Masaya na sa kanyang buhay pag-ibig ang aktres at tennis player na si Maika Rivera.
Dati siyang miyembro ng GT o Girltrends, ang all-female group na nabuo sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Ilang taon na raw silang magka-live in "responsibly" ng nobyong si Sam Lagdameo.
"I don't know how to explain. He's a very supportive person to me," bungad ni Maika.
Kuwento pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yeah, he's a chef. Pero nag- nag-try siya mag-walk, runway ngayon. Ganun. Simpleng tao lang."
Ilang taon na silang magkasintahan?
"Four years. Yes, matagal na," sagot ni Maika.
Hindi pa sila mag-asawa?
Pagsang-ayon niya, "Hindi pa kami mag-asawa. Pero yes, we are testing the waters na magkasama.
"Kasi naniniwala ako sa iba yung tao pag kasama mo na, e."
Paliwanag pa niya, "I think kami, in particular sa relationship namin, ayaw namin masyado na hindi namin alam yung [ugali ng someone] we'll spend the rest of our lives with, kasi iba yun, e."
Magka-live in na sila?
Diretsong sagot ulit ni Maika, "Yes. Pero, ano kami, we're responsible and we know [how] to prioritize which is ourselves right now, but together."
Eksklusibong nakausap ng PEP si Maika sa birthday party ni Dave Almarinez, ang asawa ni Ara Mina.
Naging malapit sila ni Ara nang magkasama sila sa lock-in taping noon ng Ang Probinsyano.
Kasama ni Maika sa party ang boyfriend na si Sam.

Read: Gov. Lilia Pineda apologizes over designer clothes during flood
MAIKA RIVERA ON TRAUMA
Lumabas sa ibang balitang nakaramdam ng trauma si Maika sa paglalaro ng tennis.
Ano ang naging karanasan niya rito?
Paliwanag niya: "I think yung pressure lang kasi mahirap... I think it's just me.
"I'm a very anxious person, pero I try to deal with it with the best way I can.
"And, judgment from other people is really important for me. Kaya siguro I'm so hard sa sarili ko."
Babalik pa ba siya sa paglalaro ng tennis?
"It's always gonna be a part of me. Yeah, tennis is always gonna be a part of me.
"Pero yung babalikan ko siyang competitively like Alex Eala, hindi na talaga.
"Pero for me, it's always gonna be a part of me and I'm always gonna play tennis and it's never gonna disappear."
ON THE LOYALTY GAME
Katatapos lang gawin ni Maika ang The Loyalty Game kunsaan nakasama niya roon sina Sofia Andres, Yen Santos, Elisse Joson, at marami pang iba.
Umaasa naman si Maika na mabigyan pa ng maraming proyekto.
Aniya: "Sana just more projects for me and sana magka-endorsement soon.
"It's important and sana tuluy-tuloy lang kasi mahirap magkatrabaho ngayon lalo na super dami naming actors and lalo na up and coming, madami.
"Hindi na rin ako bumabata. So I'm just really blessed to have work each and every time. Sana magtuluy-tuloy lang."
Read: Joy Barcoma steps back from Dogshow Divas amid guesting issue
