Mabigat pa rin ang kalooban ni Rita Daniela sa pagpanaw ng dating kasamahan niya pre-teen group na Sugarpop na si Vanessa Blanca Rangadhol.
Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa kanya ang biglaang pagpanaw ni Vanessa.
"Ako, honestly, hindi pa rin siya... I think I'm just starting to grieve.
"Pero hindi pa talaga totally, totally na alam mo yung mawawala na talaga yung kaibigan mo, ganun.
"So, hirap. Hirap siya for us."
Dagdag ni Rita: "Very, very hard for us.
"So, actually, kaya in a way para medyo naglu-look forward ako sa Salmon event today kasi nga ito yung parang pinaka-medyo icebreaker for...
"I mean, for me, kasi nga it has been a very heavy and sad day for us."
Matagal na raw noong huli silang nagkasama-sama ng iba pang dating Sugarpop members na sina Julie Anne San Jose, Enzo Almario, at Pocholo Bismonte.
Pagbabahagi ni Rita: "Nagpaplano pa lang kami.
"Pero dapat magkikita pa lang kami. Kasi dapat ito, yun nga noong umuwi siya [Vanessa], dapat magkikita pa lang kami.
"Kasi, she's planning her wedding for next year.
"So, ayun, dapat mami-meet din namin yung fiancé niya.
"Yun lang na-meet namin si Beren, yung fiancé niya, in a very sad way."
Ang matagal na nilang planong bonding ay nangyari sa burol ni Vanessa noong August 31, 2026.
Isa sa mga kantang buong-puso nilang inalay kay Vanessa ay signature song ng Sugarpop na “Mahal Kita."
Makikita rin sa mga lumabas na larawan na, bukod sa mga dating members ng Sugarpop, dumating rin sa burol ang Popstar Kids alumni na sina Gigi de Lana at Jalynna Magadia.
Kuwento ni Rita: "Ah, yes. Nung 30th or 31st nakumpleto kami ulit na lima.
"Tapos yung mga other nakasama namin, nakasama namin sa Popstar Kids, like si Gigi, si Alyn, nagpunta rin that night.
"And actually, sobrang ano, e, hirap na tanggapin for us. Kasi that time, like, most of them were requesting a song.
"You know, na actually tinray namin, pero parang ano talaga hirap for us na kantahin. Kasi meron talagang butas na tunog na.
So. hindi, hindi namin siya totally matanggap na way.
"Parang kakaiba yung pakiramdam na hindi na namin siya kasama ng kinakanta itong kanta na to."
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rita sa sideline ng launch ng bagong endorser ng Salmon nitong nakaraang Linggo, September 6, 2025, sa Glorietta Mall, Makati City.

Read: Alex Gonzaga: "I am so happy to be a mommy"
Vanessa Rangadhol's death
Pumanaw si Vanessa dahil sa isang aksidente noong August 19, 2026.
Siya ay 30.
Kilala rin sa tawag na Vanessa Blanca.
Si Vanessa ang umawit ng viral hit noon na "DOTA o Ako."
Inanunsiyo ang nakakalungkot na balita ng pinasan ng singer sa pamamagitan ng social media.
Bahagi ng post ni Ivy Ann Salaum Jubelag, pinsan ni Vanessa: "To our dear friends, relatives, and everyone who knew and loved Vanessa,
"It is with the heaviest heart that I share the heartbreaking news of the passing of my beloved first cousin and little sister, Vanessa Blanca Quillo Rangadhol, who tragically passed away today, August 19, 2026, following an accident at the condominium where she was staying in Manila.
"Vanessa was the only daughter (única hija) of my aunt, Anabella Quillo-Kalinski, making this loss even more heartbreaking for our entire family. She was not only my cousin, but also someone I cherished and considered my little sister."
Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident
