Nabulilyaso ang plano ng isang South Korean inmate na nakapiit sa Pilipinas na tumakas sa pamamagitan ng pagsabit sa isang heavy-duty drone.
Si Park Wang-yeol, 47, ay nahatulang guilty dahil sa pagpaslang sa tatlong kapwa Koreano habang nasa Pilipinas noong 2016.
Noong 2022, sinentensiyahan siya ng isang korte sa bansa ng 52 hanggang 60 taong na pagkakakulong.
Bukod sa krimeng ito, nahaharap din si Park sa kaso ng pagpapatakbo ng isang malaking drug distribution network habang nasa piitan, ulat ng JTBC nitong Lunes, September 14, 2026.
Ang JTBC, o Joongang Tongyang Broadcasting Company, ay isang major South Korean pay television and cable network.
Sa inilabas na report ng JTBC, tinalakay rito ang interview sa kasamahang inmate ni Park tungkol sa mga kilos nito habang nakapiit sa Pilipinas, at ang tangkang pagtakas sana gamit ang drone noong Marso 2026.
Bago ito, dalawang beses nang nagtangkang tumakas ang Koreano mula sa piitan — noong 2017 at 2019.
Read: NETIZENS REACT: A PHP1,650 pompano put Bohol in the spotlight
south korean's ESCAPE PLAN VIA DRONE
Sa nadiskubreng escape plan, kinakailangang sumabit ni Park sa isang malaking drone na may kapasidad na magbitbit ng hanggang 75 kilos ang bigat.
Pagkatapos ay ililipad ng drone ang sinumang nakasabit palabas ng kulungan.
Lumabas sa local media ang video ng ginawang test run sa drone. Mapapanood na isang tauhan ni Park ang nakasabit sa drone, inilipad ito sa ere bago siya bumagsak sa tubig.
Nadiskubre ang video at ang plano kaya hindi na itinuloy ni Park.
Ayon din sa report, ang nauna sanang planong pagtakas ni Park ay lusubin ng kanyang organisasyon ang isang transport vehicle, habang inililipat si Park sa prison facility.
Natuklasan ding nakakuha na ng armas ang organisasyon ni Park.
Pero nagdesisyon umano si Park na huwag na itong ituloy.
“A prison escape by someone like me should be on this scale,” sabi raw ni Park.
Dahil dito kaya nabuo ang planong gumamit ng heavy-duty drone.
Lumalabas din na ngayon lang inilabas ang report kahit nadiskubre ang video ilang buwan na ang nakalilipas.
Isang inmate ni Park ang nagsabi sa JTBC na kayang i-execute ang plano gamit ang drone dahil wala raw pasilidad ang Philippine prison na mag-jam ng radio signals.
Nadiskubre at ini-report ng media sa Pilipinas ang test footage noong Marso. Hindi itinuloy ni Park ang planong ito dahil binago ang schedule ng kanyang transfer.
Makalipas ang ilang linggo matapos madiskubre ang video, pansamantalang inilipat si Park sa South Korea noong March 25, 2026.
Nasa ilalim siya ngayon ng temporary surrender arrangement, kunsaan pinapayagan lamang ang Korean authorities na ipiit si Park sa loob ng sampung buwan bago siya ibalik sa Philippine prison.
Sinisikap naman ngayon ng Korean investigators na mapalawig ang kaso ni Park habang nasa Korea siya.
Tinangka ng South Korean government na makuha ang custody kay Park at permanente na itong ikulong sa South Korea.
Nabanggit din sa ulat na gumastos si Park ng 100 million won o PHP4.6 million para sa planong pagtakas gamit ang drone.
Ibinunyag din ng kasamahang inmate ni Park sa JTBC interview na nagbabayad umano si Park ng 6 million won o PHP257,000 kada buwan para sa special treatment, tulad ng pribadong quartes, aircon, TV, at access sa cell phone.
Gugulong naman ang kaso ni Park tungkol sa pagpapatakbo ng drug distribution sa piitan.
Una na niyang itinanggi ang akusasyon sa kanya.
Additional report:
