PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Director Shugo Praico wants to educate viewers with Drug War

That’s why the six-part series is on YouTube.
by Mark Angelo Ching
Published 4 hours ago
Director Shugo Praico wants to educate viewers with Drug War: A Conspiracy of Silence
Director Shugo Praico (right) says Drug War: A Conspiracy of Silence shows two sides of the story behind brutal realities of drug war. Here he is seen with his stars Miggy Jimenez (left) and Harvey Bautista (center)
PHOTO/S: Rein Entertainment Facebook

Nasa pang-apat na episode na ang Drug War: A Conspiracy of Silence, at masaya ang direktor nito na si Shugo Praico dahil marami ang nanonood nito sa YouTube.

Isa itong crime-action series na tumatalakay sa brutal na mga pangyayari dala ng drug war.

As of press time, lagpas na sa 500,000 views ang unang episode, at ang pangalawa at pangatlong episode ay may more than 300,000 views na.

Ang pang-apat na episode naman, na nag-premiere noong Thursday, August 20, 2026, ay malapit na ring umabot sa 300,000 views.

Ngunit kahit na marami ang nanonood ng serye ay may nagtataka pa rin kung bakit YouTube ang piniling platform ni Direk Shugo at ng film company na Rein Entertainment.

Bakit kaya hindi sa mga mas premium na video streaming platforms tulad ng Netflix o Amazon Prime?

Ito ang tanong ng press sa advance screening ng fourth episode ng palabas noong August 19, 2026, sa isang sinehan sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng direktor, gusto niya at ng mga bumubuo ng pelikula na marami ang maabot ng kuwento ng Drug War: A Conspiracy of Silence, at mas posible ito sa YouTube.

Libre kasi ang manood sa YouTube at hindi kailangan ng subscription fee.

“Para po sa amin sa Rein, yung pinakamaganda sa YouTube as a platform is its accessibility. Very accessible.

"We think this kind of material doesn't need a paywall. That's why we wanted more people to get it, to view it, and to be accessible,” saad ni Direk Shugo.

Hindi rin daw sila nag-aalala sa kikitain ng palabas.

Na-inspire kami sa maraming mga content na nasa YouTube. I think kumikita naman sila.

"I don't wanna go into the details of the numbers and gano'n, but we did our research. If we hit what we want to hit, we'd be able to recover. We’ll make season 2.”

Drug War: A Conspiracy of Silence
Photo/s: Rein Entertainment Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Chanda Atienza arrested in Kuala Lumpur, Lars Pacheco confirms

SHUGO PRAICO ON STARTING A CONVERSATION

Nagustuhan din daw ng direktor na may comment section sa YouTube, dahil kaagad nakakapag-react ang mga manonood.

“Nagkakaroon ng conversation. Isa po yun sa dahilan or objective namin kaya namin binuo itong series is for that conversation to happen.”

Natutuwa raw si Direk Shugo na halos positive ang mga comments. Marami ang pumupuri sa mataas na kalidad ng palabas, at sa magaling na pag-arte ng mga bida tulad nina Ian Veneracion, Jane Oineza, Harvey Bautista, at Romnick Sarmienta.

Pero welcome din sa kanya ang negative comments.

Yung mga hindi naman masyadong magagandang comments, okay lang.

"In fact, yun nga yung gusto namin, e, yung engagement, di ba? At least nabubuksan yung mata nila sa mga hindi nila alam na mga bagay tungkol sa nangyari,” paliwanag ng direktor.

Read: Dina Bonnevie recalls how she survived after split with Vic Sotto

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SHUGO PRAICO: THE SERIES IS NOT TAKING SIDES

Paglilinaw ni Direk Shugo, hindi nila gustong magpakita ng bias.

Pero nilinaw ng mga bumubuo ng serye na ito ay fictional series at hindi kampanya laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nahaharap sa crimes against humanity gawa ng drug war noong panahon ng panunungkulan nito.

Ipinapakita raw sa serye ang panig ng mga kampi at hindi kampi sa drug war.

Paliwanag pa ni Direk Shugo: “Itong series na 'to, hindi 'to namimili ng side. Nagbibigay 'to ng perspektibo ng bawat isa. Kung titingnan natin yung mga characters din doon, like si Jane—si Yana who played Jane—pulis siya.”

Gumaganap si Jane Oineza bilang isang babaeng naging pulis matapos muntik nang ma-rape ng isang adik.

“Makikita natin sa previous episodes kung saan nanggagaling yung paniniwala niya dito sa drug war na kanyang sinusuportahan bilang isang character sa kwento,” saad pa ng direktor.

Importante raw sa kanya na magpakita ng iba’t ibang panig upang maging bukas ang isip ng mga manonood. At alam niya na mas madaling maghatid ng impormasyon kung dadaanin ito sa isang TV show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, “Tayong Pilipino mahilig tayong manood ng drama, teleserye, ganyan. We were conscious of that objective, na maikwento ito, makarating sa tahanan, sa kamalayan ng ordinaryo, yung mga hindi basta-basta.

"Kasi minsan when you talk about this subject matter, may wall na agad, e. May 'Ah hindi, dito yung paniniwala ko diyan. Ah hindi, ito.'

"But maybe pag sinabi nating gusto niyong manood, panoorin niyo 'to, nag-iiba, di ba, medyo nabubuksan yung loob. And when they see characters na nando'n yung pinaniniwalaan nila, mas madali silang makakapit, mas madali silang mapaniwala.

"And those characters, gaya ng napag-usapan kanina, when they talk about the other perspectives, maririnig din nila. So yung mga ganung conversation, and yes, with love, this is why we put it on YouTube, para kahit sino puwedeng makapanood.”

Mapapanood ang Drug War: A Conspiracy of Silence sa YouTube channel ng Rein Entertainment.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Shugo Praico (right) says Drug War: A Conspiracy of Silence shows two sides of the story behind brutal realities of drug war. Here he is seen with his stars Miggy Jimenez (left) and Harvey Bautista (center)
PHOTO/S: Rein Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results