Hindi pa rin makapaniwala ang batchmates ni Miss Earth Indonesia 2025 Putri Andriani Juficha sa kanyang dagliang pagpanaw.
Si Putri ay 25 anyos lamang noong siya ay pumanaw.
Pero, sa pag-anunsiyo ng kanyang kamatayan nitong nakaraang August 14, 2026, siya ay 26 years old na.
August 14 kasi ang kanyang kaarawan.

Read: Dimples on not being invited to Bea's wedding: “Walang tampo.”
JOY BARCOMA, OTHER MISS EARTH QUEENS
Si Putri ay kilala rin sa palayaw na Pijeypj lalo na noong sumabak sila sa pageant activities sa Manila noong October to November 2025.
Ilan sa mga nakasalamuha niya ay sina Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma, Miss Earth Thailand 2025 Waree Ngamkham[na nagwaging Miss Earth Fire 2025], at Miss Earth Iceland 2025 Sóldís Vala Ívarsdóttir [na itinanghal na Miss Earth Air 2025].
Sa kanyang Instagram Story kagabi, August 14, ibinahagi ni Joy ang memorial post ng isang pageant page.
Sabi niya sa caption: "Your memory is a blessing, PJ."

Mensahe naman ng kanyang roommate dito sa Pilipinas na si Miss Earth Thailand 2025 Waree Ngamkham: "@pijeypj May you rest in peace."

Emusyonal naman si Miss Earth Iceland 2025 Sóldís Vala Ívarsdóttir sa kanyang mensahe.
Aniya: "May you rest in peace my love.
"Thank you for our memories and talks together, you were one of the most sweetest person I have me
"I give my condolences to her family, friends and to everyone she touched hearts."

Ang nag-anunsiyo ng kamatayan ni Putri ay ang Miss Grand Indonesia Organization dahil runner-up din siya ng pageant nitong nakaraang taong 2025.
Read: Miss Earth Indonesia 2025 Putri Andriani Juficha dies at 25
