May mga kahilingan ang isang grupo ng motorcycle (MC) taxi riders sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sana ay payagan ang mga riders na gumamit ng higit sa isang riding app para mas maraming makapag-book sa kanila.
Sana, taasan ang pamasahe.
Ipinahayag nila ito matapos ianunsiyo ng LTFRB ang dalawang polisiya: (1) Ang pagbabawal sa multi-homing o multi-app use (2) Ang paglilimita sa bilang ng mga MC taxi riders sa kalsada kada ride-hailing provider.
Sa hangaring maging systematic umano ang public transport system, magsi-set ng rider allocation limit o capping system sa mga ride-hailing providers.
Ang tanong ni Ren Embiado, chairman ng Nexus Riders Alliance: “Meron ho diyan mga nanay, tatay na bumibiyahe, mga breadwinner. So, anong gagawin natin pag hindi pumasok sa cap?
“Pag-aralan ho muna natin. Araw-araw kaming lumalaban sa kalye, araw-araw kaming lumalaban nang patas.”
Read: Scientifically proven tips to eat anything without gaining weight
MOTORCYCLE TAXI RIDERS GROUP APPEALS TO GOVernmenT
Ang dalawang polisiya ay bahagi ng Memorandum Circular 2026-048, na implementing guidelines ng Department of Transportation (DOTr) para sa MC taxi operations.
Saklaw nito ang provisional operating rules, vehicle specifications, at safety parameters.
Tungkol naman sa pag-ban sa multi-homing, ani Embiado: “Kung ikukulong natin ang isang rider sa isang platform, ano ho ito, empleyado na ho ba ito?”
At tungkol sa fare hike, na hindi nagbabago simula pa noong 2019, nais sana ni Embiado na makipagdayalogo sila kasama si Pangulong Bongbong Marcos, Transportation Secretary Giovanni Lopez, ang LTFRB, MC taxi platforms, at mga kinatawan ng rider communities.
Sa kasalukuyan, mayroong pitong MC taxi platform providers na pinapayagang mag-operate.
Sa Metro Manila, mayroong 45,000 MC taxi riders na pinapayagang makabiyahe sa tatlong platform providers.
Sinimulan nang ipatupad ang utos ng LTFRB sa mga MC ride-hailing platforms na mag-register.
Isusunod na rin ang individual registration ng MC taxi riders upang mabigyan ng provisional authority o pansamantalang permit para legal na makabiyahe.
Sources:
