Nilinaw ni Robbie Jaworski na hindi totoong siya ay binatang ama.
Napagkamalang may love child ang 26-year-old Kapamilya actor-TV host dahil sa isang Instagram post niya na may kasamang bata.
Nakaakbay sa kanyang leeg ang bata at kita sa likuran nila ang isang kalsada na may nakaparadang tricycle.
Nilagyan niya kasi ito ng caption na "The little boy is my son."
Si Robbie ay anak ni Mikee Cojuangco at Pasig City Vice Mayor Robert Jaworski Jr., o kilala rin sa palayaw na Dodot.
Nakapanayam ng piling entertainment editors si Robbie sa presscon ng Star Magic Spotlight sa ABS-CBN compound noong August 5, 2026.
Dito ay nilinaw ni Robbie na nagbibiro lang siya sa kanyang post.
Inaanak daw niya ang bata, at pamangkin ito ng isa sa grooms na nag-aalaga ng mga kabayo ng ina niyang si Mikee.
Parang kapamilya na raw ang turing niya sa mga kaanak ng bata sa Tarlac.
"So I grew up around them. Naging close kami," paliwanag niya.
Nakangiting dagdag ni Robbie, "Isa lang anak ang inaanak ko. Pero sa sobrang close namin, Ninong na rin ang tawag sa akin ng dalawang mas bata."
Sabay sabi niya, "Nilabas ko lang yung konting kulit ko na pambiro-biro lang na, 'This little boy is my son,' Kasi tawag ko sa kanila, 'Anak, kumusta?'"
Tinawanan lang ni Robbie ang biro ng isang press na kaya siya pumasok sa showbiz ay dahil may sinusustentuhan siyang anak.
"Kailangan ko pala ng kita, ano?" napahalakhak ding sabi niya.
Read: Kris Aquino returns to the screen as Netflix's new C.H.I.K.A.
ROBBIE JAWORSKI NOT AFRAID OF INTRIGUES
Hindi raw big deal kay Robbie ang anumang intrigang ibato sa kanya.
"Well, sa akin naman, hindi ako natatakot kasi may opinion, may lumalabas, tapos may katotohanan. Dito ako sa katotohanan," aniya.
Natutunan daw niya ito sa kanyang lolo, ang dating senador at PBA player na si Robert Jaworski.
"At sinasabi din ng lolo ko sa akin dati, ang latang walang laman, maingay.
"So ako, hindi ko yun pinapansin kasi wala naman laman yung lata, e. Okay lang.
"Hindi ako naaapektuhan sa fake news."
Mas pinahahalagahan daw ni Robbie ang feedback ng mga taong mahal niya at malapit sa kanya.
"So, kung may sinasabi sila sa akin na may disagreement sa work ko or sa career ko at may sinabi silang masakit, e, di doon ako masasaktan nang konti.
"Pero maski papa'no, ganun pa rin, move on. Ayaw ko masyado ng drama. Hindi ako madramang tao.
"So, hindi bagay, 'no, sa showbiz? Pero okay lang yun."
Read: Eric, Aga become newest fitspiration after dramatic weight loss
ROBBIE jaworski ON HANDLING CRITICISMS
Taong 2025 nang sumabak sa pag-arte si Robbie sa pelikulang Meet, Greet & Bye.
Pagkatapos ay napabilang din siya sa Kapamilya teleserye na The Alibi (2025) at sa ongoing series na The Loyalty Game.
Ang ina niyang si Mikee ay kilalang equestrienne at pinasok din ang pag-aartista sa loob ng sampung taon noong '90s.
Ano ang feedback ni Mikee sa pag-arte niya?
Saad ni Robbie: "Nagbibigay naman siya ng feedback konti. More supportive. Pero I embrace yung criticism.
"Actually, mas gusto ko yung criticism. Siyempre, sasama yung loob ko kung wala na lang [ibang] lumalabas kundi criticism.
"Pero so far naman, it's been very helpful na I see things online na supportive naman in terms of my acting, and then every now and then may criticism.
"So, blessed ako. Yun yung tamang balance na gusto ko."
Read: Korina Sanchez says Mar Roxas no longer interested in politics
MOM MIKEE COJUANGCO PROUD OF HIM
Proud din daw si Mikee na nagmana siya rito.
Sabi raw ng ina sa kanya, "Kamukha mo pala talaga ako, 'no?"
Malapit daw siya sa ina.
"I was a Mama's boy growing up. And then, of course, hindi yun mawawala.
"But of course, now that I'm older, lagi kaming nag-uusap ng dad ko in terms of sa work. I find myself spending more time with my dad a little bit."
Read: MRT-3 free rides August 2026: Dates, requirements, how to avail
ON LEARNING GRIT FROM HIS LOLO
May bonding time rin daw sila ng kanyang lolo, ang PBA legend na si Robert Jaworski Jr.
Masiglang sabi ni Robbie: "Of course. Alam mo, pinutok nga ng lolo ko yung labi ko dati when I was thirteen years old.
"Kasi ang lolo ko dati, sixty-plus pa yon, malakas pa rin katawan niya. Nagte-tennis, nagba-basketball.
"So I think I was about 12, 11. Something clicked in me in basketball kung saan ako gumaling nang konti.
"And I started being able to beat my dad and my lolo a little bit. Basta hindi nila ako binabangga sa puwet kasi ang laki nila, eleven, twelve years old ako, may laban ako dati.
"So, naalala ko the first time na lamang ako ng dalawa, last shot na ako to win.
"Kalaban ko lolo ko. Tinira niya, hindi pumasok. So, tumalon ako. Pagtalon ko, siniko niya yung labi ko, sinalo niya yung bola. Umiyak ako.
"Binatukan niya ako. Sinabi niya, 'Uy, ano ka ba? Part of the game yan. Check ball, bola ko.' So, tuloy kaming naglalaro."
Kahit na nagdudugo raw yung labi niya ay hindi sila huminto.
"And then, wala. Naglalaro lang ako ng ganun, umiiyak, huhuhu, tapos tulo dugo. Tapos naglaro pa rin kami.
"Tapos nanalo ako, so sarap ng feeling."
Read: Eric Fructuoso, Aga Muhlach become showbiz's newest fitspiration after dramatic weight loss
