PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral '80s A.I. photo trend poses threats, says experts

Experts warn about the danger of your digital identity being manipulated.
by Bernie V. Franco
Published 13 hours ago
Celebrities 80s trend
Celebrities have joined the bandwagon, uploading their '80s-themed photos, which were enhanced by Artificial Intelligence. The trend is fun, but experts warn about the threat it poses.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Nag-join ka na rin ba sa viral ‘80s A.I. (Artificial Intelligence) trend?

Ilan sa mga artistang kinagat ito ay sina Ruffa Gutierrez, Janice de Belen, Geneva Cruz, Kyla, Lassy, Analyn Barro, Rodjun Cruz, at Yasmien Kurdi.

Ang ilang celebrities ay kasama pa ang kanilang pamilya tulad nina Jhong Hilario, Dimples Romana, Mariel Padilla, at Sunshine Cruz, pati ang rin ang mga mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine Espiritu at Kim Molina at Jerald Napoles.

Kahit ang Hollywood celebrities ay ginawan na rin ng viral '80s A.I. trend.

Nakakaaliw man ang lumikha ng ganitong content, nagbabala ang mga eksperto sa pwedeng maging banta nito: ang pagnanakaw sa iyong identity at pwedeng magamit laban sa iyo.

Celebrities 80s AI trend 2
More celebs join the retro trend: (clockwise) Martin del Rosario, Janice de Belen, Geneva Cruz, and Dion Ignacio.
Photo/s: Instagram / Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Chinese mukbang influencer dies after suffering from hypokalemia

LOCAL EXPERT's WARNING

Sa patuloy na paglaganap ng A.I. sa buong mundo, lumalaki rin ang banta sa pagnanakaw sa identity ng mga tao para gamitin ito sa masama, gaya ng cyber-attack.

May threat sa security ang mga ganitong A.I. services at apps, ayon kay Ralph Frondoza, head of strategic risk ng CirroLytix.

Ang CirroLytix ay isang social impact artificial intelligence and data analytics company sa Pilipinas.

Babala ni Frondoza, dapat maging aware at maingat ang publiko sa pagpapasok ng kanilang Personal Identifiable Information o PII (tulad ng mga photos at videos) sa A.I. services.

“Para sa atin, litrato lang iyan, e. Pero sa isang machine, talking about machine learning, potential source of information yung tungkol sa identity, saka sa physical characteristics natin,” paliwanag ni Frondoza sa ulat ng TV Patrol, September 11, 2026.

Ibig sabihin nito, posibleng manakaw ang iyong identity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag mali ka ng password, puwede mong i-reset, di ba, kapag na-late naman ang face data mo, wala ka nang bagong mukha…

“Ang risk, actually, pinapababa ng mga trend na ganito yung guard natin.”

Inisa-isa rin ng eksperto ang mga posibleng banta ng paggamit ng iyong PII ng A.I. services. Narito ang mga sumusunod:

  • Pagka-expose o pagkalantad ng personal data at identity;
  • Pagtaas ng risk na gamitin ng ibang company ang data;
  • Posibleng magamit para ma-enhance ang synthetic media, tulad ng deepfake, na puwedeng gamitin sa panloloko.

So ano ang puwedeng gawin para maiwasan ito?

Pahayag ni Frondoza: “I think before you input, mas maganda na i-minimize natin yung data na binibigay natin.

“Wag na tayong mag-upload ng higit pa sa hinihingi ng application o ng A.I. systems.”

Babala niya pa: “We are not only putting ourselves, but our community, and even our country in great danger. Tandaan natin na hindi magkapareho ang popularidad at safety.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sang-ayon ang maraming foreign experts sa mga sinabi ni Frondoza.

FOREIGN EXPERT has SAME SENTIMENT

Ganito rin ang pagkaalarma ng isang Indian expert sa viral ‘80s trend na hindi lang sinakyan ng ordinary Indians, kundi pati na rin ng kanilang mga cabinet ministers.

Binanggit na ganito rin ang naging isyu nang sumikat at sinabayan ng maraming netizens ang Studio Ghibli trend.

Ina-upload ng netizens ang kanilang larawan para i-transform ito ng A.I. sa animation na kahawig ng acclaimed Japanese animation studio.

Tugma ang pag-aalala ni Frondoza sa naging pahayag ni Indian cyber-security expert Kanishk Gaur, founder ng India Future Foundation, isang non-profit organization sa India na focused sa cybersecurity, digital policies, at online safety.

“This trend poses your Personal Identifiable Information (PII), so what you’re freely giving away to these big tech platforms, and which they share with third parties is your biometrics," ani Gaur sa interview ng NDTV.

Kabilang raw sa biometrics ay ang iyong retina scan at fingerprints.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din niya ang bagong Chinese technology na: “You could extract your biometric, your retina scan from these images, which could be misused for your digital identity verification.”

Ipinaliwanag ng cyber expert na may IDs sa India batay sa demographic at biometric data ng mga citizens doon.

Kaya babala niya sa pag-a-upload ng mga larawan, “You’re setting up precedents for cyber-scammers to use of all of this and wipe off your bank account.”

May ilang payo si Gaur kung mag-a-upload ng larawan para sa paggamit ng A.I. services.

“Don’t give away your PII, like your fingerprint, your eye impressions…

“Either you morph them or would put it in a way that this information is not going out.

“If you are just uploading your pictures straight away to these platforms where you have no data-sharing agreements, who these platform share data with parties, it is just giving away your personal life free of cost.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya pa, marahil ay hindi naiisip ng marami ang panganib ng basta-bastang pag-upload sa kanilang mga larawan.

“All of this information would be used targeted advertising and campaigns and that’s how these companies make money.”

Ang mahalaga pa niyang paalala, huwag ding basta-basta i-upload ang mga larawan ng inyong mga anak.

“Because when they grow up, their digital identity would already be manipulated.

“So their digital identity could be misused for so many things.”

Maaari raw itong mamanipula at magamit sa pambu-bully, pangha-harass, at impersonation.

Pinaalalahan din niya ang mga pulitiko sa kanila na puwede silang mabiktima, tulad ng paggamit ng kanilang photos sa paggawa lumikha ng mapanlinlang na narrative o kuwento, o kaya ay ginagawan ng deepfake.

Sa Pilipinas, dati nang nagreklamo ang ABS-CBN journalist na si Migs Bustos sa paggamit ng kanyang larawan at ginawan ng deepfake para sa love scam.

Maging si Anne Curtis ay ginawan ng deepfake sa Facebook noong 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Viva, nagbabala laban sa paggamit ng deepfake video ni Anne Curtis

Sa huli, nanawagan si Gaur sa gobyerno ng India na magpatupad ng data-privacy laws.

Binanggit din ng eksperto na ang pangambang ito ay kinakaharap din ng ibang bansa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities have joined the bandwagon, uploading their '80s-themed photos, which were enhanced by Artificial Intelligence. The trend is fun, but experts warn about the threat it poses.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results