Nagbalik-tanaw si Snooky Serna, 60, tungkol sa away-bating relasyon nila noon ng pumanaw na Regal Films matriarch, si Mother Lily Monteverde.
Isa si Snooky sa pinakatanyag na artista sa bansa noong dekada ‘80.
Isa siya sa mga orihinal na Regal Babies, tawag sa contract stars ng nangungunang film company noon.
Pinasikat sila ni Mother Lily sa mga pelikulang ipinrodyus ng Regal.
Pumanaw si Mother Lily sa edad na 85 noong August 4, 2024.
Read: Mother Lily Monteverde: A lookback at the Regal matriarch's legacy
SNOOKY recalls controversies thrown at her in the past
Sa kanyang YouTube vlog noong August 14, 2026, binalikan ni Snooky ang mga isyung kinasangkutan niya noon.
Isa sa write-ups sa kanya ay ang quote niyang “Ang Christmas wish ko, sana mawala na ang mga taga-tsu-tsu [kay] Mother Lily.”
Lumabas ito sa isang entertainment magazine noong December 1990.
Paliwanag ni Snooky, hindi niya maalala kung sinabi nga niya ang mga katagang iyon.
Posible raw na may sinabi siyang ganoon ang konteksto, pero hindi iyon eksakto ang mga salitang ginamit niya.
Sabi ni Snooky: “As with any successful person, di ba, hindi natin maaalis minsan may nakapaligid na medyo may mga nagpapalakas.
“Pagkakaintindi ko ng tsu-tsu, yung parang nagsusulsol. May mga ganoon pagka, di ba, sa company, minsan talaga sa isang malaking company, yung mga ganyan minsan yung mga nagsusulsol.”
TAMPUHAN WITH MOTHER LILY
Nagsimula ang showbiz career Snooky sa Regal noong 13 years old lamang siya.
Ini-launch siya sa pelikulang Underage kasama sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano noong 1980.
Doon nagsimula ang kasikatan nila.
Tinapos ni Snooky ang kontrata niya sa Regal nang siya ay magpakasal sa aktor na si Ricardo Cepeda noong May 21, 1992.
Twenty-six years old siya noon.
Ibig sabihin, higit 12 years naging contract artist ng Regal si Snooky.
Sa mahabang panahon daw na iyon, away-bati sila ni Mother Lily.
Subalit ang malaking tampuhan daw nila ni Mother Lily ay nang magdesisyon si Snooky na magpakasal.
Saad ng aktres: “Yung tampuhan naman namin ni Mother on-off, on-off naman yan.
"Nagsimula kasi yan nung nag-asawa kasi ako. That was in 1991,
“’Parang yun yung naging malaking sama ng loob sa akin ni Mother, nung nag-asawa ako.
“From that time on, parang yung relationship namin naging ganito, para bang love-hate relationship.”
Nagkaroon ng dalawang anak sina Snooky at Ricardo, subalit nauwi sa hiwalayan ang kanillang pagsasama makalipas ang 12 taon.
Na-annul ang kasal nila noong 2006.
Makalipas ang ilang taon, dumating daw ang araw na nagkapatawaran sila ni Mother Lily.
Pagbabahagi ni Snooky: “I’m just thankful na towards the end, itong may edad na tayo, ‘no, si Mother Lily and I had a chance to have a good conversation, yung parang nagkaroon kami ng parang closure.
“And I’m just thankful na nagkaroon ako ng chance to say thank you to her and to even say sorry to her sa kung ano man yung nagawa kong sama ng loob kay Mother.”
Read: Dina Bonnevie recalls how she survived after breakup with Vic Sotto

FOND MEMORIES WITH REGAL
“I practically grew up with Regal,” pahayag ni Snooky.
Napakarami raw niyang magagandang alaala bilang contract artist ng film production outfit.
Inalala niya ang kanilang launching movie na Underage.
“Wala pa kaming mga sasakyan noon. Sumasakay kami noon sa Ford Fiera ni Mother Lily. Pula pa yon, e.”
Mula raw sa hotel kung saan sila namamalagi, sasakay sila sa Ford Fiera papuntang shooting location sa isang malaking mansion sa Sariaya, Quezon.
Kadalasan daw ay nakasakay sa passenger’s seat si Snooky, habang nasa backseat sina Dina at Maricel.
Lahad niya: “At one instance noon, sabi ko, out of the blue, gusto kong sumakay sa likod.
“Akalain niyo ba naman na siguro a few minutes away, a few meters away from our hotel, biglang may nambato ng bato…”
Ang tinamaan daw sa ulo na umupo sa harap ay si Maricel, kaya dinala ito sa emergency room.
Dahil dito ay na-pack up ang shooting.
Mabuti na lang at naagapan at walang masamang nangyari kay Maricel.
Hindi rin daw niya makalimutan na nagkaroon ng sunog at gulo sa isang room sa hotel.
"Doon sa same hotel na iyon nagising kami to a sunog. Nasunugan kami ng kuwarto.
"And then that same evening also, si Dina rin, narinig namin na may commotion sa room niya."
Hindi na nagdagdag pa ng detalye si Snooky.
Iyon din daw ang panahong nagkaroon siya ng matinding crush kay Gabby Concepcion, na kasama rin sa pelikulang Underage.
Read: Who is Mother Lily Monteverde?
UNFORGETABBLE GOOD MEMORIES WITH MOTHER LILY
Sa lamay ni Mother Lily noong August 2024, nakapanayam si Snooky ng press, kabilang ang PEP. Tinanong siya sa fondest memories niya kay Mother Lily.
Sagot niya, “Nung time na I went into a deep depression, ‘tapos nagloka-lokahan ako at that time, because I just had a breakup, a bad breakup with Albert Martinez…”
Sa loob daw ng isang taon ay hindi nagtrabaho nang maayos si Snooky.
“And then si Mother, talagang almost every day, without any exaggeration, nasa labas siya ng sala [ng] room ko, nasa sala area namin siya…
“Minsan natutulog na si Mother doon just for me to snap out of my depression.
“For one year yon, nagdadala sila ng food, sila ni Inday Badiday, yun, hindi ko makakalimutan yon.”
Inaalok pa raw siya noon ng late producer na magpunta sa U.S. o mag-Hong Kong para makalimot sa breakup.
Naniniwala si Snooky na ginawang kasangkapan ng Panginoon si Mother Lily para maka-survive siya sa depression, na inakala raw niyang hindi niya malalampasan.
“Kasi, di ba, when you’re young and you’re in love, first heartache mo, first heartbreak mo, parang feeling mo yun na ang katapusan ng mundo mo,” sabi ng aktres.
Si Mother Lily raw ang nagpalakas sa loob niya para lumaban.
Ang producer din daw ang nagbibigay ng payo kay Snooky noon na ayusin ang kanyang trabaho.
“Pinagagalitan niya ako nung bata ako, when I was being… I’m sorry to say, when I was being a bit unprofessional.
“Ang tinuro sa akin ni Mother na, ‘Mahalin mo trabaho mo, maging professional ka sa ginagawa mo, and it will love you back.’”

Hindi raw marami ang nakakaalam na si Mother Lily ang founder ng Regal Charismatic Community noon, at maraming mga kapwa artista ni Snooky sa Regal ang naging bahagi nito para sa kanilang Christian community.
Natulungan daw nito si Snooky sa kanyang spiritual life.
Read: Julie Anne San Jose on Vanessa Rangadhol’s death: “Sana panaginip lang lahat ng ito.”
