Trigger Warning: Violence
Natukoy na isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City ang ama ng estudyanteng namaril sa Junior High School campus ng Ateneo de Zamboanga University.
Dalawa ang kumpirmadong patay at siyam ang sinasabing sugatan sa malagim na insidente nitong Martes ng umaga, August 18, 2026.
Kinumpirma ni BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Bendijo na isinailalim sa preventive suspension ang district commander ng Port of Zamboanga Enforcement and Security Services.
Ito ay upang siguruhing magkakaroon ng impartial investigation kung posibleng may pananagutan ito sa ginawa ng menor de edad niyang anak.
Partikular na rito kung ang ginamit na armas ng estudyanteng namaril ay pag-aari ng ama nito, base sa ulat ng GMA News Online.
Sa hiwalay na ulat ni Ted Failon, nakapanayam si Zamboanga City Mayor Khymer Olaso.
Sinabi ng alkalde na napuslit ng estudyante ang rifle at pistol na dala nito pagpasok ng paaralan kaninang umaga.
Ang mga nasabing armas ang ginamit ng shooter sa pamamaril sa mga estudyanteng nasa loob ng dalawang classroom na pinuntahan nito.
Kasama sa mga sugatan ang isang guro na una nitong pinaputukan sa unang classroom na pinuntahan ng shooter.
Read: Ateneo de Zamboanga confirms two dead in shooting incident
SHOOTER IN ATENEO DE ZAMBOANGA ALSO DEAD
Binanggit din ng alkalde na kabilang sa dalawang pumanaw na estudyante ang mismong suspek.
Sa hiwalay na ulat ni Queenie Castillo sa ANC, sinabing ang labi ng unang estudyanteng nasawi ay natagpuan sa Grade 7 classroom sa fourth floor, habang ang shooter ay natagpuang patay sa 5th floor hallway ng JHS building.
Na-secure daw ng pulisya ang bag ng shooter na may lamang magazine na loaded ng bala.
Bandang 7:50 A.M. unang narinig ang putok ng baril.
Karamihan sa mga estudyante ay inakay sa gym ng paaralan kunsaan naghintay sila hanggang sa masundo ng mga magulang.
Bandang 9:30 A.M. ay marami na raw estudyanteng na-pick up na ng mga magulang.
Sa isa pang ulat kay Mayor Olaso sa ANC, nabanggit niyang top student ang shooter, pero may espekulasyon daw na nagsasabing isa itong "fanatic" ng kilalang online game sa mga kabataan.
Hinala rin ng alkalde, nakuha ng shooter ang armas na dala nito sa bahay.
Read: Actor-pastor Edward Barber reveals he’s now engaged
ATENEO DE ZAMBOANGA saddened by tragic incident
Samantala, naghayag ng lubos na pagdadalamhati si Ateneo de Zamboanga University President Fr. Guillrey Anthony “Ernald” Andal sa pagpanaw ng dalawang estudyante.
Aniya, mabilis na rumesponde ang school officials para puntahan ang pinangyarihan ng insidente at tulungang ma-evacuate ang mga mag-aaral.
Nabanggit din niyang sumasailalim ang kanilang unibersidad sa security simulation exercises para maging handa sa anumang posibleng safety concerns.
Kaya lalo raw nilang ikinalungkot ang nangyaring trahedya.
Sinabi rin ni Fr. Andal na nakahanda ang paaralan na magbigay ng assistance para sa counseling sa mga mag-aaral na na-trauma sa insidente.
Humingi rin siya ng panalangin para sa students, families, personnel, at buong komunidad ng kanilang unibersidad.
Samantala, suspendido ang klase sa Ateneo de Zamboanga hanggang bukas.
Patuloy rin daw nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng unibersidad sa mga awtoridad para sa ongoing investigation sa insidente.
