19 at Lollapalooza 2026?

NBI NAMES LEANDRO LEVISTE AND JING PARAS

Balik sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, nakapanayam si NBI director Melvin Matibag, at sinabi nitong ibinulgar ng talent manager na personal nitong nakausap si Paras para sa niluluto umanong set-up laban kay Recto.

Inutos daw ni Paras na maglabas ng "fabricated statement" ang apat na female talents ng talent manager para palabasing pinilit umano sila ni Recto na makipagtalik at gumamit ng ilegal ng droga.

Diumano, si Leviste ang "financer" ng set-up na ito.

Pahayag ni Matibag kung bakit ipapatawag ng NBI sina Leviste at Paras: "Magbigay-linaw sila dito kasi mahirap namang sa social media mo lang itatanggi."

Read: Kim Chiu stands firm on pursuing legal case vs. sister Lakam

LEANDRO LEVISTE'S CRYPTIC POSTS VS. "VATMAN"

Sa kabilang banda, naglabas ng cryptic posts sa Facebook si Leviste ukol sa "mataas na government official" na inuugnay sa isang kontrobersiya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakasaad dito: "May mataas na opisyal ng gobyerno na tila nambabae sa Rockwell. Wala akong kinalaman doon.

"Naging defensive at nagpakalat siya ng fake news. Pero biglang dinelete.

"Pinadelete ba niya iyung article dahil ayaw niyang lumabas ang katotohanan?"

Sa sumunod niyang post: "Masyado silang praning kung may Epstein Files ng Pilipinas (baka kasi may nagawa sila).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Iyung mas dapat nilang ikapraning, ang Cabral Files, at iba pa."

Sabay nagpatutsada si Leviste patungkol sa tinagurian niyang "VATman."

Malamang pahayag ng neophyte congressman: "Ilang buwan ko nang hindi binabanggit ang pangalan ni VATMan, kasi pinayuhan ako na hindi siya kailangang siraan dahil sira na siya.

"Pero huwag niya sanang mamasamain na may mga nagpapadala sa akin ng impormasyon tungkol sa kanya sa leandroleviste@proton.me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NBI reveals that the talent manager involved in entrapment operation claims that Congressman Congressman Leandro Leviste (left) and Jing Paras (not in photo) are plotting a scheme against Secretary Ralph Recto (right).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results