Hindi raw apektado si Anthony Constantino kung mas napapansin ng mga tao ang hitsura niya kesa sa kanyang mga talento.
Si Anthony, isang Filipino-American, ay tuluyang nag-venture sa showbiz matapos siyang mapansin sa digital series ni Esnyr Ranollo.
Nasa pangangalaga siya ng Sparkle GMA Artists, ang talent management arm ng Kapuso Network.
Bagamat hindi pa siya ganoon ka-visible sa acting projects, in demand si Anthony bilang endorser ng iba’t ibang brands at bilang isang modelo.
Kapansin-pansin si Anthony sa pagiging tall, dark, and handsome.
Highly identified din siya sa kapwa Kapuso at Sparkle artist na si Shuvee Etrata.
Bibida silang dalawa sa Kapuso digital series na From Vlog to Love, na mapapanood sa YouTube channel ng GMA simula September 16, 2026.
Read: Pinoy designer Rhuigi Villaseñor makes it big in the U.S.
ANTHONY WANTS TO PROVE HIMSELF
Sa presscon ng kanilang digital series, tinanong ng PEP si Anthony kung ano sa tingin niya ang pros and cons ng pagkakaroon ng good looks.
Sagot niya: “To be completely honest, I’m just me.
I think those [good looks] are given to people but… it’s just a blessing to be complimented by so many people.”
Mas gusto raw niyang unti-unting nadidiskubre ng mga tao kung ano ang kaya niyang gawin. Halimbawa raw rito ay nang mapansin ang husay niya sa paglalaro ng basketball.
“I guess I’m just excited to show more of myself, like for example the basketball.
"I’m glad the people were able to see that I play basketball."
Sa celebrity basketball match na nangyari sa SM MOA Arena noong Mayo 2026, bukod sa kanyang hitsura, tinilian si Anthony dahil sa husay sa paglalaro.
Hindi ba siya nababahalang mas madalas ay tinitingnan ng tao ang kanyang hitsura kesa sa talento niya?
“I guess so," sagot ni Anthony.
"But I think time will tell. I think that social media, [and] TV [are] platforms for people to see you as time goes on."
Giit niya, “Of course, everybody has their time.
"I think that the industry is something that… timing is a very big thing.”
Ginawa pa niyang halimbawa si David Licauco na inabot daw ng isang dekada sa showbiz bago nabigyan ng break.
“David has been in the industry for ten years before he had his break on the 10th year, so I think no matter what it is, it’s in God’s timing, without a doubt.
“I’m just so excited for that. I’m excited for people to know more about Anthony Constantino,” saad ni Anthony.
Binanggit din ni Anthony na masaya siya sa digital series dahil napakarami raw tao ngayon ang nasa social media.
Ibig sabihin, marami ang makakapanood ng digital series nila ni Shuvee na kanilang first-ever lead roles.
Magandang pagkakataon din daw ito para ipakita nila ni Shuvee ang kanilang chemistry at kakayahan nila bilang artists.
“It’s a testing ground for us,” katuwiran ni Anthony.
Isang taon pa lamang daw siya sa showbiz kaya marami pa siyang kailangang trabahuhin, tulad ng pag-arte at pagsasalita ng Tagalog.
“And it’s really just a place for me to grow. That’s the main reason why I’m thankful for this series.”

