Agaw-eksena si Nour Hooshmand sa dalawang book launch ng Quiapo Ilalim: Pagsusulat ng Iba’t Ibang Daan ni National Artist Ricky Lee.
Sa Cinemalaya 2026 launch noong Agosto 14 sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, natoka si Nour na magbasa ng excerpts sa screenplay ng Alyas Stella Magtanggol (1992) na pinagbidahan ni Rita Avila.
May pagtanggal doon ng shades si Nour!
Ang iba pang readers ng excerpts ay sina Epy Quizon, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Zaijian Jaranilla, Yayo Aguila, Chai Fonacier, Meryll Soriano, at Cherry Pie Picache.
Performer si Bayang Barrios.
Hosts sina Hershey Neri at Yani Villarosa.
Sa Manila International Book Fair 2026 launch noong Setyembre 11 sa SMX Convention Center Manila, MoA Complex, Pasay City, dalawang beses nagbasa si Nour.
Noong una, binasa niya ang lines ni Clara opposite Cynthia (Angel Aquino) sa Brutal (1980).
Sa pelikula ay si Charo Santos ang Clara, at si Gina Alajar ang Cynthia.
Sa pagbabasa nila ni Angel, nakasumbero si Nour at naka-clear eyeglasses.
Afterwards ay may sariling moment si Nour sa pagbabasa ng lines ni Bujoy (ginampanan ni Jolina Magdangal) sa Labs Kita, Okey Ka Lang? (1998).
Nagtanggal ng eyeglasses at sumbrero si Nour. May pa-headband siya na very Jolens.

Ang iba pang readers ng excerpts sa book launch na iyon ay sina Agot Isidro, Cristine Reyes, Dimples Romana, JC Santos, Jose Javier Reyes, at Shaina Magdayao.
Performers sina Bayang Barrios at Aicelle Santos.
Hosts sina Mikoy Morales at Hershey Neri.

Read: Quiapo Ilalim: The star-studded book launch of Ricky Lee
SELFIE WITH SHAINA
Ano ang pakiramdam na nakaka-bonding at nakakahalubilo niya ang mga beteranong artista sa industriya?
“Nakakakilig po talaga. Kasi, siyempre iniidolo mo lang yung mga artista na ito,” lahad ni Nour.
“And then ngayon, parang nakakausap na nang normal. Parang kilala ka na rin nila kaya nakaka-humble lang talaga. Sobrang grateful.”
Nakipag-selfie pa siya kay Shaina.
“Opo! Kasi, idol ko po siya, idol ko po silang lahat! Si Miss Shaina po yung hindi ko pa talaga nakaka-work.
“Nakakakilig lang na to be in the same space as these actors,” saad ni Nour.
THE UNDESIRABLES
Kasama si Nour sa Netflix limited series na BuyBust: The Undesirables, kung saan bida sina Anne Curtis at Gerald Anderson.
Nag-aksyon ba siya rito?
“Iba po yung timpla ng karakter ko,” pakli ni Nour.
“So nakakatuwa, kasi ibang-iba din po talaga yung role na ginawa ko doon. And malala yung naging bonding namin.
“Kasi ang tagal po nung shooting, e. So, naging close din po talaga ako sa mga co-actors. Excited kami na mapanood iyong series.”
Kasama sa nine-episode series si Sue Prado?
“Opo, nandoon po si Miss Sue and, yun nga, nag-dub ako recently, tapos nakita ko siya sa eksena, si Ate Sue. Nakaka-miss.”
Read: Who is Martin Tan, tech CEO and boyfriend of Bela Padilla?
NOUR HOOSHMAND RECALLS ANNE CURTIS' KIND GESTURE AT CANNES
Sa kanyang career path, sinu-sino ang gusto niyang sundan?
“Idol ko po talaga si Miss Eugene Domingo. Dolly de Leon. Iyan po talaga yung mga… na galing po sa teatro, they made their name sa industry,” sagot ni Nour.
“Marami po talaga na kahanga-hanga, like in terms sa pagkatao din. Anne Curtis, grabe!
“Like, sobrang laki niya, pero sobrang bait niyang tao. Walang showbiz involved.
“Noong nagpunta po ako ng Cannes last year para sa Agapito, tinulungan niya ako.
“Yung damit ko, siya po ang nagpagawa. Tinulungan po niya ako, kasi wala po akong ano, e.
“Siya po ang nagpagawa ng damit. Para siyang naging fairy god-diosa. Diosa po talaga siya.”
Si Anne ang nag-offer na pagawan siya ng damit na pang-Cannes?
Tumango si Nour: “Opo, magkasama po kami sa shoot nung nalaman po namin na pupunta kami ng Cannes.
“Bago pa lang ako sa industriya. So, wala po akong resources masyado. And siyempre, magastos po magpagawa ng damit.
“Fairy god-diosa po talaga siya. Tinulungan niya ako, na hindi niya pina-publicize or whatever.”
Ang Cannes gown ni Nour ay ipinagawa ni Anne kay Mark Bumgarner.
“Feeling ko, parang princess ako!” bulalas ni Nour.
“Pagdating ko po doon sa ano ni Bumgarner, sabi ko, ‘Omigosh! Wow!’ First time kong ma-experience yon. Sobrang thankful ako.”
View this post on Instagram
AGAPITO
Ang Agapito ay nag-premiere sa Short Film Competition ng 2025 Cannes Film Festival sa France.
Nag-screen ito kapagkuwan sa Toronto International Film Festival, kung saan nagkamit ito ng Honourable Mention mula sa Short Cuts jury.
The film follows Mira, a senior pin setter at a fading duckpin bowling alley, and her monthly visits with her brother Junior.
Co-stars ni Nour sa Agapito sina Andre Miguel, Anton Nolasco, Jeremy Mayores, Veronica Reyes, Joel Garcia, at Bullet Dumas, sa direksiyon nina Arvin Belarmino at Kyla Danelle Romero.
Ang Agapito ay isa sa tatlong pelikulang Pinoy na eligible na makapasok sa 99th Academy Awards o Oscars. Puwede ito sa kategoryang best live-action short film.

Dalawa pang pelikulang Pinoy ang magbi-biyaheng Oscars, na suportado ng Film Academy of the Philippines.
Ito ay ang Filipiñana na panlaban ng bansa sa best international feature, at ang 58th (directed by Carl Joseph Papa) na eligible sa kategoryang best documentary.
Kasama si Nour sa cast ng Filipiñana, kung saan bida si Jorrybell Agoto sa direksiyon ni Rafael Manuel.
Dalawang pelikula ni Nour ang eligible sa Oscars!
Take note na sa Cinemalaya 22: Reel Reflections noong Agosto 6-18, tatlo ang pelikula ni Nour — 2 Valid IDs, Tayo Lang Ang Nakakaalam, at ang short film na Runo!.
Read: Filipiñana chosen as Philippines’ official entry to Oscars 2027
URIAN NOMINEE
Sa 49th Gawad Urian na gaganapin sa Oktubre, kabilang si Nour sa walong nominadong best actress.
Nominado siya para sa unang full-length film na pinagbidahan niya, yung Cinemalaya 2025 film ni Sari Dalena na Cinemartyrs.
Ang iba pang nominadong best actress sa 49th Gawad Urian ay sina Krystel Go (I’mPerfect), EJ Jallorina (Dreamboi), Odette Khan (Bar Boys After School), Maris Racal (Sunshine), Rissey Reyes-Robinson (Paglilitis), Ruby Ruiz (Tigkiliwi), at Geraldine Villamil (Republika ng Pipolipinas).
Ano ang feeling niya na ma-nominate na best actress sa Gawad Urian?
“Sobrang honored and grateful lang ako na na-recognize ng Urian,” tugon ni Nour.
“Malaking honor po talaga na mapabilang kasama yung mga napakahusay na mga artista.”
Umaasa ba siyang manalo? Iba kasi ang panlasa ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP).
“Actually, OK na po ako na kinilala po ako ng Urian. Malaking bagay na po yon para sa akin,” sagot ni Nour.
“Kung sino man po ang manalo, I’m sure na very deserving po siya.”

Ang Cinemalaya 2025 best actress ay si Mylene Dizon para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan. Hindi siya kasama sa walong nominadong best actress sa Gawad Urian.
Tatlong talunan sa Cinemalaya 2025 ang pasado sa Gawad Urian — Rissey Reyes-Robinson (Paglilitis), Geraldine Villamil (Republika ng Pipolipinas), at si Nour ng Cinemartyrs.
Nagulat ba siya sa nomination niya sa Urian?
“Actually, hindi po ako nag-e-expect ng anything. So, nung binalitaan po ako, parang, ‘Ohhh? Totoo?’ Nakaka-overwhelm po!”
Ano ang magandang alaala niya sa pakikipagtrabaho kay Direk Sari Dalena?
“Very motherly po si Direk Sari, and teacher din po siya. So, andami niyang tinuro sa akin in terms of sa film,” sabi ni Nour.
“Very inspiring iyung journey na yon dahil parang bumalik ako sa UP life. And kilala ko lang dati si Direk Sari as a professor sa Film, e.
“And then nung naka-work ko siya, para kaming nagle-lessons. May private lessons kami.
“Ang sarap pong ka-work ni Direk Sari and until now we’re very close pa rin, and she’s guiding me sa career ko.”

Sa MMFF 2025 ay best actress si Krystel Go (I’mPerfect), at best supporting actress si Odette Khan (Bar Boys: After School). Sa Urian, pareho silang best actress nominee.
Si Ruby Ruiz (Tigkiliwi) ay best actress ng Puregold CinePanalo filmfest 2025.
Sa inaugural CineSilip filmfest, si Angela Morena (Pagdaong) ang best actress. Laglag siya sa Urian.
Sa halip, nominado si EJ Jallorina (Dreamboi).
Si Maris Racal (Sunshine) ay tinanghal na best actress sa 9th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Hulyo.
Read: Quezon leads 49th Gawad Urian nominations with 10 nods
BUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL
Rarampa si Nour sa 31st Busan International Film Festival sa Oktubre 6-15, 2026 sa South Korea.
Dalawa ang full-length film niya rito.
Una ay ang Filipiñana, kung saan kasama ni Nour sa pagrampa si Sunshine Teodoro.
Hindi na sumama rito si Jorrybell para makapagpahinga. Marami pang pupuntahang screenings sa ibang bansa ang Filipiñana.
Nakatakda ngang rumampa si Jorrybell sa opening ng 39th Tokyo International Film Festival sa Oktubre 26.

Ang isa pang pelikula ni Nour na magbu-Busan ay ang Ria, kung saan siya ang bida.
First full-length film ito ni Arvin Belarmino, na co-director ng Agapito.
May gowns na si Nour para sa Busan.
Aniya: “Thankfully marami nang naging mga kaibigan na mga designers. So, nagtutulung-tulong para magbuo ng looks for the festivals.”
Hindi pa puwedeng i-reveal kung kani-kaninong gowns ang irarampa ni Nour sa Busan, ang ikalawang malaking international filmfest na pupuntahan niya.
Ano ang puwede niyang sabihin tungkol sa Ria?
“Very immersive po siya sa community. And bumuo din talaga kami ng banda para ma-feel namin kung paano yung character,” pagsisiwalat ni Nour.
“Yung team po ng Agapito, same team po yun ng Ria. So, bale yung short film na Agapito ay ginawa din talaga namin to test kung paano yung working relationship namin sa Ria.
“So, mahaba yung naging journey po. Kaya ang sarap na finally, tapos na siya and maipapalabas na siya.”
View this post on Instagram
Read: Jerom Canlas on brother Elijah’s EDJOP performance: "Masterclass"
