PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dina Bonnevie recalls how she survived after split with Vic Sotto

Dina Bonnevie: “It was painful, it was a big blow on me."
by Bernie V. Franco
Published 14 hours ago
Dina Bonnevie
Dina Bonnevie on the hardships she went through when she felt "rejected" in her previous marriage. "Siyempre, yung self-confidence ko parang, ‘Saan ako mali? Pangit ba ako? Tanga ba ako?'" Dina was married to Vic Sotto in the past.
PHOTO/S: House of D via YouTube / Instagram

Inalala ni Dina Bonnevie ang panahon kung paano siya nakabangon matapos ang magwakas ang kanyang kasal noon.

Hindi binanggit ni Dina ang pangalan ng kanyang naging asawa, pero malinaw na nag tinutukoy niya ay ang kasal nila ni Vic Sotto.

Ikinasal sina Dina at Vic noong 1982 at nagkaroon sila ng dalawang anak: sina Danica at Oyo Sotto. Naghiwalay ang mag-asawa noong 1986.

“I’ve been through a lot of rejections, ayan, kapag sa love life, ayan…” pagbabahagi ni Dina sa vlog niya sa kanyang YouTube channel noong August 21, 2026.

“Yung talagang mga masasakit na heartbreak na kulang na lang gusto mo nang tumalon sa bintana,” pagpapatuloy niya.

Usisa ni Dina kailan ba dapat mag-let go ang tao sa isang relasyon?

Read: Dina Bonnevie "starting all over again" after husband's death

DINA’S DECISION TO END MARRIAGE

Nagdetalye si Dina kung kailan siya nagdesisyon na tapusin noon ang kanyang pagsasama.

“In my experience, masakit man sabihin, pero when I decided na, ‘No, I’m not going to take this sitting down. Ayoko na. Aalis na ako, maghihiwalay na kami,’ kasi, kumbaga, ilang beses mo nang tinry, tinry, tinry pero wala talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod daw ng failed relationship ay kinuwestiyon niya kung saan siya nagkamali..

“It was painful, it was a big blow on me. ‘Tapos, siyempre, yung self-confidence ko parang, ‘Saan ako mali? Pangit ba ako? Tanga ba ako? Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako masarap magluto? Bakit?’

“But then, dahil din doon mas nagiging matatag ako, naging stronger person ako, naging mapagpursige ako.”

Sa pagkakataong iyon din daw siya natutong magdasal.

“Aside from depending on myself, I learned to count on God. Para bang, ‘God, you know the design for my life. You know what you have planned for me…’

“Parang I’m not going to stop there. Di porke’t single parent ako, meron akong dalawang maliliit na bata, e, parang this is the end of me. No, tuloy pa rin ako.”

Kung hindi raw niya piniling magpakatatag noon, “Wala na sigurong nangyari sa akin.

“Pero nag-decide akong magpursige: anong meron ako; anong mga talents and skills ko; anong mga pwede kong gawin na mapabuti yung buhay ko, na hindi ako mapariwara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, some people who go through stuff life that or na-reject, kunwari hiniwalayan ng asawa… naglalasing… parang napariwara na rin yung buhay.

“Pero, ako, parang I decided na, ‘No. Di ko gagawin iyon.”

Hindi raw pumayag si Dina na malugmok siya sa naranasang rejection. Pinili raw niya ang sarili.

“So, nag-bloom naman yung career ko.”

Dina Bonnevie, Danica Sotto
Dina Bonnevie explains what she went through when her past marriage ended, while daughter Danica Sotto listens. The episode is from Dina's latest vlog in her YouTube channel, House of D.
Photo/s: House of D via YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DINA’S ADVICE IN TIMES OF REJECTION

Mula sa kanyang personal experience, sinabi ni Dina na madaling panghinaan ng loob kapag hindi pinili ng minamahal mo.

“It eats up on our self-confidence. We think we’re not good enough,” paliwanag ng seasoned actress.

“But a rejection does not define you. It’s an event. It happened. You were rejected.”

Ano ang tumakbo sa isip ni Dina nang magwakas ang kanyang kasal?

“Pero, kasi, ang feeling ko the sooner you get out of that feeling of rejection, feeling lost, feeling alone, na you’re not good enough, [it] is when you begin to accept the truth.

“That, yes, I was rejected, but that’s okay, I’ll move on.

“Kasi hanggang dini-deny mo sa sarili mo na na-reject ka you can never move on.”

Magiging cycle daw ang ganoong sitwasyon at magpapaulit-ulit ang pakiramdam na biktima ka.

Payo ni Dina, “For me, the best thing to do is accept you are rejected. It’s an event. It doesn’t define me. It doesn’t mean to say I’m not good enough. Iba lang siguro ang hinahanap niya. Hindi ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa halip na mag-self-pity, tanggapin ang nangyari at isiping may mas magandang nakalaan para sa iyo.

Sabi ni Dina, “Maybe I’m cut out for something better, or a different line, and not this one.”

Ang isipin daw ay may mas magandang bagay na nakalaan sa kabila ng pagkabigo.

Paliwanag ng aktres, “Kasi, sometimes, di ba, you keep trying and trying and keep trying… bakit hindi mag-open ang door na ito, Lord? Open this door for me.’

“Kasi that’s not the one.”

Pagbibigay pa ng halimbawa ni Dina, matutukoy na hindi pa para sa iyo ang isang bagay kapag hindi ito ibinibigay sa iyo kahit mataimtim mo itong ipinagdasal.

“Kunyari on the day na magpe-present ka, biglang binagyo and all. Nakikita mo na, e, na hindi yan…

“Biglang nagkaroon ng baha, na-flat-an ka pa. Nanakawan ng wallet or something…”

Sinabi niyang “tell-tale signs” ito na mali ang landas na tinatahak.

“Kaya kailangan maging sensitive tayo to have that discernment to hear God’s voice: ito nga ba o hindi? Then that’s when you give up, pero try another thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik ni Dina sa failed relationship, “On that person who rejected you, okay lang quits tayo, hindi ako galit sa iyo.

“But maybe I’m deserved by somebody else, or maybe something better.”

Muling nakahanap ng pag-ibig si Dina kay former Ilocos Sur representative Deogracias Victor "DV" Savellano.

Ikinasal sila noong March 28, 2012. Pumanaw ang pulitiko noong January, 2025, sa edad na 65.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie on the hardships she went through when she felt "rejected" in her previous marriage. "Siyempre, yung self-confidence ko parang, ‘Saan ako mali? Pangit ba ako? Tanga ba ako?'" Dina was married to Vic Sotto in the past.
PHOTO/S: House of D via YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results