Ang kandidata ng Pilipinas na si Katrina Llegado ang nagwaging Miss Supranational 2026.
Ginanap ang grand coronation night ng 17th edition ng international beauty pageant sa Strzelecki Park Amphitheater, sa Nowy Sacz, Poland, nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 31, 2026 (Poland time).
Tinalo ni Katrina ang mahigit 60 kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo.
First runner-up ang kandidata ng France na si Eva Gilles; second runner-up si Lara Marina ng Brazil; third runner-up si Ndah Eno ng Nigeria; at fourth runner-up si Karolina Gorylova ng Czech Republic.
Si Katrina ang ikalawang Pinay na nagwaging Miss Supranational.
Labintatlong taon na ang nakalilipas nang koronahan si Mutya Datul bilang Miss Supranational 2013.
Read: Anjo Yllana jokes about PHP3.5M fine: "Ang taas pala ng value ko."
FINAL QUESTION AND ANSWER
Sa Final Question-And-Answer portion ng Miss Suprational 2026 ay ito ang tanong kay Katrina: "Tell us about the moment you stopped trying to become the woman the world expected, and you started becoming the woman you were really meant to be?"
Sagot ng pambato ng Pilipinas: "I always believe that we should never fit into a mold. We are perfectly imperfect.
"I am someone who struggles with perfection, but I am here today, doing my best and becoming the best version of myself.
"And here in Miss Supranational, I know I belong. I know there is a place for me, and this is becoming Supra — above and beyond."
PAGEANT VETERAN
Si Katrina ay isang pageant veteran.
Nagsimula ang kanyang beauty-pageant journey nang sumali siya sa Miss Taguig City noong 2018.
Noong 2019 ay siya ang naging kinatawan ng Taguig City sa Miss World Philippines kung saan siya ang kinoronahang Reina Hispanoamericana Filipinas 2019.
Naging fifth runner-up siya sa Reina Hispanoamericana 2019 na ginanap sa Bolivia.
Makalipas ang tatlong taon, sumali si Katrina sa Miss Universe Philippines 2022, bilang kinatawan ng Taguig, kung saan naging second runner-up siya ng nanalong si Celeste Cortesi.
Muli niyang sinubukan ang kanyang kapalaran sa Miss Universe Philippines noong 2025, kung saan napabilang siya sa Top 6. Si Ahtisa Manalo ang nagwagi sa edisyong ito.
Kalaunan ay in-appoint si Katrina bilang Miss Supranational Philippines 2026.
Read: Melai Cantiveros recalls secret breakup with Jason Francisco
