Pangatlong programa ng podcaster, host, at comedian na si Baus Rufo ang Kalurks! sa bakuran ng GMA Network.
Ang Kalurks! ay ang one-stop source for all trending. Magsisimula itong umere sa GTV sa September 13, Sunday, 8:30 PM.
Kasama ni Baus dito sina Ashley Rivera at DJ Jhai Ho.
Bukod pa rito, si Baus ay co-host sa Kapuso morning show na Unang Hirit at sa game show na The People Have Spoken.
Nag-viral si Baus dahil sa unang araw niya bilang segment host sa Unang Hirit (UH) ang katagang binanggit niya ay “Kapamilya” sa halip na “Kapuso.”
Kasama ni Baus sa “UH Quiz-Sabihan” segment si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma sa June 18, 2026 episode ng Unang Hirit.
Sabi muna ni Joy, "Mag-aral din kayo ng mga kasabihan, lalo na sa mga bahay niyo. Kasi baka kayo na ang susunod naming tanungin ng mga kasabihan."
Pagsang-ayon ni Baus, "Korek. Kaya naman mga Kapamilya..."
Saka nito napagtanto ang mali niyang nabigkas.
Makalipas ang tatlong buwan, kabilang pa rin si Baus sa Unang Hirit, at mas napapansin siya ngayon dahil sa kakaibang estilo niya ng paghu-host.
Read: Baus Rufo reacts to Joy Barcoma’s exit from Dogshow Divas
BAUS RUFO RECALLS BLUNDER
Sa presscon ng Kalurks!, tinanong ng PEP.ph (Philippinen Entertainment Potal) si Baus kung inisip ba niyang katapusan na ng kanyang Kapuso stint ang pagkakamali niya sa Unang Hirit.
“Oo, totoo yon, sobra…” mabilis niyang sagot.
“Talagang magkasama kami ni Joy noon. Talagang feeling ko talaga, kung hindi ako naka-makeup, kita niya talagang namutla na ako…
“Kasi talagang nag-panic ako. Kaya rin ako, I guess, nag-panic kasi yung mga kasama kong taga-UH, sabi ko… sorry ako nang sorry.”
Ang sagot naman daw ng Unang Hirit staff sa kanya, “Okay lang.”
Pero sa loob-loob daw ni Baus, “Hindi puwedeng okay lang!”
Dagdag pa niya, “So, parang definitely iyon ang pinagdaanan ko.
“But they stuck to their word, okay nga lang talaga.”
Ito day dahil kabilang at napapanood pa rin si Baus sa Unang Hirit.
“So, definitely hindi ko siya in-expect.”
Sabi ni Baus sa nagawang pagkakamali, “Sana hindi na maulit yung ganoong klaseng pangyayari.”
BAUS MEETS GMA EXEC ATTY. ANNETTE GOZON-VALDES
Kamakailan ay umingay sa social media ang pagpu-post ni Baus ng palitan niya ng mensahe kay Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Network senior vice-president for programming, talent management worldwide, and support group.
Ang palitan ng mensahe ay biruan ng dalawa tungkol sa pagtatrabaho ni Baus sa Kapuso network.
Sa recent Unang Hirit guest appearance ni Atty. Annette, sinabi nitong unang beses niyang maging aktibo sa social media.
Kuwento naman ni Baus, nagsimula ito nang mag-DM siya sa Kapuso executive para pasalamatan ito.
Sumagot naman daw si Atty. Annette at nagsunud-sunod na ang palitan nila ng mensahe.
Unang nagkita ang dalawa nang bumisita si Atty. Annette sa UH nitong September 9, 2026.

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case
