Kung noon ay low-key pa sina Robbie Jaworski at Magui Ford sa kanilang pagsinta sa isa't isa, ngayon ay isinapubliko na ito ng dalaga.
Sa Instagram kahapon, August 18, 2026, ibinahagi ni Magui ang video ng sweet moments nila ni Robbie habang sila ay nasa Hong Kong.
Magka-holding hands pa sila habang namamasyal sa iba-ibang tourist attractions sa Ocean Park, isang kilalang theme park sa lugar.
Pinuntahan nila ang lugar na may cuddly pandas at saka nag-marine life watching sa Grand Aquarium.
Read: Robbie Jaworski clarifies love child rumor: "Joke lang yun."
REACTIONS TO THEIR JOWA REVEAL
Dahil sa pinakita nilang sweetness, marami ang nagkomento na sa wakas ay nakita na rin daw si Robbie sa Instagram feed ni Magui.

Una na rito ang kapatid ni Magui na si Lella Ford na tinawag na "mhie" at "dhie" ang couple.

May kaibigan din si Magui na nagkomento kung puwede raw ba itong mag-third wheel sa kanila ni Robbie.
At sumagot naman ng "always" ang dalaga.

Read: Father of Ateneo de Zamboanga shooter suspended by BOC
MAGui FORD AND ROBBIE JAWORSKI RELATIONSHIP
Hindi kaila sa mga nakakasubaybay sa couple na matagal na silang may espesyal na ugnayan.
As early as September 2025, may nakapansing kasama ni Robbie si Magui sa isang kainan kasama ang mga magulang ng binata na sina Pasig City Vice Mayor Dodot Jaworski at Mikee Cojuangco.
Kasama rin nila noon si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Namataan ding magkasama sina Robbie at Magui bilang guests sa kasal ng isang non-showbiz couple noong January 2026.
Pareho silang bahagi ng roster of stars ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Si Maggie ay nakababatang kapatid ni Daniel Padilla at anak ng aktres na si Karla Estrada.
Read: Manny and Jinkee Pacquiao help daughter Queenie settle in at Chicago university dorm
