PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas reacts to ex-husband Gerald Sibayan's remarriage

Ai-Ai delas Alas on Gerald Sibayan’s remarriage: “Expected ko na yan.”
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
ai-ai delas alas gerald sibayan wedding
Ai-Ai delas Alas says she was not surprised by the news that her estranged husband, Gerald Sibayan, has married another woman in San Francisco, California. The actress-comedienne also reveals what she knows about his decision to marry a U.S. citizen and shares an update on their annulment.
PHOTO/S: Facebook

Hindi raw ikinagulat ni Ai-Ai delas Alas ang balitang nagpakasal ang kanyang ex-husband na si Gerald Sibayan sa ibang babae sa San Francisco, California.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Ai-Ai na alam niyang bahagi ng plano ni Gerald ang pagpapakasal sa isang U.S. citizen upang manatili sa Amerika at hindi ma-deport pabalik sa Pilipinas.

Ayon sa mga lumabas na ulat, naganap ang civil wedding ni Gerald sa kanyang non-showbiz partner, na nagngangalang Nadine, sa City Hall ng San Francisco.

gerald sibayan sibayan wedding
Screen shot of Gerald Sibayan's reported cilvil wedding to his non-showbiz parther in San Francisco, California.
Photo/s: Internet
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Ai-Ai: “Alam naman natin na mangyayari yan. Expected ko na yan nung hiniwalayan niya ako.

"Kailangan niyang mag-stay sa Amerika kaya kailangan niyang magpakasal.

“Sana lang, huwag niyang gawin sa iba ang ginawa niya sa akin.

“Hayaan na natin siya. At least, naka-suit siya, hindi naka-polo lang.

“Basta ang alam ko, English-speaking ang babae na pinakasalan niya.

"Kasi, dalawang buwan bago ako iniwan ni Gerald, Ingles na siya nang Ingles kapag kinakausap ako.”

Ayon kay Ai-Ai, wala na siyang anumang pait na nararamdaman sa nangyari sa relasyon nila ni Gerald.

Aniya, noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon, inihanda na niya ang sarili sa posibilidad na hindi magtagal ang kanilang pagsasama dahil malaki ang agwat ng kanilang edad.

Ang hindi lamang niya inaasahan ay ang mas maagang pagtatapos ng kanilang sampung taong relasyon.

Read: Ai-Ai delas Alas is now officially divorced from Gerald Sibayan

COMMUNICATION THROUGH "MIDDLEMAN"

Hindi na direktang nag-uusap sina Ai-Ai at Gerald mula nang maghiwalay sila noong October 14, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunman, nananatili raw ang komunikasyon nila sa pamamagitan ng isang “middleman,” partikular pagdating sa proseso ng annulment ng kanilang kasal.

Lahad ni Ai-Ai: “Hindi ko na siya kinakausap mula nang hiwalayan niya ako noong October 14, 2024.

"May middleman na lang kami na nagpaparating sa kanya ng mga ipinasasabi ko.

“I wish him well, basta bayaran na lang niya yung annulment ng kasal namin.

"Sa acceptance fee pa lang, PHP400,000 na agad. Sa U.S. divorce nga namin, ako na ang lahat ang gumastos.

“Ang sabi niya, huhulug-hulugan na lang niya ng US$500 every month ang pambayad sa annulment.

"Matagal-tagal din yon na installment payment, ha?

“Ipapadala raw niya ang mga hulog niya sa middleman na nakikipag-usap sa kanya kasi nga hindi ko na siya kinausap simula nung iniwan niya ako.

Read: Ai-Ai delas Alas admits marrying Gerald was a wrong decision

ai-ai delas alas gerald sibayan wedding
Ai-Ai dela Alas and Gerald Sibayan
Photo/s: File
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

AI-AI THANKFUL TO SUPPORTERS

Sa kabila ng mga nangyari, sinabi ni Ai-Ai na nakatuon na siya sa pagmu-move on.

Ipinahatid din niya ang pasasalamat sa mga patuloy na nagbibigay sa kanya ng suporta.

“Maraming salamat po sa mga nagpapadala sa akin ng mga mensahe na suporta.

"Maraming salamat sa walang sawa na pagmamahal ninyo sa akin mula noon hanggang ngayon.

"Okay na okay po ako.

“Huwag na po kayong magpaapekto sa pagpapakasal niya dahil hindi naman po ako apektado.

Matagal na po akong moving forward,” pahayag ni Ai-Ai.

Read: Frankie Pangilinan finally opens up about relationship with boyfriend Dan Laurel

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas says she was not surprised by the news that her estranged husband, Gerald Sibayan, has married another woman in San Francisco, California. The actress-comedienne also reveals what she knows about his decision to marry a U.S. citizen and shares an update on their annulment.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results