Kalunus-lunos ang nagyaring pagbaha sa Metro Manila at karatig-lalawigan kahapon, August 17, 2026.

Read: Actor-pastor Edward Barber reveals he’s now engaged
JERALD NAPOLES on flood control in the philippines
Isang maiksing post ang ibinahagi ni Jerald sa Facebook kahapon din.
May patama ang komedyante sa flood control programs na sanhi ng kurapsiyon sa bansa.
Aniya, "Sa Pilipinas ang ibig sabihin ng 'Flood Control; pala, yung buhay natin ang ko-controlin ng flood."
Sabi pa niya sa comments section, "Tapos pag wala nang ulan. Palilipasin natin uli yung galit at hinanakit."

At pagdating ng eleksiyon, makakalimutan daw ng mga Pilipino ang hirap na dinanas sa panahon ng tag-ulan.
Aniya: "Tapos pag botohan .. mananaig pa rin yung 'basta gusto ko siya eh.'"

Read: Ateneo de Zamboanga confirms two dead in shooting incident
THEA TOLENTINO APPEALS TO NETIZENS
Mahaba-haba ang post ni Thea sa kanyang Facebook.
Diin niya, nakakagalit makita ang mga taong naperwisyo ng pagbaha.
"Nakita ko lahat ng posts ngayong araw tungkol sa baha, mga bahay na lumubog, malalang traffic, at mga taong hindi makauwi.
"Hindi nga dapat normal ang ganito. NAKAKAGALIT. Ilang taon nang paulit-ulit na nangyayari. Kailan ba tayo uunlad?"
Since halos lahat naman daw ng tao ay gumagamit ng social media, sana ay gamitin itong paraan upang mag-research sa mga dapat iboto sa halalan.
"Lahat naman tayo nandito na sa social media. Araw-araw, nakasubsob tayo sa mga cellphone natin.
"Sana gamitin din natin ang access na yan para mag-research, magtanong, at alamin kung sino talaga ang mga karapat-dapat nating iboto sa susunod.
"Hindi yung puro pangako lang. Tingnan niyo kung nasaan tayo ngayon. Hindi ba kayo nagagalit??"
Hindi raw niya dinidikta kung sino ang dapat na iboto, pero sana, huwag makigaya o mamili base lamang sa taglay na apelyido o partido ng kandidato.
"May respeto ako sa mga taong alam at naiintindihan ang plataporma at track record ng pulitikong sinusuportahan nila. Hindi naman kailangang pare-pareho tayo ng iboto.
"Pero sa mga taong ang dahilan ay, 'Hindi ko alam… basta siya,' 'Ka-alyado niya kasi,' o 'Magaling kasi tatay niya…' o kaya 'kaya wag nalang bumoto kasi parepareho lang silang kurakot'"
Ang panawagan niya, "UTANG NA LOOB. GUMISING NA KAYO.
"Hindi sapat ang apelyido, alyansa, o mga pangako. Dapat alam natin kung BAKIT natin sila ibinoboto. Satin din magsisimula ang pagbabago."
Dagdag pa niya sa comments section: "To think na hindi malalang bagyo to. ANO NA!? Ang sakit sa puso na makita mo ang lahat ng pinagpaguran mo, inanod na ng baha."

Bakas ang frustration niya dahil kay bilis makalimot ng mga tao.
"Napaka general ng mga sinabi ko pero ito yung mga basic na DAPAT alam nating lahat. nakakagigil na dapat yata ipaalala araw-araw sa mga tao na dapat alam nila ang rason kung bakit binoboto ang mga yan."

Read: Cinemalaya 2026: Pokwang and Ruby Ruiz tie for Best Actress
VINCE MARISTELA's baha-serye
Hindi grievance ang post ni Vince Maristela.
Bagkus, isa itong video na ipinapakita ang sinapit ng mga motorista sa baha.
Tila ginawa na lang katatawanan ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab housemate ang kanyang baha-serye habang naglalakad sa may Marcos Highway, na lagusan papuntang Marikina mula sa Quezon City.
Aniya: "Mas mabilis maglakad kaysa sumakay sa kotse."
