Nominadong best actress si EJ Jallorina (Dreamboi) sa 49th Gawad Urian na gaganapin sa Oktubre 2026.
Ang pitong katunggali niya ay sina Nour Hooshmand (Cinemartyrs), Krystel Go (I’mPerfect), Odette Khan (Bar Boys: After School), Maris Racal (Sunshine), Rissey Reyes-Robinson (Paglilitis), Ruby Ruiz (Tigkiliwi), at Geraldine Villamil (Republika ng Pipolipinas).
Nominadong best actress si Sassa Gurl (Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo) sa 3rd Puregold CinePanalo filmfest, na ang awards ceremony ay sa Setyembre 30.
Isa lang ang kalaban ni Sassa Gurl, si Xyriel Manabat (Stuck On You).
Read: Xyriel Manabat, Sassa Gurl face off for CinePanalo Best Actress
AND THE BEST ACTRESS IS…
Ang Dreamboi at Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo ay parehong idinirek ni Rodina Singh.
“Nakaka-pressure siya!” bulalas ni Direk Rodina sa mediacon ng 3rd Puregold CinePanalo filmfest noong Setyembre 17, 2026, Huwebes, sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.
“Nakaka-pressure siya kasi parang may mga jokes yung mga filmmakers minsan na parang, ‘Ay! Nanghihingi ng award yung pelikula!’
“May ganun kasi, di ba? Yung parang… dito kasi talaga ginawa namin siya na gusto lang naming gumawa ng unapologetically queer.
“Na baka this time, mabigyan na ako ng luxury na puwedeng baklang-bakla lang yung gawa ko.
“Before kasi, parang ang worry ko was baka hindi ako seryosohin as a filmmaker.
“So I needed to do Dreamboi where people could finally consider na, you know, our stories may be funny but we are very serious about this.
“So dito, dahil after with what happened sa Dreamboi, ang ano ko ay hindi ko na kailangang patunayang seryoso ako sa ginagawa natin. Magbaklaan tayo.”
Humakot ang Dreamboi ng walong pagkilala sa inaugural CineSilip filmfest noong Oktubre 2025 — best film, best director, best supporting actor (Migs Almendras), best sound, best cinematography, best editing, best production design, at audience choice award.
Read: CineSilip Film Festival: Highlights and sidelights

CREATIVE DIFFERENCES
Hindi lang lead actress ng Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo si Sassa Gurl kundi producer din.
Inamin ni Sassa Gurl na nagkaroon sila ni Direk Rodina ng creative differences sa pagbuo ng pelikula.
“Yung difference kasi namin ni Sassa, dahil magtropa kami, so halung-halo talaga,” pagtatapat ni Direk Rodina.
“Like, yun ang pinakamahirap. Hindi lang niya ako basta direktor, manager niya ako, tropa pa niya ako. So, andaming layers.
“Talagang tinest nung pelikulang ito yung friendship at yung relationship namin. Na in the end naman, we came back stronger.
“Kasi sabi nga niya, ‘Finally nag-away na tayo!’ Sabi ko, ‘Oo, tagal na nating magkakilala, never tayong nag-away.’
“Even at work, we don’t cross that line. ‘Pero dahil direktor mo ako, tapos pelikula ko, may ganun talaga.’
“And I think, it makes the movie more special. Kasi parang… wala, may mga ganun kaming maaalala how difficult and painful it is to actually give birth to a story that we hope people would enjoy, di ba?”

CONFRONTATIONAL
Ano ang pinagtalunan nila? Iyung role ni Sassa Gurl?
“Many things siya. Parang ang ano ni Sassa ay normally confrontational ako with people,” say ni Direk Rodina.
“Na pag nagagalit ako or may kaaway ako, confrontational ako. Kasi parang, ‘Let’s talk about this.’
“Kasi nung meron kaming brewing differences, talagang ang pinanggalingan niya ay bakit gini-give ko sa mga taong hindi ko naman close, tapos sa kanya na close na close kami, ayokong ibigay iyung konprontasyon.
“Alam mo yon? ‘Ba’t ayaw mo?’ Parang ina-avoid ko siya. So, parang ganun yung parang mas ano niya.
“Na parang, ‘Sa mga hindi mo naman kaanu-ano, pagka nagagalit ka, binibigyan mo ng atensiyon. Tapos sa akin, may problema tayo, ayaw mong pansin.’ Parang ganun.
“Kasi nga, parang sa isip ko ay hindi ko rin alam how to confront. Kasi nga parang hindi pa kami nag-aaway ever.
“So, parang there’s always that fear na baka naku, pag ganito yung mga away na hindi niyo malampasan.
“Pero sa huli, nanalig lang ako na, ‘Ay, naku! Kung totoo yung friendship natin, we’ll surpass this.’”
Read: Moira dela Torre breaks silence on Sam-Catriona breakup
GOOD-BYE, MARTIN DEL ROSARIO!
Bago pa nakapasok sa Puregold CinePanalo ang Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo, ginawan na ito ng teaser tampok sina Sassa Gurl at Martin del Rosario.
Dahil sa conflict sa schedule ay hindi nagawa ni Martin ang movie, at pinalitan siya ni Joao Constancia.
“Honestly kasi, parang maraming first choice. Kumbaga, pagka may ganitong pelikula, marami ka talagang aalukin,” paliwanag ni Direk Rodina.
“You don’t think of a character not just for one actor. Kasi, puwede nilang i-decline.
“Nagkataong si Martin ang unang-unang umoo sa lahat. Sa lahat ng inalok namin, si Martin lang talaga ang nag-go.
“So, ang laki-laki ng utang na loob ko kay Martin. Kasi yung teaser namin was supposedly like a proof of concept talaga.
“Na sinabi ko, hahanapan ko ng producer, ganyan. Kaso, nung napasok na sa Puregold, yung time na gusto namin talaga [na mag-shoot], hindi available sa schedule niya. Kasi may serye siya.
“Ako kasi, I would prefer talaga to work with an actor na walang teleserye by the time na gumagawa kami ng pelikula.
“Kasi gusto ko, yung actor ko, sa akin lang nang buo. Hindi ko sinasabing hindi kaya ni Martin.
“Actually mas gusto kong malaman, ano ang maibibigay sa akin ni Martin del Rosario pag bumubuo siya sa akin.”
Si Martin ang best actor ng inaugural CineSilip filmfest para sa Haplos sa Hangin.
Wagi rin si Martin na best actor sa Cinemalaya 22: Reel Reflections para sa Tayo Lang Ang Nakakaalam.
Tumango si Direk Rodina: “Di ba? Naging best actor na rin naman si Martin, so parang sabi ko nga, kumbaga, walang ibang dahilan other than the time talaga na… wala.
“Para sa akin nga, mas mahirap nga yung hahanap ulit ako ng bagong artista. And it led us to Joao.”
HELLO, JOAO CONSTANCIA!
Paano napili si Joao bilang kapalit ni Martin sa papel na Miguel?
“Si Joao naman has always been din part nung mga choices ko,” pagmamatwid ni Direk Rodina.
“Pero dahil, di ba, hindi umabot sa kanya, nag-yes na si Martin, e. So, noong hindi nag-work yung kay Martin, binalikan namin si Joao.”
Nai-deliver ba ni Joao yung demands ng character niya?
“Sa akin, yung too, I believe nahigitan niya iyung expectations ko. Kasi isa lang naman ang hiningi ko kay Joao.
“Sabi ko, ‘Joao, pag ginawa natin itong pelikulang ito, ayoko lang na sa huli, after five years, ten years, hindi ko mapanood yung pelikula ko dahil galit na galit ako sa yo.’
“Yun lang. Yun lang ang hiningi ko sa kanya. ‘Please don’t make me hate you.’ Yun lang, para maging maayos lang katrabaho.
“Yun lang ang naging expectations ko… maayos katrabaho. Pero yung na-deliver niyang talent, commitment, yung emosyon, among other things, bonus na lang talaga siya.”

Read: Sassa Gurl gets Joao as new leading man after Martin's exit
“DJ DURANO”
Maliban kina Sassa Gurl at Joao, nasa cast ng Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo sina John Lapus bilang Judith, Inah Evans bilang Azon, Iyah Mina bilang Gloria, Phi Palmos bilang Chona, Gaia Poly bilang Jamba, Pipay bilang Suzy, Mae Paner bilang Ma’am Heidi, at Yani Villarosa bilang Celia.
Andiyan din sina Buboy Villar, Kaladkaren, Christian Antolin, Lui Manansala, Sofia Trazona, Arman Salon, Chino Liu, Tart Carlos, Eric Fructuoso, at Migs Almendras bilang Kuya Jun.
Lucky charm ba niya si Migs kaya isinama niya ito sa Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo?
Napangiti nang sakdal tamis si Direk Rodina: “Sabi ng mga bakla, mga tropa ko, ‘Si Migs Almedras daw ang DJ Durano ko.’ Ha! Ha! Ha! Ha!”
Si DJ ay madalas na kasama sa mga pelikula ng yumaong direktor na si Wenn Deramas.
Ang Puregold CinePanalo 2026 ay gaganapin sa Setyembre 23-Oktubre 4, 2026 sa Gateway Cineplex 18, Trinoma, Fairview Terraces, Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, and Market! Market!.
Ang regular price ng tiket ay PHP250, samantalang ang discounted price ay PHP200 para sa PWD, senior citizens, students, national athletes, at Aling Puring cardholders.
May mall show ang mga artista ng full length films ng Puregold CinePanalo 2026 sa Setyembre 24, Huwebes ng 3:00 P.M., sa Activity Center ng Market! Market!, Taguig City.
Ang awards night ay nakatakda sa Setyembre 30, Miyerkules, kasabay ng closing ceremony ng Philippine Film Industry Month (PFIM) 2026.
Read: Shanaia Gomez shares old DMs from male celeb; Carlos Agassi and wife respond
