Hindi pinalampas ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) ang pangmamaliit ni Vice-President Sara Duterte sa mainstream media ng bansa.
Tinawag ng NUJP na galawang hango sa "dictator's playbook" ang tirada ng bise-presidente na malayo ang kalidad ng international news media sa kung paano mag-present ng balita ang local media.
Base ito sa opisyal na pahayag ng organisasyon noong Linggo, August 2, 2026.
Taliwas sa pananaw ng bise-presidente, idiniin ng NUJP na kinikilala ang galing ng Philippine news journalists and organizations sa international award-giving bodies.
Ginagamit lang daw ni Duterte sandata ang social media para sa sarili nitong "propaganda."
Pahayag ng NUJP: "The National Union of Journalists in the Philippines takes offense at Vice President Sara Duterte´s criticism of Philippine journalism as falling short of international standards and her endorsement of social media as the only truth peddlers.
"By denigrating Philippine media, Sara is unleashing one of tactics straight out of a dictator's playbook: controlling information by demonizing the independent press and weaponizing social media for her propaganda.
"Philippine journalists have received awards and their work have been recognized in the international community, a fact that belies Sara’s claim of the media being subpar from global standards.
"Despite this, the media continued to bear the brunt of the Dutertes’ attacks, first from her father, former president Rodrigo Duterte, and recently from Sara’s scathing remarks."
Hindi raw tama na sabihin ng bise-presidente na mas maaasahan ang social media para sa pagpapalaganap ng "katotohanan."
Ito ay dahil kontrolado ng tech giants ang algorithms o sistema kung anong content ang ipi-feed sa social media users.
Sabi pa ng NUJP: "Also, contrary to the claim of Sara, social media is far from being a platform for truth. Studies show algorithms in social media reward misinformation, with lies being spread faster than the truth.
"It is also well-known that their family’s political operators have unleashed misinformation on social media that peddled untruths to attack their political rivals and institutions critical of their clan.
"This is not the first, nor the last, that Sara has expressed her contempt for the Philippine media.
"She has in the past called out several news outlets and even media personalities for what she believes is an unfair reporting on her family."
Nilinaw rin ng NUJP na hindi man perpekto ang newsrooms sa bansa, idiniin nitong marami pa ring journalists ang matapang, tapat, at may paninindigan sa kabila ng banta sa kanilang buhay.
Pasaring pa ng NUJP, magpokus na lang daw ang bise-presidente sa kinakaharap nitong impeachment trial.
"If only Sara paid more attention to standards of governance and leadership instead of scapegoating the media, she would have avoided the predicament she is now facing before the Senate impeachment court.
"NUJP maintains Sara’s renewed attacks on the fourth estate is unbecoming of a high official of the land and reveal her authoritarian tendencies and contempt for freedom and democracy."
Read: Diego Loyzaga explains co-parenting setup with ex-partner
SARA DUTERTE STATEMENT
Nag-ugat ang isyu sa speech ni VP Sara Duterte sa tapat ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands, noong July 29.
Katwiran niya, talamak umano ang gun violence sa Pilipinas, at sa halagang PHP5,000 ay madaling kumontrata ng hitman para paslangin ang isang mister na nambababae.
Marami raw ibang krimen na may kinalaman sa gun violence at hindi lang daw drug war.
Sabi pa niya, ginigipit lang umano ang ama niya na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nahaharap sa kasong crimes against humanity dahil sa kampanya nito sa drug war.
Kaugnay nito, kinuwestiyon ng bise-presidente kung bakit pinili raw ng mga journo na i-highlight sa mga balita ang nabanggit niya tungkol sa pag-hire ng hitman.
Waring sinasadya raw magpakalat ng naratibo para madiin siya.
"Kung makikita mo, international media, paano sila mag-present ng balita, paano sila naghahanap ng mga bagay o mga aktibidad o pangyayari na ibabalita, napakalayo ng kalidad ng journalism sa ibang bansa ikumpara mo sa atin sa Pilipinas.
"Kung hanggang diyan lang ang kakayahan ng journalism sa Pilipinas, then hindi talaga uunlad ang ating bayan," pahayag ni Duterte.
Sabay dagdag niya: "Buti na lang, meron na tayong social media ngayon, kung saan nakikita natin kung ano talaga yung katotohanan na nakita at lumabas sa bibig ng tao."
Wala namang naipakitang konkretong ebidensiya ang bise-presidente bilang suporta sa kanyang pahayag.
Read: Jobert Sucaldito's cause of death revealed
FORMER PRESIDENT DUTERTE'S ONGOING ICC TRIAL
Taliwas ito sa detalyadong ebidensiyang inihain ng prosecution ng ICC laban kay dating Pangulong Duterte.
Noong April 23, kinumpirma ng ICC ang tatlong bilang ng kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulo.
Ang unang bilang ay kaugnay ng 19 kataong napaslang umano ng "DDS" o "Davao Death Squad" mula 2013-June 2016, o noong panahong nanilbihang alkalde si Duterte sa Davao City.
Ang ikalawang bilang ay para sa "indirect co-perpetration, ordering and/or inducing, and aiding and abetting" ng mga pagpaslang umano ng mga kapulisan sa 14 katao, na tinaguriang "High-Value Targets."
Sinasabing sangkot umano ang targets sa mga sindikato ng droga noong panahong nakaupong Pangulo si Duterte.
Ang ikatlong bilang ay para sa "indirect co-perpetration, ordering and/or inducing, and aiding and abetting" ng murders and attempted murders ng may 45 katao.
Nangyari raw ito sa "barangay clearance operations" noong July 2016-September 2018, o noong panahong nakaupong Pangulo si Duterte.
Ayon sa ICC, accountable si Duterte sa mga krimeng ito dahil ginawa umano nitong "state policy" ang pag-"neutralise" o pagpaslang sa mga taong masasangkot sa drug war at ibang krimen.
May ebidensiya rin daw na magpapatunay na "systematic" at may pattern ang pag-atake sa mga target.
Diumano, si Duterte o kanyang "co-perpetrators" ang tumutukoy sa mga biktima bilang "alleged drug users, pushers, or other criminals"; ibinibigay ang lokasyon ng target sa mga "direct perpetrators"; tuluyang pagpaslang sa target, at pagbigay ng "reward money" sa direct perpetrators pagkatapos ng operasyon.
Sabi pa sa desisyon ng ICC: "The word ‘neutralise’ was used and understood by those involved in the operations to mean to "kill.'"
Read: Aljur Abrenica addresses wedding plans with AJ Raval
VP SARA DUTERTE ONGOING IMPEACHMENT TRIAL
Samantala, nahaharap si Vice-President Sara Duterte impeachment trial sa Senado na nagsimula noong July 6.
Ang four articles of impeachment laban sa kanya:
- Una ay may kinalaman sa alleged misuse of confidential funds na nagkakahalaga ng PHP500M para sa OVP at PHP112M para sa Department of Education;
- Ikalawa ay may kinalaman sa alleged unexplained wealth na hindi umano tugma sa ipinasa niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth mula 2022-2024;
- Ikatlo ay may kinalaman sa "betrayal of public trust" dahil sa "monetary gifts or payments" sa mga opisyal ng DepEd para impluwensiyahan umano ang desisyon ng mga ito sa procurement transactions ng ahensya.
- Ikaapat ay may kinalaman sa pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Leyte First District Representative Martin Romualdez.
