PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teachers hit back at Claire Castro after deadly Ateneo shooting

ACT to Claire Castro: "Hindi guro ang ugat ng karahasan."
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
claire castro on teachers
The Alliance of Concerned Teachers (ACT) NCR Union has pushed back against Palace Press Officer Claire Castro’s (in photo) remarks about teachers following the deadly Ateneo de Zamboanga shooting: "Hindi guro ang ugat ng karahasang ito at hindi kami dapat gawing scapegoat sa kabiguan ng sistema."
PHOTO/S: Atty. Claire Castro Facebook

Trigger Warning: School violence

Pumalag ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) NCR Union at iba pang guro sa buong bansa sa pahayag ni Malacañang Palace Press Officer Atty. Claire Castro kaugnay ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University Grade School sa Santa Maria, Zamboanga City.

Naganap ang malagim na insidente noong Martes, Agosto 18, 2026, na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng iba pa.

Sa kanyang pahayag tungkol sa pangyayari, binigyang-diin ni Castro ang kahalagahan ng paggabay sa mga kabataan hindi lamang ng kanilang mga magulang kundi maging ng paaralan.

Gayunman, isang bahagi ng kanyang pahayag ang umani ng batikos mula sa mga guro.

CLAIRE CASTRO: “MINSAN ANG MGA GURO ANG NAGTUTURO...”

Ayon kay Castro, kailangan ding maging bahagi ng solusyon ang mga paaralan sa paggabay sa mga kabataan.

Kabuuan ng kanyang pahayag: “Although ito po ay pribadong paaralan, pribado man o pampublikong paaralan, nandiyan pa rin po ang pag-uutos ng ating Pangulo na dapat na ang pagpoprotekta sa ating mga kababayan, lalung-lalo na sa mga kabataan, ay dapat paigtingin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At ang isa sa mga nakikita rin dito na solusyon ay dapat na ang mga kabataan natin ay nagagabayan, hindi lamang ng kanilang mga magulang kung hindi sa kanilang mismong paaralan.

“Minsan na po nating nakita mismo ang ibang mga guro ay lumalabag sa ganitong klase ng moralidad.

"Sila minsan ang nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung papaano maging walang modo, lalung-lalo na sa mga nakatatanda or sa mga ibang tao,

“Panahon na po, hindi lamang po ang gobyerno, lahat po tayo, especially pag nasa school, kayo po ang magsilbing pangalawang guro sa ating mga kabataan.

“At sana, sana lang, ay matupad ang ating kahilingan na maiwasan na rin po sana sa social media ang mga kapwa natin Pilipino na nagbabanta ng buhay ng karamihan sa atin kapag hindi sila sumasang-ayon ng iba nating mga kababayan.”

Read: Ateneo de Zamboanga University confirms two dead in shooting incident

ACT NCR UNION: “HINDI GURO ANG UGAT NG KARAHASANG ITO”

Hindi naging maganda para sa ACT NCR Union at iba pang guro ang naturang pahayag ni Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtanong ang mga miyembro at opisyal ng grupo: “Bakit parang kasalanan namin?”

Dahil dito, naglabas ang ACT NCR Union ng pahayag bilang tugon sa umano'y hindi makatarungang paglalagay ng sisi sa mga guro.

Ipinahayag ng grupo ang kanilang pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, sa mga nasugatan, at sa buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University.

“Nakikiramay ang ACT NCR Union sa pamilya ng nasawi, sa mga nasugatan, at sa buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University.

"Sa panahong dapat ay ligtas ang paaralan para sa pagkatuto at paghubog ng kabataan, isang panibagong insidente ng pamamaril na naman ang nagdulot ng takot at karahasan," anila.

Binigyang-diin ng grupo na hindi sapat ang pagkondena lamang matapos ang isang trahedya. Para sa ACT NCR Union, kailangang tukuyin ang mga ugat ng karahasan upang maiwasan ang pag-ulit nito.

“Sa harap ng sunod-sunod na insidente ng pamamaril, hindi sapat ang pagkondena pagkatapos ng trahedya. Kailangang ugatin ang tunay na problema.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung paulit-ulit na lamang tayong magluluksa, magtuturo ng isang salarin, at maghihintay sa susunod na insidente, hindi natin tunay na natutugunan ang krisis."

Mariin ding tinutulan ng grupo ang umano'y pagtatangkang ituro sa mga guro ang pananagutan sa insidente.

“Sa ganitong kalagayan, mariin naming tinututulan ang pagtatangkang ituro ng gobyerno sa mga guro ang sisi.

"Hindi guro ang ugat ng karahasang ito at hindi kami dapat gawing scapegoat sa kabiguan ng sistema," diin ng ACT NCR Union.

ACT: TEACHERS ARE ON THE FRONT LINES OF EDUCATION

Ipinaalala rin ng ACT NCR Union ang kalagayan ng mga guro na araw-araw na gumagabay at nagtuturo sa mga estudyante.

“Ang mga guro ang nasa frontline ng edukasyon.

"Araw-araw na gumagabay, nakikinig, nagtuturo, at nag-aaruga sa mga mag-aaral, kahit madalas ay kapos sa tauhan, pasilidad, learning materials, psychosocial support, at iba pang kinakailangang resources."

Binanggit din ng grupo ang mabigat na workload at kakulangan umano sa sahod ng mga guro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad nila: “Ginagampanan ito ng mga guro sa kabila ng overworked na kalagayan at kapos na sweldo.

"Sa halip na sisihin ang mga guro, dapat kaming bigyan ng sapat na suporta upang magampanan ang aming tungkulin sa pagtuturo.

"Higit sa lahat, kailangang seryosong siyasatin ng pamahalaan ang mga kondisyong nagbibigay-daan sa karahasan kagaya ng kahinaan ng mga mekanismo para sa kaligtasan ng mga bata at guro sa paaralan, kakulangan sa mental health at psychosocial services, bullying at iba pang anyo ng karahasan, at mga panlipunang kondisyong nagbubunga ng alienation, galit, at kawalan ng pag-asa para sa kabataan."

Read: DepEd warns against sharing Ateneo de Zamboanga shooting footage

ACT: “KAILANGANG MAGSIMULA RIN ANG HALIMBAWA SA MGA NASA KAPANGYARIHAN”

Para sa grupo, hindi lamang paaralan at mga guro ang dapat tingnan sa usapin ng paghubog ng asal at pag-iwas sa karahasan.

Binigyang-diin ng ACT NCR Union ang pananagutan ng mga nasa kapangyarihan bilang mga huwaran sa lipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pagtalakay sa kultura ng karahasan ay hindi maaaring hiwalay sa kultura ng pananagutan.

"Ang mga halal na pampublikong opisyal, lalo na ang Pangulo at Pangalawang Pangulo, dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ay may obligasyong maging huwaran ng integridad, disiplina, pagalang sa batas, at pananagutan," paalala ng grupo.

Ipinaliwanag ng ACT NCR Union na may epekto sa lipunan, partikular sa kabataan, ang asal ng mga namumuno.

“Ang asal at pamamahala ng mga nasa kapangyarihan ay may impluwensiya sa lipunang kanilang pinamumunuan, laluna sa mga kabataan.

"Kung nais nating hubugin ang kabataang may respeto sa kapwa at sa batas, kailangang magsimula rin ang halimbawa sa mga taong pinagkatiwalaan ng pinakamalaking kapangyarihan."

ACT: “HINDI SA PAGHAHANAP NG PINAKAMADALING SISIHIN”

Sa huli, iginiit ng ACT NCR Union na hindi dapat mauwi sa paghahanap lamang ng masisisi ang pagtugon sa karahasan sa mga paaralan.

Anila: “Sa huli, ang tunay na pagtugon sa karahasan sa paaralan ay hindi nakukuha sa paghahanap ng pinakamadaling sisihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakukuha ito sa pagharap sa mga ugat ng problema, pagpapalakas ng mga institusyon para suportahan ang mga bata at guro, pagtiyak ng pananagutan, at paglalaan ng sapat na suporta para sa mga bata, guro, paaralan at komunidad."

Binigyang-diin ng grupo na dapat manatiling ligtas na espasyo ang mga paaralan para sa mga estudyante.

“Ang paaralan ay dapat maging lugar ng pagkatuto, paghubog ng dignidad, at pag-asa. Hindi lugar kung saan natututo ang kabataan kung paano mabuhay sa takot at karahasan," pahayag ng ACT NCR Union.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Father of Ateneo de Zamboanga shooter suspended by BOC

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Alliance of Concerned Teachers (ACT) NCR Union has pushed back against Palace Press Officer Claire Castro’s (in photo) remarks about teachers following the deadly Ateneo de Zamboanga shooting: "Hindi guro ang ugat ng karahasang ito at hindi kami dapat gawing scapegoat sa kabiguan ng sistema."
PHOTO/S: Atty. Claire Castro Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results