PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NETIZENS REACT: Rizal left out of "no face-to-face classes" list

"Waterproof ang mga taga-Rizal."
by Bernie V. Franco
Published 16 hours ago
Rizal
Netizen from Rizal: "Tubig din po yung pumapatak dito pag umuulan, hindi alikabok."
PHOTO/S: GMA News

Humirit ang mga netizens, partikular ang mga taga-Rizal, matapos hindi mapabilang ang kanilang province sa list ng mga lugar na walang face-to-face classes ngayong Biyernes, September 4, 2026.

Naglabas ng abiso ang Malacañang para maipatupad ang alternative learning modes sa mga mag-aaral ngayong araw dahil sa heavy rainfall dulot ng Habagat at poor air quality sa National Capital Region dahil sa haze mula sa forest fires sa Indonesia.

Mababasa ang announcement sa Presidential Communications Office (PCO) Facebook page.

Inisa-isa ang 16 provinces sa Luzon, mula north hanggang south.

Ito ang mga sumusunod:

  • National Capital Region
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Abra
  • Benguet
  • Zambales
  • Bataan
  • Bulacan
  • Tarlac
  • Pampanga
  • Cavite
  • Laguna
  • Batangas
  • Occidental Mindoro.

Kalakip ng post ng PCO ay ang Memorandum Circular No. 134, kung saan mababasa ang mga apektadong lugar.

Binanggit ding may kakayahan ang Local Government Unit na magkansela o magsuspinde ng klase.

Ang announcement na ito ay inireport ng GMA News sa Facebook account nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad napansin ng netizens na wala sa listahan ang Rizal, na katabi lang ng Marikina at Pasig—mga siyudad sa ilalim ng NCR.

Kaya himutok ng maraming netizens, bakit hindi kasama ang kanilang probinsya?

Read: Thailand to shorten visa-free stay from 60 to 30 days

NETIZENS REACT

Reasonable na argument ng isang netizen, “Bakit wala ang Rizal? Ang lapit ng San Mateo sa Marikina, e, malakas din po ulan dito!”

May sapantaha ang isang taga-Rizal: “May galit yata sa San Mateo, ah. Tubig din po yung pumapatak dito pag umuulan, hindi alikabok kaya delikado din po para sa mag-aaral.”

Netizen Rizal 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizen Rizal 2

Idinaan na lang ng iba sa patawa ang isyu.

Hindi raw kasi tinatablan ng ulan ang mga residente ng probisiya.

“Waterproof ang Rizal hahaha, anlakas ng ulan oy.”

Sabi ng isa pa, “Nakalimutan ata ang Rizal, kung sabagay water-proof nga pala.”

Sundot ng isa, “Matitibay talaga mga taga-Rizal, eh.”

Netizen Rizal 3
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
netizens Rizal 4

Samantala, may iba ring netizen na nagkomentong tila nalaktawan din ang kanilang kinabibilangangn probinsya, tulad ng Nueva Ecija, Quezon Province, at Oriental Mindoro.

Nueva Ecija

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Quezon Province
Orienta Mindoro
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bakit kaya? Nakalimutan lang ba o talagang wala sa forecast?

Eventually, naglabas din ng class suspension ang ilang lugar na sakop ng probinsiya gaya ng Antipolo, Taytay, Jalajala, San Mateo, at Cainta.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizen from Rizal: "Tubig din po yung pumapatak dito pag umuulan, hindi alikabok."
PHOTO/S: GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results