Pumanaw na ang movie icon na si Rosita Noble noong September 8, 2026, sa California, USA.
Siya ay 92.
Ibinalita ng PR specialist at entertainment writer na si Renz Spangler ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook post.
Si Rosita ay isa sa pinakatanyag na leading ladies noong dekada '50.
Ang German-Filipino actress na tubong-Pampanga ay kilala bilang kauna-unahang leading lady ni Fernando Poe Jr. sa pelikulang Anak ni Palaris noong 1955.

Read: Former Sampaguita star Jean Lopez dies at 86
WHO WAS ROSITA NOBLE?
Ayon sa Facebook page na Philippine Movie Royalty, ipinanganak si Rosita Noble sa Floridablanca, Pampanga, noong 1933.
Ang kanyang mga magulang ay ang German immigrant na si Herman von Costenoble at ng Filipina na si Maria Panlaqui.
Nagsimula ang kanyang acting career sa edad na 17 noong 1951 sa pamamagitan ng pelikulang Sta. Cristina ng Premiere Productions, ang kanyang home studio.
Tumagal lamang ng halos isang dekada ang movie career ni Rosita.
Kabilang pa sa mga pelikulang ginawa niya ay Tagailog (1951), Sisa (1951), Kalbaryo Ni Hesus (1952), Malolos (1952), Sa Hirap at Ginhawa (1952), Pagsikat ng Araw (1953), Sa Kamay ng Tadhana (1953), at Kapitan Berong (1953).
Noong 1954 ay nagbida si Rosita sa anim na pelikula: Is My Guy, Sa Kabila ng Bukas, Agua Bendita, 3 Sisters, Sex Gang, at Si Og sa Army.

Noong 1955 ay ginawa niya ang Torpe, kung saan nakakuha siya ng nominasyon ng best actress sa FAMAS 1956.

Kalaunan ay gumawa rin siya ng mga pelikula sa Sampaguita Pictures.
Ikinasal siya kay Antonio Basmayor Tani kung saan nagkaroon sila ng apat na anak.
Nag-migrate sila sa Amerika noong 1984.
Read: Director Monti Parungao dies at 58 after battle with colon cancer
