PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maris Racal spotted anew with rumored non-showbiz boyfriend

Maris Racal fetched by rumored boyfriend after her work trip.
by Rachelle Siazon
Published 1 Hour ago
Maris Racal spotted with rumored non-showbiz boyfriend at airport
Maris Racal was spotted at the airport with a mystery non-showbiz man believed to be the same guy she was seen with last month, sparking fresh dating rumors.
PHOTO/S: @mariesteller Instagram / Wendel Abad & ArtistVault on TikTok

Muling namataan si Maris Racal kasama ang non-showbiz guy na hinihinalang bagong nobyo niya.

Base sa kumalat na video sa social media, nakunan si Maris sa airport nang salubungin siya ng di kilalang lalake noong Miyerkules, August 12, 2026.

Galing si Maris sa Tawi-Tawi para sa shoot ng Incognito 2 kasama sina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Ian Veneracion, at Carlo Aquino.

Tila hindi naman itinago ng aktres kung sino ang kasama niya dahil nagpa-picture pa siya sa ilang bystanders na nakakita sa kanya sa airport.

Maya-maya pa ay lumapit si Maris sa isang lalaki, bahagyang humagkan sa kanya, bago siya inalalayan papasok ng kotse.

May kasama ring driver na tumulong maglagay ng gamit ni Maris sa sasakyan.

Dahil sa kilos ng dalawa, may netizens na nagsasabing halata raw na may espesyal na ugnayan sila ng non-showbiz guy.

Kulot ang buhok at matangkad ang lalaking nakasuot ng dark shades, long-sleeved shirt, at pants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa hitsura nito ay natukoy na ito rin ang namataang kasama ni Maris noong Hulyo.

MARIS RACAL brief romance with anthony jennings

Ang huling naugnay kay Maris ay si Anthony Jennings, na nakatambal niya sa mga teleseryeng Can't Buy Me Love (2023-2024) at Incognito (2025).

Noong December 2024, nasangkot sa kontrobersiya sina Maris at Anthony nang lumantad sa publiko ang non-showbiz girlfriend ng aktor na si Jamela Villanueva.

Ibinulgar ni Jamela ang aniya'y lihim na relasyon ng magka-loveteam habang magkasintahan pa sila ng aktor.

Sinabi rin ni Jamela na October 2024 siya opisyal na nakipaghiwalay kay Anthony, dahil sa mga natuklusan niya mula huling bahagi ng June noon ding taong iyon.

Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup

MARIS RACAL AIRS SIDE OF THE STORY

Sa kabilang banda, inamin ni Maris na siya ay nagkamali, at humingi siya ng sorry sa lahat ng taong nasaktan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma niyang June 2024 nagsimula ang atraksiyon sa pagitan nila ni Anthony, at iyon daw ang nagtulak sa kanyang makipag-break kay Rico Blanco.

Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony's ex

Ang buong akala raw niya ay break na rin si Anthony sa non-showbiz girlfriend nito.

Iyon daw ang sinabi sa kanya ng aktor nang komprontahin niya ito noong September at October.

Hanggang sa late November 2024, naghayag sa publiko si Anthony na hiwalay na ito sa nobya.

Pero huli na raw ang lahat noon dahil nanlamig na raw siya sa aktor.

Nalaman lang daw ni Maris ang buong katotohanan, na nagsinungaling sa kanya si Anthony, nang lumantad na si Jamela sa publiko.

Kasunod nito ay naglabas din ng sorry si Anthony kina Maris at Jamela, pero hindi na nangatuwiran o nagdetalye pa ukol sa isyu.

Limang buwan bago pumutok ang kontrobersiya, noong Hulyo 2024, isinapubliko ni Maris na nakipaghiwalay siya sa noo'y five-year boyfriend na si Rico Blanco.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal was spotted at the airport with a mystery non-showbiz man believed to be the same guy she was seen with last month, sparking fresh dating rumors.
PHOTO/S: @mariesteller Instagram / Wendel Abad & ArtistVault on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results