Hindi raw napansin ng Diamond Soul Siren na si Nina na dalawang oras siyang tuluy-tuloy na kumakanta sa concert niyang NINA XX: The Anniversary Celebration na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City, noong May 9, 2026.
Literal na walang pahinga si Nina dahil kasama siya sa lahat ng production numbers.
Walang solo number/s ang tatlong panauhin niyang sina Thor, Kris Lawrence, at Jay Durias dahil ka-duet pa rin nila si Nina.
Tanging ang mga AVP (audio-visual presentation) in-between ang nagsilbing pahinga ni Nina na hudyat na rin ng pagpapalit niya ng gown.
Masayang kuwento ni Nina: "Oh, actually, alam mo hindi ko napansin na, yun nga, audiovisual lang pala yung pahinga ko.
"Pero siguro kasi dahil na-enjoy ko yung ginagawa ko, nakakalimutan ko magpahinga or hindi during the show.
"Kasi yung energy din kasi ng lahat, energy ng audience, energy ng guests, everything, parang give me more energy.
"Yes, e. So parang, kumbaga, 'Kailan ba ako magbe-break?'
"Hindi ko talaga naisip na hindi pala ako binigyan ng ano, ng break din.
"So, hindi ko talaga naisip. Nung sinabi nila sa akin na, 'Wala kang pahinga, audiovisual.' 'Ay, talaga ba?' So, wala. Hindi ko talaga na-feel yun."
Pero hindi raw nakaramdam ng pagod si Nina.
"Pero okay, okay naman. Masaya naman yung feeling kasi parang wala lang.
"Hindi ko na napansin yun dahil sobrang saya ko and sobrang excited ako, and sobrang lahat na ng positive feelings nung show."

NINA'S WHISTLE
Isa sa signature tunes ni Nina ay ang huning ibon o whistle.
Lagi ba itong niri-request sa kanya sa tuwing siya ay magpe-perform?
Sabi ng singer, "Oo. Kahit na minsan parang, 'Oh, dito na tayo sa whistle, e. Yun talaga yung pinunta ninyo.'
"Actually, parang kulang for them na hindi ako mag-whistle during the show."
Biro pa niya, "Kaya minsan, minsan kukuha na lang ako ng parang pito para hindi na ako mag-whistle.
"Yeah, I believe so. Kasi kahit wala pang... wala ka pa sa show, nagpi-PM sila sa akin minsan sa mga Messenger or wherever.
"Sinasabi nilang, 'May whistle ba diyan?'
"Minsan nga mag-giveaway na ako ng pito talaga. Tapos pag-uwi nila, maaala na talaga nila ang pito."
Read: Miss Grand International 2026 relocated from India to Thailand
NINA TO HOLD NINA XX: THE REPEAT concert
At dahil super successful ang unang NINA XX concert noong Mayo, magkakaroon ito ng repeat sa darating na September 24, 2026 sa The Newport Performing Arts Theater pa rin.

Sa ginanap na press conference kahapon, September 2, 2026, kasama ang select media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinaliwanag ni Nina ang mga bagong aabangan sa concert.
Hindi raw ito parehong-pareho sa unang konsiyerto.
Nakangiti niyang sabi: "Repeat na unrepeat.
"Hindi, kasi repeat na kasi yung ibang songs na kinanta from the first one, nandoon pa rin.
"Pero siyempre, we added new elements and we added new songs din in the NINA XX concert.
"Tapos, nag-invite din kami ng new guests, like Christian Bautista will be there, di ba, originally sa Nina Live album.
"And also Top [Suzara] and Thor [Dulay] will also be there."

At isa pa raw sa dapat abangan sa concert ay ang full Tagalog original songs ni Nina bilang paghahanda sa 2027 pre-Valentine concert niya, ayon sa direktor ng concert na si Calvin Neria.
Dagdag ni Nina, "Oo, kakanta ako, yun nga, sabi nga ni Direk kanina, it's a Tagalog song, which will pave the way for my pre-Valentine concert in 2027 na dapat nilang abangan."
Excited daw si Nina dahil hindi naman talaga siya kumakanta ng mga awiting Tagalog ang lyrics.
"Yes, yes. Kasi I don't usually, di ba, sing Tagalog songs.
"So this time, we will do a Tagalog song and then that will give them the clue on what the concert will be for 2027."
Read: Chin Chin Gutierrez "resurfaces" in Miriam centennial book
Samantala, abangan ang Real Talk interview ni Nina sa PEP.ph YouTube channel kung saan nagkuwento siya tungkol sa kanyang singing career journey.
Pati na ang sikreto kung bakit hindi masyadong napapansin ang costume mishaps niya sa live performances.
Read: Angelica Jones reveals Senator Win Gatchalian once courted her
