Sobrang asikaso si Direk Adolf Alix Jr. kay Gina Pareño sa premiere night ng Poon noong Augusto 30, 2026, sa TriNoma Cinemas sa Quezon City.
Maingat na inalalayan ng direktor ang 78-year-old actress sa pag-akyat at pagbaba sa mga hagdan ng sinehan, pati na rin sa pagsagot ng mga tanong ng movie press.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Direk Adolf sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay binanggit nitong malapit talaga siya sa senior actress, at bilib siya sa talento nito.
“Natutuwa ako kasi parang may nanay ka sa set. Tapos parang you see her perform, and you see why she's a legend. Oo. Kasi parang kahit simpleng eksena, nakikita mo yung power niya,” saad niya.
First time niyang makatrabaho si Gina sa Poon, pero nasundan agad ito.
Ito ang pelikulang Pila, na nag-world premiere sa 48th Moscow International Film Festival sa Russia noong April.
Kaabang-abang raw ang indie film na ito.
“Kasi it's also a performance of a lifetime for her kasi first time niya and at her age to do a one take na wala talagang putol,” sabi ng direktor.
Read: REVIEW: Poon turns domestic decay into its most haunting force
HONORING JACLYN jose AND RONALDO valdez
Sa Poon naman, gumaganap si Gina bilang isang biyuda na may-ari ng 13 life-size statues na sumisimbolo sa mga disipulo ni Hesus.
Kahit horror film ang pelikula ay makikita pa rin ang dramatic skills ng Kubrador actress.
Kasama niya sa mga eksena sina Jaclyn Jose at Ronaldo Valdez, na nakipagsabayan din sa iyakan.
Nagpasalamat si Direk Adolf dahil nakatrabaho niya ang dalawang namayapa nang mga artista sa kanilang mga huling sandali.
Ang Poon ang pelikulang ginagawa nina Jaclyn at Ronaldo bago sila pumanaw.
Natutuwa raw ang direktor sa tiwala na binigay sa kanya ng aktres na kilala sa “underacting.”
“Pamilya ang turing ko sa kanya. So ako, natutuwa ako na yung huling pelikula na pinagkatiwala niya, e, sa akin.
"So kaya masayang-masaya ako kasi parang kumbaga sa pamilya, more than anything dun sa paggawa ng pelikula, yun ang mas importante,” saad niya.
Inalala din niya si Ronaldo, na ilang beses niyang nakatrabaho.
“Kahit kapiraso lang yung time na pinagsamahan namin, makikita mo kung gaano siya ka-involved dun sa pelikula,” saad niya.
Read: Chloe takes swipe at Carlos Yulo’s mother over wedding issue
PRODUCTION DELAYS
Noong 2023 pa sinimulan ang paggawa sa Poon. Natigil ang produksyon nito nang mamatay si Ronaldo noong December 2023, at si Jaclyn noong March 2024.
Matapos nito ay humarap sa iba’t-ibang problema ang production team, tulad na lang ng kakapusan sa budget at ang hindi pagtugma-tugma ng schedule ng ensemble cast na kinabibilangan nina Janice de Belen, Ara Mina, Lotlot de Leon, Allen Dizon, JC de Vera, Bembol Roco, Martin del Rosario, Will Ashley, Kelvin Miranda, Althea Ablan, at Joao Constancia.
Gayunpaman, nagpursige ang lahat at natapos kuhanan ang pelikula noong December 2025.
Kuwento ni Direk Alix: “Siguro mahaba talaga yung journey kasi may mga pinagdaanan.
"Well, yun nga, several factors like funding, saka siyempre yung biglaang pagkamatay, tapos siyempre yung schedule din.
"Pero eventually, feeling ko, it will all work out in the end. Parang mas nakatulong din siguro kasi mas nag-simmer yung pelikula, tapos nabigyan din ng pagkakataon na siguro mas mapaganda.”