Nasungkit ng 21-year-old Filipina tennis sensation na si Alexandra Eala ang kauna-unahan niyang WTA Tour singles title matapos talunin ang World No. 3 at top seed na si Jessica Pegula, 4-6, 6-4, 6-0, sa finals ng 2026 Mubadala DC Open sa Washington, D.C., nitong Lunes, August 3, 2026 (August 4 sa Pilipinas).
Hindi lang ito ordinaryong championship win para kay Alex.
Si Alex ang kauna-unahang Pilipino sa kasaysayan na nagkampeon sa isang WTA Tour-level singles tournament.
Dahil sa panalong ito, umakyat din siya sa career-high World No. 20 ranking, isa na namang makasaysayang achievement para sa bansa.
Ito ang ikalawang career final ni Alex. Ang una ay sa 2025 Eastbourne Open kung saan tinalo siya ni Maya Joint sa finals.
Read: Meet Alex Eala: Pinay tennis player and history-maker at 2025 Miami Open
ALEX EALA'S AMAZING COMEBACK
Hindi naging madali ang laban bago makuha ni Alex ang Mubadala DC Open title
Nakuha ni Pegula ang first set, 6-4, at tila hawak na niya ang momentum.
Pero hindi nagpadaig si Alex.
Dahil sa malakas na buhos ng ulan ay naantala ang second set, kung saan lamang si Alex, 2-1, noong Linggo, August 2.
Tuluyan nang kinansela ang finals match at inilipat ito nitong Lunes.
Sa pagpapatuloy second set, unti-unti nabasa ni Alez ang laro ng Amerikanang kalaban. Mas naging agresibo siya sa baseline at mas naging matatag sa mahahabang rallies.
Nanaig si Alex sa naturang set, 6-4.
Pagdating sa deciding set, hindi na niya binigyan ng pagkakataon si Pegula at tinapos ang laban sa dominanteng 6-0.
Mas lalong naging espesyal ang titulo dahil sa mga pangalan ng mga player na kanyang tinalo.
Sa kabuuan ng torneyo, pinabagsak ni Alex ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa women's tennis, kabilang sina Olympic champion Qinwen Zheng, defending champion Leylah Fernandez, former World No. 3 Elina Svitolina, four-time Grand Slam champion Naomi Osaka, at sa finals ay si Jessica Pegula.
Read: Alex Eala earns praise from idol Sharapova; meets Kate Middleton
ALEX EALA "I feel all the love"
Hindi mapagsidlan ang kasiyahan ni Alex sa trophy ceremony.
Habang hawak ang pinakamalaking tropeyo ng kanyang professional career, pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa kanya, lalo na ang mga Pilipino mula sa iba't ibang panig ng mundo na walang sawang sumusuporta sa kanya.
Aniya, “To all my supporters, thank you guys. Especially the Filipino community here in DC and back home, wherever you are in the world. I really feel all the love.”
Dagdag ni Alex: “Before the final yesterday, I got so many sweet messages from my family and my friends. I thought to myself, I feel so much love.
"Standing here in the middle of all this love, my first chance at a title, knowing it won’t be my last.
"Already having achieved this feat and this milestone for my career, I knew that whatever would’ve happened after this match, it would’ve already been a win for me.
"Thank you everybody. I really look forward to seeing you guys again.”
Proud moment FOR FILIPINOS
Pagkatapos ng championship point, agad na nag-trending si Alex sa social media.
Sunod-sunod ang pagbati mula sa mga atleta, celebrities, government officials, at libu-libong Pilipino na ipinagdiwang ang isa sa pinakamalalaking tagumpay sa kasaysayan ng Philippine sports.
Hindi lang ito panalo para kay Alex.
Panalo rin ito para sa Philippine tennis, na matagal nang naghihintay ng isang world-class breakthrough sa professional circuit.
Read: Three ways Alex Eala honored her Filipino roots with sampaguita
