PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joy Belmote responds to student's open letter on class suspension

QC mayor promises to do better when it comes to class suspension.
by Bernie V. Franco
Published 2 hours ago
students flood
Student to Mayor Joy Belmonte: “Hindi po namin hinihingi na magsuspend kayo sa tuwing uulan. We are asking for better judgment, consistency, and consideration.”
PHOTO/S: ABS-CBN News on Facebook

Isang mahabang Facebook post ang ginawa ng isang Quezon City resident na may handle name na Daniel Tawing at nagpakilala bilang "Kuya Dans."

Open letter ito para kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na ipinost noong August 17, 2026.

Malinaw, maayos, at marespeto niyang ipinabatid ang struggles ng mga magulang at estudyante sa tuwing may bagyo o habagat.

Binanggit ng netizen na isa rin siyang estudyante na pang-umaga ang uwian.

Nagsimula ang letter in a positve light. Pinuri niya ang alkalde sa magagandang pagbabago sa siyudad.

Pagkatapos, ipinaalam niya ang saloobin sa delayed class suspension ng Local Government Unit (LGU) ngayong tag-ulan.

Sabi ng netizen, “unpredictable” man ang panahon, sapat na raw dapat ang weather forecasts at warnings na ibinigay ng PAGASA upang makapagdesisyon kung sususpindehin ang klase o hindi.

Sinasalamin ng netizen ang realidad ng maraming mga magulang at estudyante sa ganitong panahon. Karamihan, ang reklamo ay delayed o kaya ay alanganin ang pagsususpinde ng klase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inisa-isa ng netizen ang halaga ng maagap sa pagsuspinde ng klase.

Una, kaligtasan kasi ng mga estudyante ang pinag-uusapan dito.

Pangalawa, dagdag gastos ang pamasaheng nasayang kapag nakapunta na sa eskwelahan ang bata.

“Hindi po para pumasok lang kami nang ilang oras at pagkatapos ay uuwi rin sa gitna ng klase dahil biglang lumala ang panahon," katwiran niya.

Nariyan din daw ang pagsuong sa baha at hirap sa pag-commute kapag maulan.

At hindi lang daw ito inconvenient kundi unsafe rin.

Bagamat may mga payong na ipinamigay ng LGU, hindi raw iyon sapat para harangin ang ulan at di sila mabasa.

At kapag nabasa sila ng ulan, dawit daw pati ang mga gamit sa eskwela na kanilang dala.

Dagdag gatos ulit kapag kailangang palitan dahil nasira.

Nauunawaan naman ng estudyante na hindi madali ang pagdedesisyon kung kelan magsususpinde ng klase dahil maraming factors na dapa ikunsidera.

Nilinaw niyang hindi pabor sa kanya kapag maraming class suspensions, subalit “mas lalong hindi po ako masaya na makitang may mga kapwa estudyante akong basang-basa sa kalsada.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Hindi po namin hinihingi na mag-suspend kayo sa tuwing uulan. We are asking for convenience. We are asking for better judgment, consistency, and consideration.”

Dahil pang-umaga siya at umuuwi rin nang maaga, hiniling ng netizen na ikunsidera rin sana ng sitwasyon nila..

“Huwag po sana tayo masanay sa pagsu-suspend nang alanganin…

“Sana po ay hindi kailangang hintayin na may estudyanteng ma-stranded, maaksidente, magkasakit, o mapahamak bago natin masabing ‘dapat pala mas maaga tayong nagdesisyon…’”

Read: Tips: Three smart ways to grow your money without big capital

MAYOR JOY BELMONTE REsponds

Sinagot ito ni Mayor Joy Belmonte sa pamamagitan ng isang post sa kanyang verified Facebook page nitong Martes ng gabi, August 18, 2026.

Nilagay niya ang screenshots ng open letter ni Tawing.

Humingi ng paumanhin ang alkalde sa sinasapit ng mga estudyante sa tuwing umuulan nang malakas at bumabaha.

Ipinaliwanag niya rin ang decision process ng LGU pagdating sa class suspension.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ginawa niyang halimbawa ay ang class suspension sa siyudad noong Lunes, August 17.

Aniya (published as is): “At 4 AM, when the decision had to be made for morning classes, there was no Yellow rainfall warning for Metro Manila. Our sensors across the city recorded generally light rain during the students’ travel window.”

Ang yellow warning ay tumutukoy sa light to moderate rain.

Pagpapatuloy ni Belmonte: “Ang sabi ng forecast, later in the day pa darating ang ulan. This was projected to be occasional light to moderate rains. At that point, inaasahang nakauwi na ang mga estudyante mula sa morning shift.”

Subalit mas maaga raw bumagsak ang ulan at bumuhos ito pagsapit ng tanghali na tumaon sa uwian ng mga pang-umaga.

Paliwanag niya, "We did not anticipate that timing. Given how unpredictable weather patterns have become, our projection was not able to capture that.”

Kasunod ng yellow warning, nag-isyu raw sila ng class suspension para sa mga panghapon ang klase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Unfortunately, hindi natin naagapan ang sitwasyon para sa mga estudyanteng pumasok ng umaga,” pag-amin niya.

“Once we see how the weather actually unfolded, it is only natural to look back and ask what could have been done differently,” ani Mayor Joy.

“But at the time when decisions must be made, we needed to operate with the forecasts, warnings, and conditions available at that time.”

Binanggit niyang unpredictable kasi ang weather kaya ang mga forecasts ay hindi eksakto, tulad na lang ng nangyari noong Martes na ang advisory ay uulan nang malakas pero umambon lang sa Quezon City.

“This experience reinforced the truth that weather has become increasingly difficult to predict.”

Hindi raw binabalewala ng kanyang LGU ang kaligtasan ng mga estudyante.

Bilang sagot sa panawagan ng estudyante, ani Belmonte, “I have instructed our team to review our protocols, and see where we can adjust accordingly.”

Paniniyak niya, "We will also strengthen our alternative delivery modes, so that class suspensions do not cost our students days of learning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I promise that we will do better.”

At press time, may 27.7 reaction, 709 comments, at halos 5,000 shares ang post.

Marami ang natuwa sa exchange ng estudyante at mayora. Honest at sincere.

Marami rin ang bumilib sa pakikinig ng huli sa panawagan ng maraming Quezon City residents and for "taking accountability."

Read: Electronic notarization is here: What you need to know

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Student to Mayor Joy Belmonte: “Hindi po namin hinihingi na magsuspend kayo sa tuwing uulan. We are asking for better judgment, consistency, and consideration.”
PHOTO/S: ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results