PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hazel Espinosa reacts to viral The Buzz clash with Sabrina M.

Hazel Espinosa: "Kawawa ako dun."
by Bernie V. Franco
Published A day ago
Hazel Espinosa, Sabrina M.
BARDAGULAN ON NATIONAL TV. Hazel Espinosa (left) speaks out after her old The Buzz confrontation with Sabrina M. (right) resurfaced and went viral. The former sexy star defends herself against remarks about her having a child and opens up about working hard to provide for her family.
PHOTO/S: Hazel Espinosa on TikTok / Jeepney TV on YouTube

Nagsalita ang dating sexy star na si Hazel Espinosa matapos mag-viral kamakailan ang harapan nila noon ni Sabrina M. sa The Buzz, ang now-defunct showbiz talk show sa ABS-CBN.

Hindi tiyak kung anong taon umere ang episode kunsaan nagtarayan ang dalawang sexy stars, pero posibleng early 2000 ito.

Si Sabrina ay dating sexy star na umangat ang career noong 1995 hanggang early 2000.

Mas nauna siya ng ilang taon kay Hazel.

THE VIRAL VIDEO

Nag-viral ang sagutan nina Sabrina at Hazel sa The Buzz matapos itong i-repost sa social media.

Nilagyan ito ng caption kung paano “magbardagulan” ang mga artista bago ang panahon ng social media.

Sa episode na iyon, parehong nasa The Buzz studio ang dalawang sexy star pero magkahiwalay sila.

Si Sabrina ay ininterbyu nina Boy Abunda at Kris Aquino, habang sa kabilang side ay si John "Sweet" Lapus ang nag-interview kay Hazel.

Ang format, magsasagutan ang dalawa ukol sa isyu, habang nagsisilbing mediator sina Boy, Kris, at John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isyu ay tungkol sa PHP140,000 prize money na napanalunan ni Hazel sa dating ABS-CBN noontime show na Magandang Tanghali Bayan (MTB).

Kabilang si Sabrina sa celebrity players na naglaro.

Uminit ang sigalot sa pagitan ng dalawang sexy stars nang hindi magkasundo sa “napag-usapang” hatian sa premyo.

Sa guesting nila sa The Buzz, hindi man diretsahan, harapan ang naging sagutan ng dalawang aktres. Naging personalan ito.

Naungkat din ang dati nilang away.

Tinawag ni Sabrina si Hazel na “bukbok ang mukha.”

May mga patutsada si Hazel kay Sabrina na "laos" na ito. Sinabi rin niyang inaaway ni Sabrina ang lahat ng "bold stars."

Ibinunyag naman ni Sabrina na may anak na si Hazel.

Nagtapos ang interview na hindi nagkaayos ang dalawa.

Hazel Espinosa, Sabrina M. The Buzz
BARDAGULAN ON TV. The past interview of sexy stars Hazel Espinosa (left) and Sabrina M. (center) on The Buzz recently went viral.
Photo/s: Jeepey TV on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Shirley Kuan says Bea Alonzo "never defended me" amid wedding issue

HAZEL ESPINOSA REACTS TO PAST "BARDAGULAN" WITH SABRINA M.

Sa kanyang magkakasunod na videos sa TikTok kamakailan, sinabi ni Hazel na sunud-sunod ang mga natanggap niyang messages ukol sa isyu matapos mag-viral ang lumang video nila ni Sabrina M.

“Matagal na yon, nakalimutan ko na iyon. Okay na yon,” bungad niya.

Pero dahil sa viral video, muli raw niyang naalala ang nangyari.

Sinariwa ng dating sexy star, na ngayon ay may sarili nang aesthetic clinic, ang bangayan nila ni Sabrina.

Dinepensahan niya ang sarili.

“Masasabi ko lang, hindi lang gatas, diaper ang nabili ko sa anak ko.

"Nakatapos din siya ng Nursing, nakapag-aral naman siya sa maayos na school, CSA Makati,” pagtukoy ni Hazel sa Colegio San Agustin.

Ayaw na raw ungkatin pa ni Hazel ang naging isyu nila ni Sabrina, pero nais daw niyang ibahagi ang kanyang karanasan sa interview na iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May mga kapwa tayo babae pala na kayang gawin sa iyo yon, na kahit hindi naman kasama sa isyu na parang, para saan?

“Kailangan mong banggitin dito yung anak ko na walang kinalaman.

“E, ano ngayon kung may anak na ako?” buwelta ni Hazel.

Hazel Espinosa now
"E, ano ngayon kung may anak ako?" Hazel Espinosa reacts to past interview of Sabrina M. who revealed Hazel was with child when she was still a sexy star.
Photo/s: Hazel Espinosa on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Hazel, sexy star na siya bago siya nabuntis. Bumalik siya sa pag-aartista matapos manganak para kumita at buhayin ang kanyang anak.

“Nung time na yon, hindi ko na naisip na ma-sad… ngayon ko nga lang nare-realize na, 'Oo nga ano, kawawa ako dun, ah.'

“Ngayon ko lang naiisip yon. Pero nung time na yon wala akong naiisip kundi magtatrabaho ako.

"Trabaho lang nang trabaho para makaipon ka, mabuhay yung anak ko.”

Kasunod nito ay may panawagan ni Hazel sa mga katulad niyang single moms.

“Huwag lang kayong masisiraan ng loob kapag nangyari sa inyo yung ganoon. Diretso lang, trabaho lang...

"Paghugutan niyo ng lakas yung mga anak niyo.

“’Wag lang kayong titigil, wag lang kayong gagawa ng hindi maganda.

"Mahalin niyo lang ang mga anak niyo, si Lord, ipo-provide talaga kayo," sabi ni Hazel.

Isa pa raw sa mga na-realize niya sa pangyayaring iyon: “’Wag tayong magbibitaw nang tapos sa kapwa natin, na parang nilalagay mo sila, minamaliit mo sila…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang, ‘Heto ka lang, e…’ kasi ipapakita ni Lord sa yo, ‘Huy, hindi eto lang siya.’”

Hindi raw dapat maliitin ang kapwa.

“Kasi ang buhay parang gulong, hangga’t buhay tayo, may pwedeng mangyari sa atin… maganda o pangit, depende sa ginawa natin sa kapwa natin.

"So, yun ang iwasan natin.”

Read: Remember Chef Heny Sison? Where is she now?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BARDAGULAN ON NATIONAL TV. Hazel Espinosa (left) speaks out after her old The Buzz confrontation with Sabrina M. (right) resurfaced and went viral. The former sexy star defends herself against remarks about her having a child and opens up about working hard to provide for her family.
PHOTO/S: Hazel Espinosa on TikTok / Jeepney TV on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results