Nabigo ang kinatawan ng Pilipinas na si Felipe Marasigan na makopo ang titulong Mister Supranational 2026.
Ang itinanghal na Mister Supranational 2026 ay si Pedro Cordero ng Spain.
First runner-up si Marcel Roux ng South Africa; second runner-up si Daniel Jiawei Li ng China; third runner-up si Ramon Alcantara ng Dominican Republic; at fourth runner-up si Gabriel Castañeda ng Mexico.
Si Cordero ang ikalawang kandidato mula sa Spain na nanalong Mister Supranational; ang una ay si Ivan Alvarez Guedes na nagwagi noong 2023.
Ginanap ang finals night ng ika-sampung edisyon ng male international beauty pageant sa Strzelecki Park Amphitheate, Nowy Sacz, Poland, nitong Sabado ng gabi, August 1, 2026 (Linggo ng madaling-araw, August 2, 2026, sa Pilipinas).
Isang araw bago ang Mister International 2026 ay napalunan ng Philippine bet na si Katrina Llegado ang Miss Supranational 2026 crown.
Read: Philippine bet Katrina Llegado is Miss Supranational 2026
ELUSIVE MISTER SUPRANATIONAL CROWN
Wala pang Pinoy na nananalong Mister Supranational.
Ang pinakamataas na placement na naabot ng Pilipinas sa nasabing male pageant ay second runner-up, na nakuha ni Brandon Espiritu noong 2024.
Noong nakaraang traon, 2025, ay fourth runner-up ang kinatawan ng Pilipinas na si Kenneth Cabungcal.
Read: Spider-Man star Jacob Batalon marries interior designer Veronica Leahov
