Binasag na sa wakas ng singer na si Moira dela Torre ang kanyang pananahimik matapos makaladkad ang pangalan niya sa hiwalayan ni Sam Milby at ng ex-fiancée nitong si Miss Universe 2018 Catriona Gray noong 2025.
Si Sam ay dating malapit na kaibigan ni Moira.
"Kuya" pa nga ang tawag ng singer sa aktor.
Read: Rochelle Pangilinan answers rumored rift with Jopay Paguia
REAL TALK WITH MOIRA DELA TORRE
Sa exclusive Real Talk interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Moira sa Academy of Rock sa Quezon City nitong Huwebes, September 17, 2026, diretsahang inusisa ang singer kung kamusta na sila ni Sam.
Pinagbigyan ni Moira ang PEP ng 16-minute exclusive interview kung saan no-holds barred niyang sinagot ang mga katanungan tungkol sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay at karera.
Nangyari ito matapos siyang humarap sa entertainment press para sa presscon ng nalalapit niyang major concert, ang Where It All Started, na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa October 4, 2026.

Kumusta na sila ni Sam? Okay na ba sila?
Sagot ni Moira: "Hindi, e... nami-miss ko po yung kuya ko.
"Siyempre, naiinis po akong nadawit pa ako doon. Hindi naman po totoo yun, e."
Bakit ba siya nadawit at inakusahang "third party" sa hiwalayan nina Sam at Catriona?
Diin ng singer: "Hindi po talaga. Iba po yung ma-issue ka sa ibang lalaki.
"Pero yung mai-issue ka sa kuya mo, medyo... parang hindi ko po alam kung bakit."
Ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit siya nadamay?
"Hindi ko rin po alam. Hindi ko rin po alam."
So, walang katotohanan yun?
"Walang katotohanan. Hindi po ako third party kay Kuya Sam at kay Cat," giit ni Moira.
"Alam ko po yung nangyari sa kanilang dalawa, but that's not my story to tell. And I will protect them.
"At wala rin pong third party sa kanilang dalawa, at hindi rin po ako ang third party sa kanilang dalawa."
Read: Ellen Adarna flaunts cash support from John Lloyd Cruz for Elias
MOIRA ON SAM'S DECLARATION THAY THEY'RE NO LONGER FRIENDS
Dahil sa isyu, nagkaroon din ng lamat ang pagkakaibigan nina Moira at Sam.
Siya ba ang kusang lumayo?
Sabi ni Moira, "Opo, kasi nagpa-interview po siya, e. Hindi na kami friends."
Ang tinutukoy niya ay ang panayam si Sam kay MJ Felipe ng ABS-CBN News noong February 18, 2025, kung saan diretsahang sinabi ng aktor na hindi na sila magkaibigan ni Moira.
Hindi idinetalye ni Sam kung ano ang dahilan ng pagwawakas ng kanilang friendship.
Read: Sam Milby admits he's no longer friends with Moira dela Torre
Nasaktan siya?
"Opo, nasaktan po ako. Opo."
Iniyakan daw niya ang sinabing iyon ng dating kaibigan.
Read: Sachzna Laparan addresses "snubbing incident" with Angelica Jones
WHERE IT ALL STARTED CONCERT
Halos dalawang taong nagpahinga sa pagku-concert si Moira dahil sa mga naranasan niyang pagsubok sa kanyang karera.
Kaya naman excited siya para sa nalalapit niyang fourth major concert sa MOA Arena sa October 4.
Aniya, "You can expect my hit songs. You can expect the songs from where it first started all the way up to now. So, yun po."
Ilan sa mga sikat na awitin ni Moira ay ang "Malaya," "Paubaya," "Tagpuan," at "Tagu-Taguan."
Magiging guest niya sa Where It All Started concert sina Ogie Alcasid, Adie, Johnoy Danao, December Avenue, at ilang surprise guests.
Mabibili ang tickets sa ticketmaster.ph.

Samantala, abangan ang two-part Real Talk interview ni Moira sa PEP YouTube channel.
Dito ay nagkuwento siya sa naranasang kalungkutan sa buhay matapos ang hiwalayan nila ng estranged husband, estado ng annulment, ang pagpapakonsulta niya sa espeyalista dahil sa mga pinagdaanang problema, at ang saloobin niya sa ilang kaibigang lumayo sa kanya.
Read: Robbie Jaworski reveals how he spent his first talent fee
