Sa sobrang sakit ng mga sampal na tinanggap ni Amy Austria mula sa co-star sa pelikulang Brutal, hindi na niya nagawang magpatuloy sa shooting sa araw na iyon at nagkasakit pa pagkatapos.
Ito ang hindi malilimutang karanasan ng veteran actress nang magbida sa highly-acclaimed film.
Ang Brutal (1980) ay idinirek ng yumaong National Artist na si Marilou Diaz-Abaya; at
Ang pelikulang ito ang nagbigay kay Amy ng Best Actress trophy sa tatlong award- pinagbidahan nina Amy, Gina Alajar, Jay Ilagan, at Charo Santos.giving bodies: Metro Manila Film Festival 1980, Gawad Urian 1981, at FAMAS 1981.

Isa si Amy sa mga respetadong artista na dumalo sa PEP Spotlight: Sine x Cinemalaya event na ginanap sa Cinema 3 ng Shangri-La Plaza noong Lunes, August 10, 2026.
Tampok sa event ang librong SINE • FILM • PELIKULA: The 100+ Greatest Films of Philippine Cinema ng Summit Books.
Ang author ng libro ay ang veteran journalist at PEP editor-at-large na si Jo-Ann Q. Maglipon, sa pakikipagtulungan ni Joel David, Ph.D

Read: Grace Poe recalls FPJ's ingenuity in the making of Panday movies
AMY’S UNFORGETTABLE EXPERIENCE IN SHOOTING BRUTAL
Sa open forum ay inusisa ni Jo-Ann si Amy kung ano ang hindi niya malilimutang karanasan sa mga pelikulang kanyang ginawa.
Tinukoy ni Amy ang ang pelikulang Brutal, kunsaan gumanap siya bilang modern jazz dancer na si Monica Real.
Ilang araw raw ang ginugol niya sa pag-aaral ng modern jazz para sa dance scenes.
Pero mas hindi raw niya malilimutan ang rape at sampalan scenes niya sa pelikula.
Ang kaeksena niya noon ay ang late actor at real-life partner niyang si Jay Ilagan.
“Yung rape [scene] pa lang, hindi ko alam na ganun yung gagawin.
"Basta sinabi lang, ‘Pull her down. Pull her down,’ doon cut na. Biglang hindi cut."
May instruction daw kay Direk Marilou, “’Ihiga mo siya. Pull her strap.’”
Sa isip daw ni Amy, “’Ha?! Ano nang nangyayari?’ Ganun ako.”
Read: Hilda Koronel good friends with Amy Austria; no overlap with Jay
Buti na lang daw ay todo-alalay sa kanya si Jay noon, pero aminado si Amy na nagulat at nahirapan siya sa physically demanding scene na iyon.
Pero hindi pa roon nagtapos ang mahirap na eksena.
Sa takbo kasi ng kuwento, pagkauwi niya ay magkakaroon siya ng confrontation scene sa ama niyang ginampanan ni Nello Nayo.
Kuwento ni Amy: “Hindi ko makakalimutan yung shot na close-up sa akin dun, e. Kailangan sampalin tapos tsaka full shot, e.
“Yung kaeksena ko pagkasampal, totoong sampal, e."
Sakop daw ng sampal na iyon pati ang bahagi ng tenga ni Amy.
“Pak! Si Nello Nayo ang laki ng kamay. Pagkasampal sa akin… kailangan totoo.
“Extreme close-up. Pak! Hinding puwedeng dayain…
“Isang sampal pa lang namanhid na ang buong ulo ko. Tatlong beses [na sampal pa ang sumunod]…"
Nagkakamali raw kasi sa kanyang dialogue ang kaeksena ni Amy kaya paulit-ulit kinunan ang eksena.
“Pang-apat pa lang bago nag-good yung eksena. Yun ang hindi ko makakalimutan. Yun ang mahirap.
“Pagkatapos nun, talagang hindi ako napakinabangan. Binili lang ako ng gamot. Natulog lang ako don. Di ako nakunan.”
Nagkataong kasamang dumalo ni Amy sa open forum ang kanyang co-stars sa Brutal na sina Gina Alajar at Charo Santos, kaya nagkaroon daw sila ng mini-reunion.
Read: Charo Santos recalls Mike de Leon's fiery temper in Kisapmata
AMY’S CLASSIC MOVIES
Marami pang pelikula si Amy na pasok sa SINE • FILM • PELIKULA: The 100+ Greatest Films of Philippine Cinema.
Bukod sa Brutal, kasama rin ang Jaguar, Aliw, Hinugot Sa Langit, Kung Mahawi Man ang Ulap, at Magnifico.
Sabi ni Amy tungkol dito: “Syempre, nakaka-proud yun kasi nga, sa dinami-dami ng pelikula na ginawa dito sa Pilipinas, biro mo, napili yung mga pelikulang nagawa mo, at nailagay sa libro ng classic films na ang mga ito…
“Kumbaga, nung araw akala mo yung ginawa mo napansin naman… hanggang yung panahon na ito tatangkilikin pa rin, ipapakilala uli sa tao ang mga pelikulang ito.
"Nakaka-proud talaga. Hindi nasayang.”
