PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DepEd warns against sharing Ateneo de Zamboanga shooting footage

Ateneo de Zamboanga shooting draws international media coverage.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
ateneo de zamboanga
The tragic shooting at Ateneo de Zamboanga University has made headlines beyond the Philippines, with major international news organizations including BBC, CNN, The Guardian, The New York Times, Al Jazeera, Reuters, and AP reporting on the incident.

Trigger Warning: Violence, mass shooting

Malaking balita sa Pilipinas at maging sa ibang bansa ang naganap na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University sa Santa Maria, Zamboanga City, nitong Martes, Agosto 18, 2026.

Dalawang katao ang nasawi at may iba pang nasugatan sa insidente.

Naka-livestream din sa Facebook ang pangyayari dahil gumamit ng body camera ang estudyanteng shooter kaya marami ang nakapanood nito.

“Heartbreaking” ang pagsasalarawan ng Mirror, ang pahayagan sa United Kingdom, tungkol sa trahedya na nangyari nitong Martes, Agosto 18, 2026.

Ang Mirror, South China Morning Post, The Washington Times, ABC News, The Guardian, CNN, NBC News, The New York Times, Aljazeera, BBC, at New York Post ang ilan sa mga news outlet sa buong mundo na nag-ulat tungkol sa nakababahalang insidente.

school shooting international coverage
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ateneo de Zamboanga University confirms two dead in shooting incident

DepARTMENT OF EdUCATION Urges Netizens Not to Share Video of Tragic Incident

Nanawagan naman ang Department of Education (DepEd) sa media, vloggers, content creators, at publiko na huwag mag-post, mag-share, o magpalaganap ng mga video, larawan, at iba pang sensitibong materyal na nagpapakita ng insidente o mga pangyayari pagkatapos nito.

Sa pahayag na ibinahagi ng GMA News, binigyang-diin ng DepEd na maaaring lalo lamang madagdagan ang trauma ng mga direktang naapektuhan kapag patuloy na ipinapakalat ang naturang footage.

Kabilang dito ang mga pamilya ng mga biktima, mga estudyante, school personnel, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga.

“The circulation of such material may further compound the trauma of those directly affected and cause additional distress to their loved ones.”

Hiniling din ng ahensya na hayaang maisagawa ng mga awtoridad ang kanilang imbestigasyon nang walang panghihimasok.

Pinayuhan ang publiko na umasa lamang sa verified information mula sa mga opisyal na source, sa halip na sa mga hindi kumpirmadong post sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Let us choose compassion over clicks.”

Ayon sa DepEd, dapat maging prayoridad ang kaligtasan, dignidad, at paghilom ng school community na naapektuhan ng trahedya.

News5, One News CALL FOR RESPONSIBLE JOURNALISM

Naglabas din ng pahayag ang News5 at One News tungkol sa paraan ng pagbabalita sa mass shooting.

Hinimok ng dalawang media organization ang kanilang mga kasamahan sa industriya na maging maingat sa pagbibigay ng detalye tungkol sa insidente.

Ayon sa kanila, dapat tratuhin ang mass shooting nang may kaparehong pag-iingat na ginagamit sa pagbabalita tungkol sa suicide dahil maaaring may posibilidad na gayahin ng iba ang ganitong uri ng karahasan.

Saad nila: “Itinuturing ng World Health Organization ang suicide bilang isang social concern dahil ang pagbabalita ng ganitong karahasan ay maaaring gayahin ng iba.”

Dahil dito, naniniwala ang News5 at One News na hindi dapat maging detalyado at paulit-ulit ang coverage sa naturang insidente.

“Bilang isang responsableng media organization, kami po ay naniniwalang hindi dapat bigyan ng detalyado at paulit-ulit na pag-uulat ang ganitong pag-atake.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nanawagan din ang News5 at One News sa mga awtoridad na magsagawa ng malalim na imbestigasyon, tiyaking makakamit ng mga biktima ang hustisya, at gumawa ng mga hakbang upang maiwasang maulit ang ganitong trahedya.

Read: Father of Ateneo de Zamboanga shooter suspended by BOC

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The tragic shooting at Ateneo de Zamboanga University has made headlines beyond the Philippines, with major international news organizations including BBC, CNN, The Guardian, The New York Times, Al Jazeera, Reuters, and AP reporting on the incident.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results