PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'60s matinee idol Roger Calvin dies at 79

Roger Calvin is the father of KTLA news anchor Cher Calvin.
by Erwin Santiago
Published 3 hours ago
roger calvin death
Veteran actor Roger Calvin, one of Philippine cinema's popular leading men in the 1960s, passed away at the age of 79 on July 30, 2026.
PHOTO/S: Files / FAMAS

Pumanaw na ang Filipino-American actor at dating matinee idol na si Roger Calvin noong July 30, 2026.

Siya ay 79 taong gulang.

Kinumpirma ng kanyang pamilya ang pagpanaw ng beteranong aktor.

Naulila ni Roger ang kanyang mga anak, kabilang ang Emmy Award-winning KTLA news anchor na si Cher Calvin, na dati ring nagtrabaho sa Pilipinas bilang TV news anchor.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye ang pamilya tungkol sa sanhi ng kanyang pagkamatay.

Read: Veteran entertainment reporter Jobert Sucaldito dies at 65

ROGER CALVIN'S SHOWBIZ CAREER

Nakilala si Roger Calvin bilang isa sa mga matinee idol noong dekada '60.

Naging contract star siya ng LEA Productions, kung saan pinagbidahan niya ang ilang pelikula kasama ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa Philippine film industry noong panahong iyon.

Ipinakilala siya sa pelikulang Manang Biday na pinalabas noong 1966.

Kabilang pa sa kanyang mga pelikula ang Kwatang, Nag-Aapoy na Damdamin, Salamisim, Artista ang Aking Asawa, Boom Bang Bang, Devil Woman, at My Funny Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
artista ang aking asawa
roger calvin movies
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mahigit tatlong dekada ng kanyang karera, nakagawa siya ng mahigit 30 pelikulang Pilipino at naging isa sa mga kinikilalang leading men ng kanyang henerasyon.

Read: TAPE co-founder Romeo Jalosjos passes away at 85

LIFE IN THE UNITED STATES

Noong 1972, pansamantala iniwan ni Roger ang showbiz upang manirahan sa Amerika.

Habang nasa New York, nagtrabaho siya bilang bank teller at advertising assistant, kasabay ng pag-aaral ng graphic arts at filmmaking.

Sa Amerika na rin niya pinalaki ang kanyang pamilya.

Isa sa kanyang mga anak ay si Cher Calvin, na naging isa sa kilalang Filipino-American television journalists sa Los Angeles. Bago maging lead anchor ng KTLA 5, naging bahagi rin si Cher ng GMA Network at ABS-CBN sa Pilipinas.

Sa mga panayam noon, ipinagmamalaki ni Roger ang mga tagumpay ng kanyang anak at madalas niyang ikuwento ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

roger and cher calvin
Roger Calvin and daughter Cher Calvin on her wedding day
Photo/s: Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HONORED FOR HIS CONTRIBUTION TO PHILIPPINE CINEMA

Bagamat matagal nang naninirahan sa Estados Unidos, hindi nakalimutan si Roger Calvin ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Noong 2024, kabilang siya sa mga pinarangalan ng FAMAS bilang Iconic Movie Actor of Philippine Cinema, kasama sina Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Coco Martin, Robin Padilla, Bong Revilla, Lito Lapid, at iba pang haligi ng lokal na pelikula.

roger calvin
Photo/s: FAMAS
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huli siyang napanood nang mag-guest siya sa FPJ's Ang Probinsyano noong 2019.

Read: Ipaglaban Mo host Atty. Jose Sison dies at 88

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Roger Calvin, one of Philippine cinema's popular leading men in the 1960s, passed away at the age of 79 on July 30, 2026.
PHOTO/S: Files / FAMAS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results