Sa ginanap na birthday presscon para sa mga September-born Star Magic talents kahapon, September 30, nakatawag-pansin ang tila hindi gaanong pag-uusap nina Robi Domingo at Josef Elizalde. Sina Robi at Josef ay dating housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.
Agad tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robi kung totoo ba ang balitang may alitan nga sila ni Josef dahil sa kanilang mga fans na patuloy na nag-aalaskahan kung kanino ba dapat ipareha si Nicole Uysiuseng. Si Nicole ay ex-housemate din nila sa PBB Teen at kasama sa primetime series na My Girl.
"Mayroon po bang isyu?" ang tanong ng Atenistang kumukuha ngayon ng Health Management Services course sa Ateneo de Manila University bilang freshman.
Although aware daw siya na mga mga fans nga sila ni Nicole na laging nagtatanggol para sila ang maging magkapareha sa mga future shows ng Dos, sinabi ng 19-anyos na binata na nirerespeto niyang nauna talaga ang tambalan nina Josef at Nicole.
"Basta po ako, sumusunod lang sa kung ano ang nandiyang proyekto. Puwede naman po ako kahit kanino i-pair," sabi ni Robi.
Sa katunayan nga raw ay looking forward siya na makatambal ang iba pang mga crushes niyang gaya nina Shaina Magdayao, Kim Chiu, at ang Kapuso star na si Rhian Ramos.
Ipinaliwanag naman ni Josef sa PEP na confident siya na mas may hatak sila ni Nicole dahil unang-una naman daw ay sila talaga ang magkapareha talaga kahit pa dati. "'Tsaka MU po kami ngayon, kaya't hindi pilit," nakakaintrigang sagot niya sa PEP.
Kasalukuyan nag-aaral ang binata sa De La Salle Greenhills at sisiguraduhin daw niyang by March ay magtatapos siya ng high school. Though honorary member si Josef ng Greenhills PEP squad, minabuti na raw niyang huminto dahil kinakain na ng kanyang oras sa mga workshops at iba pang showbiz activities ang supposed schedule niya sa PEP squad.
Although hindi nagkasama sa isang mesa kanina with the members of the press sina Robi at Josef, pinabulaanan nilang may isyu ng intriga at isnaban sa kanila.
Pakikipag-bonding sa mga old friends niya ang sinabing dahilan ni Josef kung
bakit hindi siya nakasipot sa birthday cum house blessing ng nag-imbita sa
kanyang si Robi. Naintindihan naman daw yun ni Robi.
Last September 8 nagdiwang ng kanyang birthday si Josef, at noong September 27 naman si Robi. Pareho silang may one-year contract sa Star Magic.