PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizen cries frustration over delayed 911 response

Netizen: "Tang*na mo, 911. Tang*na mo, Pilipinas."
by Arniel C. Serato
Published 3 hours ago
Netizens cries expletives out of frustration due to 911's delayed response
"911 CHIKAHAN?" Netizen airs frustration after 911 call agents who allegedly told him to wait despite emergency situation: "Halos 10 minutes na akong tumatawag sa 911 pero wala pa ring sumasagot. At nung may sumagot na, p******na, puro 'wait'. Rinig na rinig ko pa yung tawanan at chikahan habang may taong nangangailangan ng emergency assistance."
PHOTO/S: Facebook / X

Nag-viral sa Facebook ang post ng netizen na si Basty Askri matapos niyang ilabas ang hinanakit sa social media laban sa emergency hotline na 911.

Sa post niya ngayong araw ng Sabado, August 15, 2026, inabot daw ng sampung minuto ang kanyang hinintay bago man lang sagutin ang kabilang linya ng 911.

At nang may sumagot na, pinahintay pa raw siya.

Dinig na dinig umano niya ang tawanan at kuwentuhan ng mga call agents sa kabila ng kanilang mandatong umalalay sa mga nangangailangan.

"T*****a mo, 911. T*ng*na mo, Pilipinas.

"Halos 10 minutes na akong tumatawag sa 911 pero wala pa ring sumasagot.

"At nung may sumagot na, pu******a, puro 'wait'. Rinig na rinig ko pa yung tawanan at chikahan habang may taong nangangailangan ng emergency assistance."

Inatake na raw ang kanyang ama at siya na mismo ang nag-CPR (Cardiopulmonary Resuscitation) dito.

Nang dumating naman daw ang ambulansiya, walang sapat na gamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin umanong dalang AED (Automated External Defibrillator).

Ang AED ay ang makinang ginagamit sa pagmomonitor sa puso ng nakakaranas ng atake.

AED machine
Photo/s: Courtesy: Mindray.com

Kaya siya pa rin daw ang nag-CPR sa ama.

"Tapos inatake na ang tatay ko.

"Ako mismo ang nag-CPR sa kanya. Ang tagal kong nag-CPR habang hinihintay namin ang ambulansya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At nung dumating na ang ambulansya, walang AED. Walang sapat na gamit. Walang pumalit sa akin sa pag-CPR.

"Ako pa rin ang gumagawa ng CPR."

Read: Miss Earth Indonesia 2025 Putri Andriani Juficha dies at 25

NETIZEN: "kung di kapa galit sa systema, bakit?"

Ibinahagi raw niya ang kanyang karanasan upang mapagtanto ng tao na magalit na sa bulok na sistema ng gobyerno.

Pinatutsadahan din niya ang local government unit (LGU) na kanyang kinaparoonan.

"T*****a, ano 'to?

"I post this hindi dahil nagtatantrums ako or what

"Pinost ko to dahil gusto ko marealize ninyo na dapat lang magalit kayo sa kabulukan na systema ng pinas. I love taguig amp*ta pakyu taguig

"Nagmumura ako kasi galit ako

"Galit ako dahil naranasan ko mismo kung gaano kahirap humingi ng emergency assistance kapag ang mahal mo sa buhay ay nangangailangan nito.

"T*****a at kung di kapa galit sa systema, bakit?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lagpas sa 777 thousand na ang magkahalong reaksiyon ng netizens sa post na ito.

Read: Joy Barcoma, Miss Earth 2025 queens extend condolences to Putri

DILG TO INVESTIGATE THE ISSUE

Sa ulat ng ABS-CBN News ngayong gabi, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nagsagawa ng imbestigasyon ang ahensiya ukol sa viral incident.

"We are investigating the matter with all seriousness," ang sabi ni Remulla.

Base sa ulat, sinabi ni Remulla sa ABS-CBN na nakatanggap ng tawag ang Emergency Call 911 bandang 12:15 P.M. ngayong Sabado, Agosto 15, at naipasa ito sa Taguig Command Center ng mga 12:17 P.M.

Tumugon daw ang 911 sa tawag para sa tulong ng isang 71-anyos na pasyente sa Maharlika Village, Taguig, na nangangailangan ng agarang ambulansya.

Sa kanilang naging follow-up bandang 4:57 P.M. at 5:56 P.M., walang naging kumpirmasyon kung naipadala o nakarating ang ambulansya.

May lumilitaw din umanong problema sa shift handover at endorsement ng kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa naunang balita noong inilunsad last 2025 ang Unified 911 Emergency Hotline, target nitong makasagot at makatugon sila sa anumang tawag ng emergency sa loob ng limang minuto.

911

Read: 911 emergency hotline set to launch on September 11

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"911 CHIKAHAN?" Netizen airs frustration after 911 call agents who allegedly told him to wait despite emergency situation: "Halos 10 minutes na akong tumatawag sa 911 pero wala pa ring sumasagot. At nung may sumagot na, p******na, puro 'wait'. Rinig na rinig ko pa yung tawanan at chikahan habang may taong nangangailangan ng emergency assistance."
PHOTO/S: Facebook / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results