Qualified human trafficking ang kasong rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na ihain laban kay Batangas First District Representative at iba pang mga akusado.
Kaugnay ito sa “honey trap” scheme laban kay Presidential Executive Secretary Ralph Recto.
Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag sa mga miyembro ng media ang pagsasampa ng reklamo ng kanyang tanggapan sa Department of Justice laban sa pitong tao, kabilang si Leviste.
Pinararatangan ang mga akusado ng paglabag sa Republic Act No. 9208 o Qualified Human Trafficking, isang non-bailable case.
Pahayag ni Matibag sa panayam niya nitong Biyernes, Setyembre 4, 2026: “Na-ready na natin yung kumpleto nang affidavit of investigation conducted by the regional office of the National Capital Region and kumpleto, nandirito na yung mga ebidensya, all the attachments.
“And we are filing the violation of the Anti-human Trafficking Law so qualified yung trafficking [na] ipa-file natin to seven individuals.
“Ang findings natin, they’re supposed to be committed qualified human trafficking.
"Nandoon lahat yung elements and the charges will be filed to the following, Congressman Leandro Leviste, former Congressman Jing Paras, the four lawyers of Rondain and Mendiola, and Lito de Guzman.
“So we will file this to the National Prosecutors Service [NPS] of the Department of Justice for Preliminary Investigation.
“Lumabas naman, nakita naman yung mga ebidensya. That’s why sabi ko nga, the last time we spoke, sabi natin withing ten days mabubuo natin ito and true enough, eto tapos na so this afternoon, will bring this to the NPS.”
Read: Recto claims "bribery" attempt; Leviste alleges corruption
LEANDRO LEVISTE REACTS
Sa pamamagitan ng Facebook ay nagbigay ng reaksiyon si Leviste tungkol sa kasong isinampa laban sa kanya ng NBI.
Facebook post niya: "NBI: National Bureau of IMBENTO, nag-iimbento ng kalokohan gamit ang buwis habang lubog ang bayan. Nakakaawa ang nangyayari sa ating bayan."
HONEY TRAP OPERATION
Nag-ugat ang kaso dahil sa NBI entrapment operation na nangyari sa isang hotel sa Maynila noong Hulyo 29, 2026.
Inaresto ng mga tauhan ng NBI ang talent manager at ang limang babae na pinangakuan umano ng malaking halaga ng pera kapalit ang pagsasalita na isa si Recto sa mga kliyente nila.
Si Leviste ang pinaratangang utak ng honey trap, isang akusasyon na mariin niyang pinabulaanan.
Mahigpit ding itinanggi ni Paras at ng apat na abogado na nakausap ng talent manager.
Humingi na ng paumanhin kay Recto ang talent manager at isiniwalat niya sa publiko ang pagpaplano ng honey trap laban sa presidential executive secretary.
Read: Talent manager claims Leviste behind plot against Recto — NBI