Ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang iyong tatay na 20 years mo nang hindi nakikita?
Ito ang nag-viral na kuwento ng dalagang si Jinky Partolan, 20, na sanggol pa lang noong huling makarga ng kanyang ama.
Ang ang muli nilang pagkikita ay nangyari sa bus.
Sa video post, makikita ang luhaang dalaga na hawak ang camera phone sa loob. Habang siya ay nakaupo, may lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Kinakausap ng dalaga ang lalaki, na tatay pala niya.
Ipinost ni Jinky ang video sa kanyang social media accounts sa Facebook at TikTok, kung saang tumabo ito ng higit four million views mula nang i-post niya isang linggo na ang nakalilipas.
Nangyari ang di inaasahang pagkikita ng mag-ama noong July 27, 2026.
Ang overlay text ni Jinky sa video: “After 20 years, I never expected that I would see my papa for the first time inside the bus.”
Sa caption inilahad ni Jinky ang nakaaantig na kuwento.
Read: Boulevard in Bridgetowne named after tycoon John Gokongwei, Jr.
MEETING OF FATHER, DAUGHTER AFTER 20 YEARS
Pagbabahagi ng dalaga, anim na buwan pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.
“Kaya lumaki akong walang nakasamang ama…” aniya ukol sa pagkakaroon ng broken family.
Taong 2025, nagkaroon daw siya ng komunikasyon sa ama sa pamamagitan ng online chat at video call.
“Umiiyak pa ako nun kasi first time kong makausap si Papa,” lahad ni Jinky.
Subalit ang kanilang reconnection last year ay hindi nauwi sa pisikal na pagkikita.
Aniya (published as is): “[N]agpaplano pa siyang pumunta sa bahay BUT hindi talaga sumasangayon ang panahon, nagkaron ng problem na naglead samin para hindi na ulit magkaron ng contact (very personal reason)…”
Ang huling komunikasyon nila ay noon pang December 2025. Hindi na raw iyon nasundan.
“‘[Y]ung planong pagkikita namin is hindi na natuloy at sobra akong nasaktan don…”
Sa kaso ng mag-ama, naging totoo ang kasabihang minsan natutuloy ang pagkikita kapag hindi pinaplano.
Saad ni Jinky: “May maganda palang mangyayari, may ibang way pala para magkita kaming dalawa na wala sa plano, at coincidence lang lahat, na para bang nakatadhana talaga na magkita kaming dalawa sa araw na iyan.”
THE ACCIDENTAL MEETING on the bus
Pauwi na raw noon si Jinky at ang kanyang boyfriend galing sa isang beach resort sa Cavite.
“Sumakay kami ng bus papunta pitx niyan… Nasa bus kami ng bf ko, ako tulog at nakasandal sa balikat niya.”
Habang lulan ng umaandar na bus, naisipan daw ni Jinky na kunin ang kanyang headset at makinig ng music.
At doon na raw nangyari ang pambihirang pagkakataon.
“Imbis na headset ang hahanapin at kukunin ko, hindi ko inaasahan na makikita ko ang papa ko sa bus,” kuwento niya.
Nakita raw niya sa may bandang harapan na mga upuan ang kanyang tatay, na hindi niya napansin noong una.
“[N]akita ko siya paalis na siya sa kinauupuan niya at nakaharap banda sa amin. May kinakausap siyang babae dahil papaupuin niya ‘to don sa pwesto niya.
“Bumulong ako agad sa bf ko at sinabi kong, ‘papa ko ‘yun ha?’ Hindi pa ako nakontento at napatingin ulit sa kung saan nakatayo si papa.
“Naghahalong kaba, tuwa, at pagkasabik ang nararamdaman ko nung nasigurado kong hindi ako namamalikmata.
“Tinawag ko siya, sabi ko, ‘papa’ hindi siya tumingin agad sakin, kaya para mapukaw ko ang atensyon niya, inangat ko ‘yung braso ko at tinapat sa kaniya sabay hawi at bigkas ng ‘papaaaa’.
“Napatingin siya sa akin, nagkatitigan kami ng mga 5 seconds, habang nakatitig ako sa kaniya hindi ko na namalayan na namumuo na ‘yung mga luha ko at unting-unti siyang pumapatak, bago ko sabihin ang salitang ‘Ako ‘to, si jinky’ sabay turo ng kamay ko sa sarili ko.”
Nagdetalye pa si Jinky kung ano ang naramdaman niya sa mga oras na iyon.
“Alam ninyo 'yung feeling na tumigil mundo ko? Nawalan ka ng pakealam sa paligid at nakafocus ka lang sa taong gustong gusto mong mayakap at makausap. Ganon ‘yung naramdaman ko.”
Ano ang naging reaksiyon ng kanyang ama?
“Napatanong na lang siya sakin ng, ‘ikaw ‘yan? Anak? Ikaw ba talaga ‘yan?’ Nung narinig ko ‘yan para akong naging bata, sabi ko pa, ‘papaaaaa ako ‘tooo, ako ‘too’ habang umiiyak.”
Napukaw raw ang atensiyon ng iba pang mga pasahero at nagtanong kung ano ang nangyayari.
“[S]inabi ni papa sa mga tao na first time lang namin magkita sa personal.
“‘Yung mga tao na nasa bandang gilid namin ng bf ko na nakatayo is nag adjust at nagpunta sa harapan para si papa is makalapit sakin. Pagkalapit na pagkalapit niya is agad niya akong niyakap, ganon din ang ginawa ko
“Saglit man kami nagkita at nagkausap ni papa dahil kailangan na niyang makababa sa bus is sobrang saya ko pa rin dahil nakasama ko siya kahit sa unting oras lang”
Sa pagtatapos ng kanyang post, nagpasalamat si Jinky sa Diyos dahil natupad ang wish niyang makita muli ang ama.
“[P]inagtagpo [M]o kaming dalawa sa hindi inaasahan.”
“ILOVEYOUPAPA! Nawa’y magkita na tayo ulit at makapagbonding na, ingat ka palagi! Mahal na mahal kitaaaaaa!,” pagtatapos ni Jinky.
Read: Scientifically proven tips to eat anything without gaining weight
WHAT HAPPENED AFTER THE ACCIDENTAL MEETing
Nagbigay ng update si Jinky kasunod ng kanyang viral video.
Matapos daw ang aksidenteng pagkikita, muli silang nag-reconnect.
Sabi ng dalaga (published as is): “Simula nun is nagkaroon na ulit kami ng chance ni papa magkaron ng contact dahil kinuha ko ang phone number nya, nagca-call lang kami sa una through cellphone number and kagabi is nagulat ako na nagchat siya gamit ang fb account niya. Syempre, dali dali akong nag reply!
“Then, nagyaya siya na mag video call kaming dalawa tapos nun is sinagot ko, nung sinagot ko na ‘yung call is chikahan na kami kaagad about nga sa nangyari sa bus, ‘yung unexpected na nagkita kami.”
Pagtatapos niya, “I’m so happy na nakita ko na si papa! And hoping magkaron kami ng marami pang bonding together.”
Sa comments section, sinagot ni Jinky ang ilang katanungan ng netizens ukol sa kanyang mag-ama.
Nagkomento rin ang mga kakilala ni Jinky at sinabi nilang saksi raw sila sa matagal nang inaasam ng dalaga na muling makita ang ama.



