PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Keanna Reeves, 55, reveals how she met her boyfriend, 27

Yup, he is 28 years younger.
by Bernie V. Franco
Published 4 hours ago
Keanna Reeves and boyfriend
Keanna Reeves: "Ang love kasi hindi naman mag-e-expired iyan, e. Tuloy-tuloy naman ang feelings natin." Keanna is in a relationship with a 27-year-old guy, Scott Lomboy.
PHOTO/S: Keanna Reeves on Facebook

Magdadalawang taon na ang relasyon ni Keanna Reeves, 55, sa kanyang younger boyfriend na si Briant Scott Lomboy, 27.

Si Keanna ay kilalang sexy star, komedyante, at Big Winner ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Season 1 (2006).

Si Scott naman ay actor at commercial model. Hinirang siyang Mr. Binan 2018 at 2nd runner-up sa Ginoong Laguna 2019.

Ang age gap ni Keanna kay Scott ay 28 years.

Kuwento ni Keanna, noong nagkakilala sila ay hindi niya pinansin si Scott dahil “underage” ito.

Read: Remember Chef Heny Sison? Where is she now?

KEANNA ON MEETING SCOTT

Ikinuwento ni Keanna sa Hello Outside World! interview niya nitong August 26, 2026, kung paano sila nagkamabutihan ni Scott.

Medyo matipid kasi si Keanna sa pagbabahagi ng mga detalye sa relasyon nila ni Scott dahil nais daw nila ng privacy.

“From the start naman, mga bagets talaga ang bet ko,” bungad ni Keanna. “So, siyempre, bata rin siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-meet lang kami accidentally lang through friends.

“So, nung nakita ko siya, nung una, deadma lang kasi underage, e.”

Ang nagpakilala raw sa kanila noon ay ang manager ni Scott na kaibigan naman ni Keanna.

Lumipas daw ang ilang taon, naging bukas si Keanna sa posibilidad na kilalanin si Scott.

“So, the next kita namin, mga 20s na siya, last three years ago, kaya nung nakita ko, ‘Ay, puwede.’”

Birthday daw iyon ng manager ni Scott na nagdiwang sa Quezon City.

Sabi pa ni Keanna, “’Tapos timing din na brokenhearted din siya daw. Kakahiwalay.”

Sa puntong iyon, tila dumepensa si Keanna, matapos sambitin na brokenhearted si Scott nang magsimula silang magkamabutihan.

Ideally kasi ay hindi advisable na pumasok sa relasyon kapag brokenhearted. Baka raw kasi on the rebound.

Pero ayon kay Keanna: “Ang love kasi, hindi naman mag-e-expired iyan, e. Tuluy-tuloy naman ang feelings natin. Naiinlab at naiinlab…

“Na-brokenhearted tayo tapos naiinlab ulit. Same-same lang iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Syempre, process iyon, e. Brokenhearted ka, nasaktan, pero babangon ulit. Okay ka na. Puwede ka nang mainlab ulit. So, same lang yung proseso.”

Kinontra rin ni Keanna na kapag nasaktan sa isang dating nakarelasyon, ay nato-trauma na.

"Galit sila sa ex nila, akala lahat ng lalaki ganoon. Magkaiba,” sabi ni Keanna.

“Kasi magkaibang tao sila, e. Magkaibang hulma sila, e. Hindi naman parehong parents.”

Sang-ayon si Keanna na hindi dapat mapagod magmahal kahit na nasaktan.

“Oo, kasi parang hindi kumpleto ang buhay kung pokus mo pera. Hindi naman kumpleto yung pera-pera lang, kung walang love life, kasi part siya ng life natin.”

Scott Lomboy, Keanna Reeves
Scott Lomboy is a placer in male pageants in Laguna before joining showbiz. He and Keanna have been in a relationshp for two years.
Photo/s: Keanna Reeves on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KEANNA's boyfriend reveal

Unang nagkuwento si Keanna ukol sa kanyang boyfriend nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda noong March 2025.

Dito niya sinabing responsible si Scott at tumutulong pagdating sa bayarin sa bills.

Binanggit din dito ang desisyon nila na bagama’t open sila sa kanilang relasyon, ayaw nila itong isapubliko masyado.

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

Hindi pa raw puwede dahil hindi pa annulled ang kasal ni Keanna sa estranged husband.

Aware din daw si Scott sa ibinabatong intriga sa kanya na pera lang ang habol niya kay Keanna pero di siya apektado dahil hindi raw ito totoo.

Alam din daw ng pamilya ni Scott na girlfriend niya si Keanna.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keanna Reeves: "Ang love kasi hindi naman mag-e-expired iyan, e. Tuloy-tuloy naman ang feelings natin." Keanna is in a relationship with a 27-year-old guy, Scott Lomboy.
PHOTO/S: Keanna Reeves on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results