Pumanaw na ang television producer at dating mambabatas na si Romeo "Nonong" Garcia Jalosjos ngayong Linggo, Agosto 2, 2026.
Siya ay 85.
Inanunsiyo ng kanyang anak na si Seth Frederick "Bullet" Jalosjos ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang pahayag sa social media.
Si Bullet ay isa sa mga anak ni Jalosjos sa dating singer na si Lourna Pal.
Bahagi ng kanyang pahayag: “It is with profound sorrow and heavy hearts that our family announces the passing of our beloved father, Romeo ‘Nonong’ Garcia Jalosjos."
Kasabay ng anunsiyo, ibinahagi rin ni Bullet ang schedule ng burol ng kanyang ama.
Ibuburol ang mga labi ni Jalosjos sa The Heritage Park sa Taguig City mula Agosto 3 hanggang Agosto 5, 2026.
Pagkatapos nito ay dadalhin ang kanyang mga labi sa Dapitan City, Zamboanga del Norte, kung saan ito ibuburol mula Agosto 6 hanggang Agosto 12.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya tungkol sa sanhi ng kanyang pagpanaw.

Read: Meet TAPE owner Romeo Jalosjos: The power that can shake up Philippine TV
BULLET JALOSJOS PAYS TRIBUTE TO FATHER ROMEO JALOSJOS
Sa kanyang mensahe, inilarawan ni Bullet ang kanyang ama bilang isang lider, media executive, visionary, at mapagmahal na padre de pamilya.
Saad niya: “A distinguished media man, statesman, visionary, and pioneer, he dedicated his life to serving others with unwavering courage, compassion, and purpose.
"To the people of Zamboanga del Norte, he was more than a public servant—he was a leader who listened, a champion of the underserved, and a father to his people.
“His life’s work was driven not by personal ambition, but by a genuine desire to uplift lives and create opportunities for generations to come.”
Para sa kanilang pamilya, higit pa raw sa isang public servant at media executive si Nonong Jalosjos.
Ani Bullet: “To us, he was simply Dad—our source of strength, our protector, our greatest teacher, and the heart of our family. His wisdom, generosity, resilience, and unconditional love shaped who we are and will continue to guide us for the rest of our lives.
“While we grieve his passing, we also celebrate a life lived with extraordinary purpose.
"His legacy cannot be measured by the offices he held or the accomplishments he achieved, but by the countless lives he touched, the hope he gave, and the enduring impact of his kindness and service.
"His spirit will live on in the communities he helped build, in the people he inspired, and in the values he instilled in all of us.”
Nagpasalamat din ang pamilya sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa kanilang pagdadalamhati.
“On behalf of our entire family, we extend our deepest gratitude to everyone who has offered prayers, messages of sympathy, and words of comfort during this difficult time. Your love and support have given us strength, and we are truly grateful for the outpouring of compassion shown to our family.
“Though our hearts are broken, we find comfort in knowing that his remarkable life will continue to inspire generations to come. He will be deeply missed, forever loved, and never forgotten.”
Read: Jon and Bullet Jalosjos say they have "no diabolical reason" for joining TAPE board
ROMEO JALOSJOS' LEGACY IN PHILIPPINE TV
Malaki ang naging ambag ni Romeo Jalosjos sa Philippine television.
Bago pa ideklara ang martial law noong Setyembre 21, 1972, naging television producer siya ng ABC at ABS-CBN.
Noong 1981, kasama niya si Tony Tuviera sa pagtatatag ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.), ang production company na nag-produce ng Eat Bulaga! mula 1981 hanggang 2024.
Dahil dito, naging mahalagang bahagi si Jalosjos ng kasaysayan ng longest-running noontime variety show sa Pilipinas.
Bukod sa kanyang karera sa media at pulitika, naging bahagi rin ng kanyang personal na buhay ang showbiz.
Bago niya pinakasalan ang dating singer na si Lourna Pal, naging karelasyon niya ang yumaong aktres na si Nida Blanca.
ROMEO JALOSJOS' LEGAL TROUBLES
Bukod sa kanyang karera sa media at pulitika, naging kontrobersiyal din ang buhay ni Romeo Jalosjos dahil sa kanyang legal issues.
Noong unang bahagi ng 1997, inaresto at ikinulong si Jalosjos matapos siyang kasuhan ng statutory rape at acts of lasciviousness, sangkot ang isang 11-anyos na babae.
Sa pagtatapos ng parehong taon, hinatulan siya ng Makati Regional Trial Court na guilty sa dalawang bilang ng statutory rape at anim na bilang ng acts of lasciviousness.
Pinatawan siya ng reclusion perpetua, o habambuhay na pagkakabilanggo, sa bawat bilang ng statutory rape.
Noong 1998, inilipat siya sa New Bilibid Prison upang doon pagsilbihan ang kanyang sentensiya.
Sa kabila ng kanyang pagkakakulong at hatol, nagpatuloy si Jalosjos sa pagtakbo sa halalan at muling nahalal bilang kongresista noong 1998 at 2001.
Inapela rin niya ang kanyang kaso sa Supreme Court, ngunit pinagtibay ng Mataas na Hukuman ang kanyang hatol sa mga desisyong inilabas noong 2001 at 2002.
Tuluyang nagwakas ang political career ni Jalosjos dahil sa desisyon ng Supreme Court noong 2002 na nagpapatibay sa kanyang conviction.
Dahil sa pinal na hatol, hindi na siya pinayagang tumakbo o humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Pagkalipas ng limang taon, noong 2007, binawasan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang sentensiya.
Mula sa dalawang habambuhay na pagkakakulong, ginawa itong 16 na taong pagkakabilanggo.
Noong 2009, lalo pang ibinaba ng Department of Justice (DOJ) ang kanyang sentensiya dahil sa kanyang umano'y magandang asal habang nakakulong.
Dahil dito, nakalaya si Jalosjos noong Marso 2009, matapos magsilbi ng humigit-kumulang 11 taon sa bilangguan.
Read: Talent manager claims Leviste behind plot against Recto — NBI