Patuloy ang paninindigan ng Filipina tourist kaugnay ng aniya ay panghihiya at pambu-bully na naranasan niya, at tatlong pang female friends, mula sa grupo ng “older Filipinos” sa Iseltwald Pier, Switzerland.
Nag-post ang Pinay tourist ukol sa aniya'y masamang karanasan nila, at nag-viral ito.
Pero patuloy na pinag-uusapan ang isyu. Patuloy rin ang Pinay uploader sa pagdepensa laban sa sinasabing matatandang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Inilarawan ng uploader ang panghihiya sa kanya at kanyang mga kaibigan bilang “one of the most humiliating, heartbreaking, disgusting experiences of our lives.”
Read: Wedding in the Flood: Couple says "I do" amid waist-deep waters
THE "BULLYING" INCIDENT IN ISELTWALD
Ayon sa Facebook post ng Pinay uploader, nangyari ang insidente noong August 29, 2026.
Tulad ng ibang turista, pumila siya at tatlong kaibigan niya para magpa-picture sa Iseltwald Pier, na sumikat na tourist spot sa Switzerland dahil naging location sa K-drama na Crash Landing on You (2019-2020).
Noong sumunod na sa pila ang female uploader at magpapa-picture, dinaot, binastos, at binully umano sila ng grupo ng older Filipinos.
Binanggit ng uploader na nasa 10 miyembro ang grupo ng matatandang Pilipino.
Sa kuhang video ng grupo ng uploader, sinasabi nilang dinig kung paano sila inalipusta ng grupo ng matatanda.
“Wow, fashion model! Wow!” madidinig na pangungutya ng isang matanda.
Dinig din ang palakpakan at tawanan ng grupo.
Sinabi ng uploader na natapilok siya at maririnig sa video na sinabi ng isang matanda na “Sayang, hindi nalaglag.”
Kwento ng uploader, noong una ay pinakiusapan nila ang grupo, pero hindi sila tumigil sa pangungutya.
Dinig din ang pagsagot ng mga kaibigan ng uploader sa older Filipinos.
Aminado ang uploader na umabot siya sa pagmura sa nakaaway dahil sa sobrang galit niya.
Sinabi niyang hindi maganda ang kanyang ginawa, subalit hindi raw siya nagsisisi na pinatulan ang grupo.
Aniya, may isa raw sa grupo ng matatanda ang lumapit sa kanila at nag-sorry, subalit hindi pa rin tumigil ang mga kasama nito sa pagsasalita ng masama.
Ang masakit daw sa pangyayari, kapwa mga Pinoy ang namahiya sa kanila.
“To everyone reading this, please remember that age does not automatically deserve respect if you cannot show basic empathy,” paalala ng uploader kaugnay ng karanasan.
Pagkatapos ng insidente, ipinost din niya ang message na sinasabing mula raw sa isa sa mga matatanda at humihingi ng paumanhin sa kanila.
Mababasa sa mensahe na katuwaan lang daw lahat. Willing daw sila mag-public apology. Nakaranas daw sila ng pamba-bash at nakatanggap ng pagbabanta.
Sabi ng uploader, hindi siya sigurado kung ito nga ay galing sa grupo ng matatandang nangutya sa kanya. Wala ring nakalagay na pagkakakilanlan ng nagpadala ng mensahe sa kanya.

Read: Jojo Bragais made shoes for Britney Spears, Tyra Banks, Thalia; why turn down U.S. opportunity?
LATEST UPDATE ON ISSUE
Nitong September 6, Linggo, muling nag-post ang Filipina uploader at nagbigay ng update sa isyu.
Naka-public ang kanyang post.
Sabi niya, ang kanyang post ay sagot nila sa narrative o panig ng “older Filipinos.”
Kuwento niya, may kumakalat na impormasyon mula sa kabilang grupo na may lumapit sa kanilang grupo na "leader" mula sa grupo ng older Filipinos.
Sinasabing nakipag-usap daw ito sa kanila, pero tinanggi niya ito.
“Can this alleged ‘Leader’ step forward or meet with us through any means?
“Kasi WALA kaming naalala na may lumapit sa amin at naki-usap talaga,” katwiran ng uploader.
Taliwas ito sa pinakauna niyang FB post na may tao nga mula sa kabilang grupo na lumapit sa kanya at nag-sorry.
Itinanggi rin ng uploader ang claim ng matatanda na tumagal daw ng 20 minutes ang kanilang picture-taking.
Sinabi ng uploader na “complete EXAGGERATION” ang 20 minutes.
Kaya raw nilang patunayan na hindi sila inabot ng 20 minutes, at pinakamatagal na raw ang 10 minutes sa pagpapa-picture nila.
“MAS MATAGAL pa nga ang ORAS ng paghihintay din namin sa nauna [sa amin],” depensa ng uploader.
Hindi raw nila gugustuhing magtagal pa dahil sa pandadaot sa kanila.
“In short, it was pure RUDENESS and DISRESPECT from the very beginning,” hirit ng uploader laban sa grupo ng matatanda.
May sagot din ang uploader sa katwiran ng older Filipinos na limitado lamang ang oras nila na noon daw ay kasama sa isang tour.
Depensa ng uploader, “If you were on a day trip or a bus tour with limited time, did you bother asking if we were also on a schedule or how we got there?
“WE also booked a travel agency and were on a BUS trip with other people. We were ALSO given a LIMITED time to return to our drop-off point, just like everyone else on our tour.”
Bwelta ng uploader, “So please, STOP MAKING UP STORIES just to justify your actions and convince yourselves that how you acted so rudely was somehow acceptable.
“On top of that, they showed zero remorse.”
Kung totoo man daw ang pagso-sorry ng isa na kasama raw sa grupo ng matatanda, bakit daw nag-iimbento ng istorya na pumapabor sa kanila?
Muli ring binanggit ng uploader na nang natapilok siya, nag-side comment ang isang matanda na sayang daw at hindi siya nahulog.
“PS: Natapilok nga ako kasi NAG-HEELS ngani at sa sobrang NGINIG na sa katawan ko sa SOBRANG KAHIHIYAN NA GINAWA NYO NGANI. Anong meron kung naghe-heels? OMG pati ba naman yan.
“’Sayang di nalaglag daw,’” post ng uploader.
Sa September 5 Facebook post ng uploader, nakasaad dito ang pag-amin niya na mali na nagmura siya.
“For my mistake:
“I acknowledge that letting my emotions take over and using harsh words was wrong.
"Even under extreme provocation, responding with anger can obscure the main point, and I take responsibility for my emotional outburst without using their actions as a permanent shield."
Ibinahagi rin niya ang aral na natutunan niya mula sa insidente.
Pahayag ng uploader: “For a general take / lesson to everyone:
“Public spaces require mutual respect, patience, and basic decency.
"A simple, polite conversation can resolve almost any misunderstanding before it escalates into an unnecessary scene.
"At the end of the day, how we treat others in shared moments reflects our character.”

