Ilang beses idiniin ng veteran talent manager na si Shirley Kuan na wala siyang kinalaman sa prenup agreement ng mag-asawang Bea Alonzo at Vincent Co.
Mainit na pinag-usapan noong Mayo 2026 ang nakanselang wedding ng couple sa Spain.
At isa sa itinuturong dahilan ng pagkaudlot nito, base sa multiple sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ay ang kontrobersiya kaugnay ng prenup.
Ang prenup ay isang legal na kasulatang nagtatalaga ng mga kondisyon para sa pagsasama ng ikakasal.
Maraming espekulasyong lumabas noon sa stipulations sa sinasabing prenup.
Sa panayam kay Shirley ng piling entertainment editors at reporters kahapon, August 24, nilinaw niyang wala siyang ambag sa prenup ng mag-asawang Bea at Vincent.
"I have no idea about the prenup. Ni anino, ni one sentence of that prenup hindi ko nakita," mariing sabi ng beteranang talent manager.
Sabay sabi rin niya, "I know there's going to be a prenup. Pero hindi ako nagmahadera na, 'Asan na yung prenup?' I didnt ask about it.
"Nalaman ko na lang nagpirmahan na... when I was in L.A. So, wala talaga akong alam. I was not here."
Nang tanungin ng PEP kung may inirekomenda siyang stipulation sa prenup para pangalagaan si Bea, tumanggi ulit si Shirley.
Paliwanag niya: "Kasi usually ang tanong na yan, sa lawyer. Kasi lawyer to lawyer na.
"But, at one point, we sat down with Bea, her mom, the lawyer, the dad. Wala pa talagang prenup pa.
"I said, 'Aalis na ako ha? Hindi na ako kasali diyan.' I was leaving na for L.A. [Los Angeles] na, e. From L.A., I was flying na to Madrid. Bitbit ko na lahat."
Hindi raw para isali ni Shirley ang sarili niya sa prenup na pribadong usapin sa pagitan ng couple.
"Ang sinabi ko lang sa lawyer, 'Attorney, kung meron kang input diyan, just make sure it's within the bounds of the law.
"Yun lang. Masama ba yun? Pakikialam ba yun?
"May naririnig ako isinasali ko raw yung sarili ko sa prenup, na kailangan may commission daw ako.
"Wow! Is that ever done? I dunno! How idiotic is that?" dire-diretsong bulalas ni Shirley.
Read: Shirley Kuan says Bea "never defended me" amid wedding issue
SHIRLEY KUAN ON SUPPORTING BEA-VINCENT RELATIONSHIP
Paglilinaw pa ni Shirley, simula't sapul ay hindi raw niya pinakialaman ang relasyon ni Bea kay Vincent.
Siya raw ang tipo ng talent manager na hindi ugaling makibalita sa romantic relationships ng kanyang alaga.
Saad niya: "Hindi nga kami ka-chika. Lumayo nga ako, e.
"I don't want to know any of her stories because pag may lumabas na naman sa media, ako na naman ang may kasalanan.
"So I really kept my distance. I'm not even calling her, 'Uy, anong chika? Uy, ano na ang balita sa inyong dalawa? Nagkakaigihan na kayo?'
"Never. Never. I never did that."
Basta ang sa kanya raw ay gusto niyang lumagay sa tahimik ang alagang aktres.
"Gusto ko talaga magkatuluyan sila. So why are they telling people ako ang nagpa-cancel?" naghihimutok na sabi ni Shirley.
Ang tinutukoy ng talent manager ay ang paninisi sa kanya ng ibang tao na siya ang dahilan kaya naudlot ang kasal nina Bea at Vincent sa Spain noong Mayo.
Ayon kay Shirley, may kaugnayan sa nakanselang wedding ng couple ang nakarating sa kanyang impormasyon na may taong gustong manira sa reputasyon niya.
"Sabi ko, 'Bea, if the reason is the text that you asked me a favor to send. You know the truth. Inutusan mo ako, di ba?' She said, 'Yes.'
"'Again, I am explaining to you na nilagay ko yung pangalan mo kasi ayoko maging katawa-tawa yung cancellation ng wedding mo. It has to be taken with respect and sincerity.'
"So I took the risk. Alam ko naman, lahat ng text, kumakalat. I knowingly took the risk for her."
Iyon lang daw ang naiisip niyang isa sa posibleng dahilan kung bakit may taong nag-utos sa isang kaibigang talent manager na awayin siya.
Kaugnay pa rin ito ng paglantad ni Shirley sa publiko tungkol sa pagku-quit niya bilang talent manager ni Bea simula noong August 11.
Wala raw sana talaga siyang balak isapubliko ito.
Pero napilitan daw siya matapos malaman noong August 21 na may taong gustong manira sa kanya.
Nalaman daw niya ito sa kaibigang talent manager na inutusan umanong awayin sana siya.
Ito ang inaalmahan ni Shirley dahil wala raw siyang masamang tinapay pagdating sa pag-iibigan nina Bea at Vincent.
Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
SHIRLEY KUAN ON MEETING VINCENT CO
Nang kumustahin ng press ang dynamics ni Shirley sa husband ni Bea na si Vincent Co, sinabi ni Shirley na may ilang okasyong nagkasama sila.
"The first time I met him was a Bash launch in Rockwell. That's like palabas na siya, papasok ako," aniya.
Kaswal daw na ipinakilala sa kanya ni Bea si Vincent noon.
"They're not boyfriend-girlfriend [yet]. He was just an invited guest at that time," dagdag ni Shirley.
Sabi pa niya: "Then the next time, another Bash launch in One Space.
"Then I had a birthday dinner with all my artists. I invited Bea and I invited Vincent as well, because Vincent helped me book the restaurant."
May isa pa raw okasyon noong May 2025 na inimbitahan siya ni Vincent na sumama sa dinner nila ni Bea kasama ng iba pa.
Pero hindi naman daw siya palaging kasama ng couple.
Ani Shirley, "I hardly go with them. Bakit naman ako sasali? HIndi naman ako kasali diyan."
Ganunpaman, suportado raw niya ang umusbong na relasyon sa pagitan nina Bea at Vincent.
Bilang manager ng aktres, masaya raw siya nang ma-engage hanggang sa tuluyang makasal ang couple.
Read: Shirley Kuan denies causing Bea Alonzo’s canceled Spain wedding
shirley kuan on BEA AND VINCENT WEDDING
July 13, 2026 naganap ang secret wedding nina Bea at Vincent sa tanggapan ni Mayor Nancy Binay sa Makati City Hall.
Walang kapamilya na imbitado sa parehong panig ng couple, at hindi rin daw imbitado si Shirley.
"The night of that wedding, which I didn't know about, ang dami na nagpapadala sa akin ng blind item.
"So sabi ko, 'Hindi ko alam.' Kasi, totoo, hindi ko talaga alam.
"So the next morning, pinadala ko sa kanya as is, blind item. So, quiet.
"And ako naman, I was so busy that day because, I had to go to a photoshoot of Blythe [Andrea Brillantes] in the National Museum, I think. So, that's the morning.
"Hinati ko yung day ko kasi sa hapon, lilipat ako sa photoshoot naman ni Bea for the Preview and Birchtree [cover shoot]. So, tumawid pa ako."
Hanggang sa si Bea raw mismo ang nagkumpirma kay Shirley na totoong kasal na ang aktres.
Lahad pa ni Shirley: "While I was in the Museum, Bea already called me, and the first thing she told me was, 'It's true.'
"Yun. She admitted it to me.
"But I was in a shoot. Everybody's already talking about it, texting me. I kept quiet.
"Even nung lumipat na ako sa shoot niya, I went to another studio to see her, I kept quiet.
"And nakasalang siya. I couldn't even say hello to her yet.
"Pero while she was there, lumabas na yung kay Nancy Binay [na social media post]. So it's out. So everybody was so happy on the set."
Nang makasiguro si Shirley na naisapubliko na ang kasal ng couple, naisip niyang magkaroon ng impromptu photoshoot bilang souvenir ni Bea as a "blushing bride."
Si Mark Nicdao ang photographer sa cover shoot ng Preview, kaya kinausap daw niya itong kunan ng solo shots si Bea na labas sa work engagement nito noong araw na iyon. Pumayag naman daw si Mark.
Sinabi rin daw niya kay Mark na siguruhing suot ni Bea ang wedding ring nito para sa impromptu shoot.
"So, siyempre nagpaka-manager pa rin ako, di ba? 'Baka mas maganda suot niya yung wedding ring niya.'
"So when tapos na yung shoot, I congratulated her.
"And then I told her, 'Puwede kong makita yung wedding ring mo at saka yung engagement ring mo?'
"'Ah, hindi mo pa ba nakita?' 'Hindi pa.' It was at that shoot after the civil wedding.
"Hindi ako yung atribida na, na alam ko na engaged, pupunta ako sa kanya, 'Patingin ng ano...' I don't do that. I stay in my lane."
Read: Shirley Kuan fires back at "cash cow" claims about Bea Alonzo
ON WANTING BEA ALONZO TO TRANSITION TO FAMILY LIFE
Isa pang ipinunto ni Shirley ay supportive rin daw siya sa pag-transition ni Bea sa pagiging family woman.
"And I keep telling her, 'Sana magkaanak ka na. I need you to settle down,' ganyan-ganyan. And that's what she also wants.
"So I was happy for her, and I was gonna make it really easy for her, an easy process, an easy journey."
Naisip pa raw ni Shirley na tanungin si Bea kung gusto nitong magbawas ng workload para makapokus ito sa personal na buhay.
"So, in fact, nung alam ko nagkakaigihan na sila and all that, meron pa kaming obligation sa GMA. I even volunteered. 'Uh, Bea, gusto mo pang mag-taping?'
"Kasi I want her to have more time for her personal life.
"So ako, sabi ko, 'Gusto mo? Kaya ko namang kausapin ang GMA to pre-terminate your contract. And I'll make sure that walang penalty. May paraan naman, e.'"
Pero desisyon pa rin daw ni Bea na ipagpatuloy ang huling proyekto nito sa GMA-7, ang Whispers From Heaven.
"And hindi siya pumayag because she wants her income," ani Shirley.
Basta inayos daw niya ang schedule ni Bea na M-W-F ay para sa taping ng serye at mayroon din para sa endorsement deals ng aktres.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good
SHIRLEY KUAN THINKS SHE'S BEING USED AS A "SCAPEGOAT"
Para kay Shirley, professional at supportive siya sa alaga.
Kaya nang makarating sa kanya na may taong gustong masira siya, at gusto pa siyang ipaaway sa talent manager na kaibigan niya, na-offend daw talaga siya.
"So why? Why am I being destroyed? I told Bea, 'What satisfaction are they getting by destroying my good name and reputation?'
"For over 30 years in the business, I have not encountered this kind of situation.
"Sobrang pambabastos na sa akin," himutok ni Shirley.
Pero sabi rin ni Shirley, naniwala sa "truth" niya ang kaibigang talent manager na inutusan umanong mang-away sa kanya.
Sino sa tingin ni Shirley ang taong nasa likod ng aniya'y paninira sa kanya?
"Well, she [talent manager] mentioned kung sino, but I'm not gonna mention na lang. But up to now, hindi ko alam," paiwas na sagot ni Shirley sa press.
"Ano bang kasalanan ko? Maybe, may iba siyang alam na may ginawa ako. So why not confront me?"
Hindi kaya may ibang impormasyong nakakarating sa taong gustong manira sa kanya kaya pinag-iinitan siya nito?
"That could be possible. Kasi, if you hear my truth, then probably he's hearing a lie," sagot ni Shirley.
Napaisip din si Shirley nang tanungin kung posibleng siya ay sinet-up para maalis bilang manager ni Bea.
Maya-maya pa ay sabi rin ng beteranang talent manager, "Pero to tell you my gut feel is ako yung fall guy.
"Maybe because, I don't know, they want to project the couple as victims."
Para raw kasi siyang ginagawang "scapegoat" sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng couple.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date
SHIRLEY KUAN ON LAST CONVO WITH BEA ALONZO
Nang tanungin ng PEP kung alam ni Bea ang panig niya sa buong isyu, mabilis na sinabi ni Shirley na ipinaalam niya ito sa aktres.
"Yeah. Sabi niya, 'We both know the truth."
Tinanong pa raw niya si Bea kung may naalala ba itong nagbiro siyang ikansela ang wedding ng aktres at ni Vincent sa Spain noong Mayo.
Sabi raw ni Bea, "No, no, SK. Not at all."
Kaya raw diretso raw niyang tinanong ang aktres, "Why am I the scapegoat?"
"She couldn't answer me. And I even asked, 'What satisfaction are they getting?'
"And I said, 'All my years here, ang linis ko. Wala akong malasadong ginawa. I've always been very professional and above board.
"So I don't know why you are trying to destroy my name."
Pagpapatuloy ni Shirley: "And it's not as if it happened overnight that you can do that. It takes years to do that.
"And just to emphasize, sabi ko, 'Even when I was working in America, I reached the top. I worked for the chairman of the board of a studio there.
"I will tell you, I reached the top and I never had to sleep with anybody. Ganun ako kalinis magtrabaho. Pagdating sa trabaho, I'm very professional."
Kaya raw wala sana talaga siyang balak pag-usapan pa ang pagre-resign niya bilang talent manager ni Bea noong August 11.
Pero sinabi rin daw niya noon kay Bea na isang beses pang kantiin siya ay magsasalita na siya sa publiko.
Iyon na nga raw ang nangyari noong August 21, nang nalaman niyang may gustong manira sa kanya.
"I had to tell the truth na, e. I need to defend na myself from that person. Para wala siyang reason para awayin ako," sabi ni Shirley.
ON BEA ALONZO NOT DEFENDING HER IN THE WEDDING ISSUE
Tinanong din si Shirley kung bakit tila hindi gumawa ng paraan si Bea na itanggi ang mga maling alegasyon sa kanya kaugnay ng naudlot na wedding ng couple.
Nagulat daw kasi siya na usap-usapan iyon sa "Chinese community parties."
Sabi ni Shirley, "Yun ang tanong diyan. And wala din akong sagot.
"Kasi hindi ko naman ibig sabihin, e, punta ka sa media, magpa-interview ka para ilabas na ganun. I don't need that. You can do it privately."
Sa pananalita ni Shirley, tila ipinahihiwatig nitong maaaring kausapin ni Bea ang taong pinupuntirya umano siya.
"When I said, isa pa, she said, 'No, SK, it's not gonna happen again because I will tell them to stop.' Can you interpret that line?"
Kilala ni Bea?
"Kayo, interpretation niyo yun," paiwas na sagot ni Shirley.
Ang malinaw kay Shirley ay sinabi raw sa kanya ni Bea na wala rin itong ideya kung bakit may gustong umaway sa kanya.
"And sabi niya, 'I'm so sorry, SK, na that you are dragged into this.'"
Read: "Unreasonable demands?" Shirley Kuan breaks silence on controversy involving Bea Alonzo
