Apatnapu’t isang (41) icons ang rumampa sa apat na celebrity segments ng Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show noong Hulyo 30, 2026 sa Shangri-La EDSA, Ortigas Center, Mandaluyong City.
Lahat ay may kani-kanyang ningning, at mukhang nag-enjoy sa pag-“run away” (pahiram, RoCa).
May mga nakaw-eksena siyempre, pero pinakamakislap sa lahat ang owner ng Maddox na si Bb. Charo Cordial.
Sabi ni Korina Sanchez sa opening spiel: “A whispered light within the dark. Through vision, craft, and endless grace. It leaves behind a timeless trace. “For true icons never fade. They illuminate every age.”
FORMS AND RADIANCE
Isang dosena (12) ang nagpasiklab sa unang segment na Icons of Forms and Radiance. Glamorous black ang kanilang motif.
Pambungad si Ryza Cenon na napaka-fierce. Exposed ang legs ni Ryza.

Nagpakilig ang showbiz couples na sina AJ Raval at Aljur Abrenica, at sina Aubrey Miles at Troy Montero.


Bukod-tanging nag-topless sa lipon ng celebrities si Pancho Magno.

Medyo nagpa-sexy rin sina Kris Bernal at Sheree Bautista na ang legs ay nakakasilaw.


Yummylicious ang abs ni Diego Loyzaga.
Balot na balot si Negi, samantalang sleeveless sina EA Guzman at Polo Ravales.

Read: Ynez Veneracion reacts to her ex-manager Lito de Guzman's NBI arrest
BRILLIANCE AND ELEGANCE
Labing-isa (11) ang nagpauga sa ikalawang segment na Icons of Brilliance and Elegance.
Kani-kanyang kulay ang kanilang mga suot. Colorful spectrum.
In order of appearance, ang mga iyan ay sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Katya Santos, James Blanco, Nadine Samonte, Daiana Menezes, Geneva Cruz, Giselle Sanchez, Jiana, Avery Cordial, at Ara Mina.



Kikay na kikay siyempre si Giselle.

Bonggacious ang shining moment ni Ara. Todo emote!
Nakaka-tense ang suot ni Ara, na any moment ay mag-hello ang kanyang butt crack — reminiscent of her cheogsam sa MMFF 2002 official entry na Mano Po, for which itinanghal siyang best actress.
“Actually, kamuntik na!” pagsisiwalat ni Ara matapos ang fashion extravaganza.
“Pero hindi masyadong na-achieve. Kulang kami sa fitting.”
Pa-exit na lang si Ara sa stage ay umidya pa. Model na model!
“E kasi, bumagal yung song, di ba?! E, mabagal yung song, pang-emote yung song, alangan namang super-smile ako, di ba?” sambit ng aktres.

TIMELESSNESS
Sampung bituin ang nagluningning bilang Icons of Timelessness.
Understated grey ang color scheme ng kanilang supt, na sa lighting ay nag-iiba ng shade.
Stunning ang timeless beauty ni Beauty Gonzalez sa umpisa ng segment na ito.

Kumusta ang pakiramdam nang rumampa siya?
“Masayang-masaya. As a girl, masayang gamitan ng maraming alahas, di ba?!” bulalas ni Beauty.
“Lahat ng babae, gustong bigyan ng alahas. At ngayon na isang gabi, dadamitan ka, I feel so good about it.”
Ipinagtapat ni Beauty na siya ang nag-design ng diamond necklace na inirampa niya.
“Nagpadala ako ng design, tapos pinagawa ni Miss Charo. Kasi gusto niya, kung anong design ko daw, dahil nakikita niya yung ginagawa kong mga alahas na design.”
“So that’s the chika tonight! Na yung suot ko, gawa ko,” sabi ni Beauty.
Sunud-sunod nang rumampa after Beauty sina at Maureen Larrazabal, DJ Durano, at Ynez Veneracion.

Si Regine Tolentino, umindak-indak kasama ang apat na babaeng mananayaw.

Rumampa kapagkuwan sina Jeric Raval, Gary Estrada, at si Alma Concepcion na muntik na raw lumuwa ang boobey.


Nagpasiklab si Pokwang, na ang harut-harot sa piling ng apat na makisig na modelo. Masigabo ang palakpakan para kay Mamang Pokie. Tarusch!

Pam-finale sa segment na ito si Claudine Barretto, na siyempre pa ay may highlight kasama ang ballerinas.
Ang Optimum Star ang idolo ni Bb. Charo Cordial.

Read: Aljur Abrenica addresses wedding plans with AJ Raval: "Our priority is our kids."
LEGACY
Walo ang nagpayugyog at nagpakislap sa ikaapat at huling segment, Icons of Legacy.
Formal black or white ang kanilang suot.
Amy Austria.
Jackie Lou Blanco.
Yayo Aguila.

Gardo Versoza.
Epy Quizon & Eric Quizon.

Roderick Paulate & Carmi Martin.
Blooming na blooming si JLB.
Sa mga rumampa sa Maddox fashion extravaganza ay si Epy lamang ang naka-shades at naka-baston. Cool na cool siya sa kanyang poses.
Kung sa previous segments ay gamit na gamit ang pop songs na related sa Diamonds, sa finale ay pinatugtog ang "Together Forever" ni Rick Astley.
Dance-dance-dance sina Kuya Dick at Miss Carmi!

Ang saya-saya! Balik-gunita sa musical variety show na Tonight with Dick and Carmi noong 1988-1991 sa ABS-CBN.
“Ay, nakakatuwa! Ang lakas makadala nung tugtog, e! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Carmi.
“And we had fun. We enjoyed the moment… Nakakatuwa na nagkita-kita kami. Mga artista, di ba, magkakasama sa fashion show.”
Puring-puri si Carmi ng fans na nagpapa-picture with her.
Sabi ni Carmi, “Ay! Nakita niyo ba kung paano ako nagwala? Sabi nung kasama ko, para raw akong lasing!
“E papaano naman, sabi ko, seryoso sila masyado! E, di baklain!”
Kasama si Carmi sa maaksyong serye na Coco Martin’s Sigabo bilang mother ng karakter ni Julia Montes.
Ni-request siya ni John Arcilla para gumanap na asawa niya sa dark comedy na HB2ME, na coming soon sa local cinemas.
Masaya ba ang buhay niya nowadays?
“Oo, masaya. With my dogs, I’m taking care of my mother. You know, I take one day at a time,” wika ni Carmi.
“And I thank the Lord for all rhe blessings, even in my senior years. I’ll be turning 63 next week.”
Ang kanyang birthday wish?
“Gusto ko pang mag-work! At saka siyempre world peace.”
CINEMALAYA 22 ICONS
Istariray na isratiray ang bejeweled na sina Pokwang aka Marietta Subong, Jackie Lou Blanco, Yayo Aguila, at Epy Quizon sa Maddox fashion extravaganza na idinirek ni Robbie Carmona.
Pero sa kani-kanyang pelikula sa Cinemalaya 22: Reel Reflections sa Agosto 6-18, 2026, deglamourized ang kani-kanyang papel.
Sa social drama na 2 Valid IDs, gumanap si Marietta bilang maralitang magsasaka na si Sylvia. Wala siya kahit isang ID.
Sa horror na Mag-iina, ang papel ni Jackie Lou ay 90-anyos na lola.
Sa queer drama na Tayo Lang Ang Nakakaalam, mag-asawa ang papel nina Yayo at Epy. Hindi sila yayamanin.
Read: Claudine Barretto reveals reason behind viral kiss with Pepe
