PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Reyes clueless about National Artists announcement

Joey Reyes shares updates on upcoming musical Katy, his new musical Stardoom.
by Jerry Olea
Published 4 hours ago
joey reyes national artist
Film Development Council of the Philippines Chairman Jose Javier Reyes admits he does not know when the new National Artists will finally be announced, despite the original April 2026 target.
PHOTO/S: Jerry Olea

Noong Abril 2026 pa dapat ia-announce kung sinu-sino ang bagong National Artists.

Inihanda na noon pa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang poster ng pelikula ng napapabalitang bagong National Artist for Film and Broadcast Arts para isabit sa hallway ng Cinematheque Centre sa Intramuros, Manila.

So, kailan na ang announcement?

“Hindi namin alam,” sambit ni FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes sa mediacon ng Philippine Film Industry Month (PFIM) 2026 noong Agosto 24, 2026 sa Cinematheque Centre Manila.

“Tinawagan ko na rin ang CCP [Cultural Center of the Philippines]. Tinawagan ko ang NCCA [National Commission for Culture and the Arts].

“Dahil kasi maghahanda kami — kung sino man ang i-announce — ng isang presentation for the National Artist. Ewan ko kung bakit wala pang ina-announce.

“Dyusko, akala ko, June 12, ia-announce, e. Hindi rin na-announce. So, ewan ko, baka Pamaskong handog.”

PINSAN NG CINEMALAYA

Isiniwalat ni Direk Laurice Guillen sa closing ceremony ng Cinemalaya 22: Reel Reflections noong Agosto 17, Lunes, sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City na ang Film Academy of the Philippines (FAP) at FDCP ang nagbigay ng panimulang pondo para makapag-call for entries na ang Cinemalaya 2027.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Direk Laurice ang presidente ng Cinemalaya Foundation, Inc.

Sabi ni Direk Laurice, ang mga “pinsan” ng Cinemalaya na FAP at FDCP ang nagbigay ng tulong para sa 23rd edition ng nasabing indie filmfest.

Tumango si Direk Joey: “Actually. Kasi, hindi ko naman mabe-blame ang CCP. Kasi, noong ni-remodel nila ang CCP, nag-budget sila.

“E pucha! Nung binungkal, lumaki nang lumaki [ang cost]! Wala pa palang 50 percent yung in-allocate nila!

“Nung binungkal yung orchestra pit ng Little Theater… bumulwak, tubig!”

Noong 1969 binuksan ang CCP. Isinara ito umpisa Enero 1, 2023 para magkaroon ng extensive rehabilitation sa unang pagkakataon.

Ano pa ba ang ie-expect mo?

“Kaya nga!” bulalas ni Direk Joey.

“Saan ka nakakita doon, nung nasa restroom ako ng lalaki, akala ko, may pusa. Yun pala, daga!

“Akala ko talaga, pusa. ‘Bakit may pusa dito?’ Tapos nakita ko yung buntot. Sabi ko, ‘Bakit ganyan ang buntot? Walang balahibo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyun pala, juga! E, pag jumijihi ka, tapos may juga, hindi ka naman puwedeng jumakbo.

“And when they opened the orchestra pit naman of the Main Theater, there was a barangay daga right under.

“Na talaga raw… DAGA!!!”

Read: Cinemalaya 2027 pushes through as FAP, FDCP step in for funding

SINO SI KATY?

Pino-post ng CCP sa kanilang Facebook page ang updates, milestones, at progress reports sa CCP Tanghalang Pambansa rehabilitation project.

Recently ay ibinalita nila ang before-and-after views ng Bulwagang Fernando Amorsolo (CCP Small Gallery) sa ikaapat na palapag ng CCP Main Building.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tuloy ba sa Abril 2027 ang reopening ng CCP sa pamamagitan ng pagre-restage ng musical na Katy?

Napabuntong-hiniga si Direk Joey: “Katy was supposed to be one of the opening programs of the Main Theater. Supposed to be, April.

“Nung pinaano namin iung timeline, kasi yung rehearsal, di ba? Sabi, ‘Baka May. Baka June [ang reopening ng CCP].’

“Ano ba iyang p*ny*t*ng iyan?! Ano ba talaga?! Kasi hindi mo alam yung damage, e.

“Nagbabagsakan yung mga slabs! Nagbabagsakan. Baka mamaya, ronda-ronda ka roon, lamye-lamyerda ka, biglang PUKKK?!?!!!”

So, malabo na Abril 2027 mag-reopen ang CCP.

Ano ang puwede niyang ichika tungkol sa Katy?

Napangiti si Direk Joey: “Well, masaya. Masaya because there are four new songs. Ni-revise ko. Ang magdidirek, na-identify na.

“Masaya kami dun sa magdidirek. Jugets. Taga-UP, OK.”

May nabawas na kanta?

“May in-edit, may mga ano, pero nagdagdag ako ng mga kanta na I think mas cinematic. Kaya ang ending ko ngayon, lahat yung Katy, magsasama-sama,” tugon ni Direk Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang problema, sino si Katy? Hinahanap namin kung sino ang lalabas na Katy.

“Ang hirap kasi ng mga kanta. Siguro doon sa apat na mga bagong kanta, for Katy. So, kailangan grabe ang ano.

“E, hindi naman yan katulad na… wala namang Superwoman katulad ni Eugene Domingo na 60 performances, siya lang.

“Isa lang daw ang gusto nilang Katy. Ewan ko kung magkaka-understudy, kung mag-a-alternate sila. Pero mahirap.”

STARDOOM

Excited na ibinalita ni Direk Joey, “Dahil hindi ako makagawa ng pelikula, ni hindi ako makabenta ng script ng pelikula, may bago akong musical na sinusulat.

“Ang title, Stardoom.”

Base ba ito sa 1971 film ni National Artist Lino Brocka na Stardoom kung saan bida si Walter Navarro?

Tampok din sa pelikulang Stardoom sina Lolita Rodriguez, Eddie Garcia, Hilda Koronel, Lotis Key, Caridad Sanchez, Tita Muñoz, Jimmy Morato, Mary Walter, Ruben Rustia, at Mario O’Hara.

stardoom poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Loosely based,” pag-amin ni Direk Joey.

“But now it’s about a winner of a reality show na artista. How he was manipulated into being somebody who he is not.

“Binigyan siya ng loveteam, na yung ka-loveteam niya, iba ang gusto.”

Meron ding script na pampelikula si Direk Joey.

“Hindi ko naman puwedeng ibenta, hindi ko puwedeng i-produce hanggang 2028 after,” pagtatapat ng multi-awarded writer-director.

“Ang title is Pag-ibig sa Mata ng mga Pangkaraniwang Tao. Tungkol ito sa mga taong nagtatrabaho sa Avenida Rizal na na-in love.

“Tapos they have to make choices in love. Yung lalaki, nagtatrabaho sa kusina ng isang panciteria.

“Tapos yung babae, nagtatrabaho sa ukay-ukay. Siya yung taga-classify ng mga ukay-ukay.”

Bakit Avenida Rizal ng Maynila ang napili niyang setting?

“Gusto ko yung realidad doon, e. Kasi ang ganda! Enjoy ako pag naglalakad ako kahit nung kabataan ko, naholdap ako doon,” sey ni Direk Joey.

“Before the pandemic yung story. Mga 2017. Gusto ko, ako ang magdirek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ako ang magdidirek, gusto ko ang girl, si Jorrybell Agoto.”

Si Jorrybell ang bida sa pelikulang Filipiñana, na closing film ng nakaraang Cinemalaya. Ipapalabas ang Filipiñana sa mga sinehan umpisa Agosto 26.

Read: Shirley Kuan says Bea Alonzo "never defended me" amid wedding issue

PRAISES FOR ASHLEY LOPEZ

Kabilang sa VMX (dating Vivamax) projects ni Direk Joey ang mga pelikulang Secrets, Patikim-Tikim, Karinyo Brutal, at Tag-init, ang limited series na An/Na, at ang anthology na Secret Campus.

Yung Pag-ibig sa Mata ng mga Pangkaraniwang Tao, hindi pam-VMX?

Mabining saad ni Direk Joey, na-outgrow na niya ang pagdidirek sa nasabing erotikong streaming platform.

“Nag-evolve na ako,” mahinay na pagmamatwid ni Direk Joey.

“Kasi na-realize ko na it’s time, para akong Janelle Tee — ayoko na.”

Si Janelle ang bida sa four-episode An/Na (2022), pati sa pelikulang Secrets.

Speaking of VMX, kabilang ang VMX stars na sina Ashley Lopez at VR Relosa sa 20 talents na sumailalim sa sampung araw na The Masters Series: FDCP Acting Workshop for Filipino Talents 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mentors doon sina Laurice Guillen, Joel Lamangan, at Direk Joey.

Ginanap ang acting workshop noong Hulyo 7-16 sa Ibis Styles, Cubao, Quezon City.

ashley lopez fdcp workshop
Ashley Lopez
Photo/s: FDCP Facebook

Papuri ni Direk Joey, “Magaling si Ashley. Ang galing niya! Ang galing niya sa workshop.

“She was one of the best. So, sinabi ko sa kanya. Nung nakita ko siya, sabi ko, ‘Alam mo, ang galing mo. Sana, bigyan ka ng role na mapapakita ang kakayahan mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Umiyak ang baklah!”

Kabilang sa VMX movies ni Ashley ang Bayo, Maninilip, Tayuan 2, Malagkit, Sugar Mommy, Sagaran, Kirot, Happy Ending, 69, at L3: Lipad.

Dagdag ni Direk Joey, “Kasi si VR Relosa, alam mo nang mahusay, seasoned na yan, e. Pero ang galing ni Ashley!”

Read: Philippine Film Industry Month 2026 celebrates 50 years of cinema

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Film Development Council of the Philippines Chairman Jose Javier Reyes admits he does not know when the new National Artists will finally be announced, despite the original April 2026 target.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results